Pakopya 20

20.9K 510 49
                                    

Normal lang sa isang tao ang magkagusto sa iba. Ang "crush" at "love" ay mga bagay na natural lang na nararamdaman.



Pero bakit parang hindi pa rin matanggap ng sistema ko na may crush ako kay Darren?



Hindi na naman bago sa akin ang ganitong feeling. Marami na rin akong nagning crush noon though ninety percent ata ay puro artista o sikat na celebrity. I even experienced feeling something beyond crush, na hindi ko na gustong alalahanin pa.



Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung nagkagusto ako kay Darren. Gwapo kasi siya at mabait kahit hindi halata. At tsaka isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan ay dahil may nagawa siyang mabuti sa akin. Bonus points na lang yung good looks niya. Crush means "paghanga" nga diba?



In a span of few days, I already liked him. Pero okay lang naman yun. Yung iba nga sa unang pagkikita pa lang nagkakagusto o nai-inlove na agad.



Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Ang gulo-gulo ng utak ko. Nakakainis!



Tumingin ako sa orasan. Mag-aala una na ng madaling araw pero heto ako at gising pa rin. Peste naman kasi. Dapat hindi na ako uminom ng kape. May caffeine yun eh. Sobrang active pa rin tuloy ng utak ko kaya hindi ako makatulog.



Nakakainis rin si Darren. Nginitian ako. Yan tuloy, heto ako at hindi pa rin makaget-over na crush ko siya. Ugh.



Niyakap ko ang unan ko at tumingin sa kisame. Come to think of it, nagkagusto na ulit ako. Nakaramdam na ulit ako ng attraction sa ibang tao. Ibig sabihin ba nito... nakamove-on nako kay Max?



Sana nga. Sana nga talaga.



Ilang minuto akong tumunganga at nagpagulong-gulong sa kama hanggang sa unti-unti na akong nakaramdam ng antok.



Papikit na sana ako nang biglang umangat ang kurtina dahil sa hangin. Nakabukas ba yung bintana? Nakalimutan atang isara ni Shin kanina. Kaya ata ang lamig-lamig eh. Hay nako.



Napilitan akong tumayo para isara yung bintana. Ano ba naman yan. Kung kelan inaantok na ako tsaka naman may istorbo. Ang saklap naman ng buhay ko oh.



Isinuot ko ang aking tsinelas at lumapit sa may bintana. Pagkahawi ko ng kurtina, napasigaw ako sa sobrang takot at napaatras. Nasagi ko ang bedside lamp at natumba ito sa may sahig. Namatay ang ilaw at dumilim ang paligid.



Nanlamig ang buo kong katawan. Si Shiara... Hindi ako pwedeng magkamali. Mukha niya ang tumambad sa akin nang hawiin ko ang kurtina. Nakangiti siya sa akin. Isang nakakakilabot na ngiti na tila nagpapahiwatig at nagpapaalala sa akin ng mga bagay na hindi kanais-nais.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon