"Nawala? Paanong nawala ang mommy ko?! Anong klaseng pagbabantay ba ang meron kayo?!" sigaw ko.
"Miss, maupo na po muna kayo. Nag-iimbestiga na po ang mga pulis kung bakit nakatakas ang mommy niyo." mahinahong saad nung pulis na kasama ko.
Hindi ko siya pinakinggan. Pabalik-balik ako sa pwesto ko papunta sa kabilang direksyon. Hindi ako mapakali at mas lalong hindi ako mapapanatag kapag nakaupo lang ako habang naghihintay sa mga susunod na mangyayari.
Pagkatapos kong matanggap ang tawag mula sa mental hospital na kinalalagyan ni mommy, pumunta kaagad ako doon at tinawagan si Shin. Halos mahimatay ako sa sobrang paghi-hysterical kanina kaya pinaalis muna nila ako doon at pinapunta dito sa police station. Sina Shin na ang nag-uusisa kung paanong nangyaring nawala ang mommy ko sa pangangalaga ng mga nagbabantay sa kanya.
I raked my hand through my hair dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Umiyak ako kanina pero ngayon ay parang ayaw nang pumatak ng mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Feeling ko ay anytime, sasabog na ako.
Ano na kayang nangyayari kay mommy ngayon? Nasaan na kaya siya? Ligtas ba siya? Halos masabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis at kaba na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari. Paano kung may nangyari nang masama kay mommy? Paano kung si Shiara ang may dahilan kung bakit siya nawala?
Naiisip ko pa lang ang tanong na iyon, naiiyak na ako. Huwag naman sana. Hindi ko kakayanin kapag pati ang nanay ko ay mawawala sa akin. I'll probably just self destruct kapag nangyari yun.
Napatingin ako sa entrance ng police station at nakita si Shin na pumasok kasama ang ilang police at mga staff ng mental hospital. Tumakbo agad ako palapit sa kanila.
"Anong nangyari? Nakita niyo na ba si mommy?" tanong ko.
Umiling si Shin. "Hahanapin pa namin siya. Wala talaga si mommy sa mental. Hinanap na namin siya sa buong ospital pero hindi namin siya makita." sagot niya. Bakas sa mukha ng aking kapatid ang sobrang pagod at pag-aalala.
"Paano ba kasi siya nakatakas? Akala ko ba mahigpit ang security niyo? May mga guards at CCTV kayo hindi ba?" tanong ko.
"Wala pong nakapansing nurse o guard na lumabas siya ng hospital building. Noong huli naman po siyang dinalaw ng nurse na nagbabantay sa kanya, tulog naman ang pasyente. Nagulat na lang kami nang makitang wala na siya sa loob ng silid niya." paliwanag nung isang trabahador mula sa mental hospital.
"Chineck na po namin ang CCTV at wala naman po kaming nakitang dumaan siya sa hallway. Sa tingin po namin ay dumaan siya sa may bintana at bumaba gamit ang fire exit." saad nung isang pulis.
BINABASA MO ANG
Pakopya (Published Under Viva Psicom)
HororMalaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko dahil sa gawaing akala ko'y tama pero nakakasama pala. Mahilig rin ba kayong mangopya tulad ko? Pwes...