Inayos ko ang kumot ni mommy at umupo sa silyang nasa tabi ng kama niya. Umalis muna si Shin at umuwi sa bahay para maligo at magpalit ng damit. Pinakuha ko na rin siya ng ilang mga gamit na kailangan namin dito sa ospital.
Naisip ko na naman ang mga nangyari nitong nakaraan. Kung titingnan mong maigi, ang hirap talagang paniwalaan. Parang kelan lang normal lang ang lahat. Teka, normal nga ba talaga? O hindi ko lang napapansin na may kakaiba? Hindi ko alam.
Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Nang makita ko yung notebook? O matagal nang panahon na ang nakararaan? Nahihilo ako sa mga tanong ko. Hindi ako makahanap ng sagot kasi hindi ko naman alam kung saan at kung paano nagsimula ang lahat ng kababalaghang nangyayari sa amin. Kung pwede lang sanang bigla na lang magkaroon ng himala at maging maayos na ulit ang lahat.
Napapitlag ako nang may kumatok si pinto. Napakurap ako ng ilang beses. Kanina pa pala ako nakatulala. Inayos ko ang sarili ko at tumayo para buksan ang pinto. Tumambad sa akin si Darren.
"Uy, ikaw pala. Err... pasok ka." sabi ko sa kanya. Nang makapasok na siya ay isinarado ko na ang pinto. Umupo siya sa isang upuan dun samantalang ako nama'y bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Tahimik lang kaming dalawa. Sobrang awkward tuloy. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang tv, bibigyan siya ng pagkain o kahit anong inumin, kakausapin siya o uupo lang ako dito at tatahimik na lang. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin rin siya sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Naiilang talaga ako at hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to.
Tumikhim siya. "Kamusta na nga pala ang mommy niyo?" tanong niya.
"Sabi ng doktor, okay naman daw siya. Yun nga lang, hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon." sagot ko at tumingin kay mommy.
"Si Shin?"
"Umuwi muna. Mamaya-maya nandito na rin yun." sabi ko.
Tumango lang siya at hindi na umimik pa. Bumuntong-hininga ako. Napatingin ako sa may labas ng bintana. May natanaw akong isang bahay sa baba. May isang pamilya doon na nag-aayos ng Christmas tree at naglalagay ng Christmas lights at iba pang mga dekorasyon. "Malapit nang mag Pasko." sabi ko.
"Yeah. December na." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. "Talaga?" kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang date. "Oo nga noh. First day of December pala ngayon. Akala ko sa isang araw pa." sabi ko habang medyo nakasimangot. "Hindi ko feel na magpapasko na. Parang hindi ako excited."
"Bakit naman?" tanong niya.
"Sa mga nangyayari kasi ngayon, parang ang hirap magsaya. Yung tipong parang bukas o mamaya pwedeng may mangyaring masama. Tsaka, hindi ko rin alam kung paano namin i-cecelebrate ang mga ganitong okasyon. Usually kasi kapag Pasko, minsan umuuwi kami sa probinsya o kaya nama'y sila lola ang pupunta dito. Sa sitwasyon ngayon, hindi makakapunta dito sila lola at hindi rin naman kami pwedeng umalis dahil sa kalagayan ni mommy. So, bahala na lang." sagot ko. "Ikaw, anong plano mo ngayong pasko?"
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Most of the time, I don't celebrate Christmas." sagot niya.
"Huh? Pwede ba yun? Hindi ba kayo nagcecelebrate ng mga magulang mo? Si Nanay Mildred?" kunot-noon tanong ko.
"Umuuwi si Nanay Mildred sa kanila tuwing pasko. My parents... well, hindi raw makakauwi si papa. Si mama naman susubukan raw niya kung wala siyang sched sa araw na yun. Tsaka kahit naman nasa bahay sila, parang wala lang. They prepare foods, gifts and all. Pero hindi mo naman feel yung Christmas vibe kaya parang wala lang rin." walang emosyong saad niya.
I feel sorry for him. Para tuloy bigla akong naguilty sa pagtatanong. Knowing his situation with his parents, I should have known na ganito pala sa kanila. "Sorry..." mahina kong saad. I bit my lip and tried to change the topic. "Bakit nga pala ang aga mong pumunta dito? Wala ka bang ibang gagawin?"
BINABASA MO ANG
Pakopya (Published Under Viva Psicom)
HorrorMalaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko dahil sa gawaing akala ko'y tama pero nakakasama pala. Mahilig rin ba kayong mangopya tulad ko? Pwes...