Pakopya 8

28K 726 350
                                    

Ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang huli kong dalawin ang aking ina sa ospital. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari.



Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na parehas ang naging reaksyon ng nanay ko at nung matandang nabunggo ko. Tila naging isang 'mantra' ang kanilang mga salita na paulit-ulit sa aking utak. Kapahamakan nga lang ba talaga ang hatid ng notebook na 'to? Kung ganun nga iyon, bakit wala pa ring nangyayaring masama sa akin o sa pamilya ko?



At sino yung babaeng binanggit ni mommy na papatay raw sa amin? Sino si Shiara?



Her name sounds familiar pero hindi ko talaga matandaan kung may kakilala ba kaming Shiara ang pangalan. Marami naman taong nagngangalang Shiara sa mundo kaya hindi pwedeng basta-basta ko na lang akusahan ang kung sino. And besides, wala naman akong sapat na pruweba para isumbong yung Shiara na yun at sabihing may balak siyang patayin kami. Baka pagtawanan lang ako ng mga pulis kapag nalaman nilang sinabi yun ng aking ina na... sabihin na lang natin na kasalukuyang mentally unstable.



Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang koneksyon nung Shiara sa notebook. Ilang beses ko nang binasa ang mga nakasulat dito pero wala naman akong napansing kaduda-duda.



Huminga ako ng malalim at binilisan ang aking paglalakad. Papunta ako ngayon sa may lost and found section ng aming paaralan para ibigay itong notebook. Dapat noong isang araw ko pa ito ginawa kaya lang masyado akong busy sa school works.



Gusto ko nang maibalik yung notebook sa may-ari para wala na akong proproblemahin. Medyo natatakot na rin kasi ako sa notebook na 'to dahil sa mga sinabi ni mommy at nung matanda.



"Sarah!"



Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Ma'am Antes." nakangiting bati ko sa kanya. Ngunit unti-unting napawi ang ngiting iyon nang mapansin ko ang hindi magandang ekspresyon sa kanyang mukha. "May problema po ba?" tanong ko.



"Meron. Isang malaking problema." seryosong sagot niya.



***



"Imposible." I said while rereading the piece for the nth time. "Paano nangyari 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko.



"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?" sabi ni Ma'am Antes.



Inilapag ko ang mga papel na hawak ko sa desk ni Ma'am at minasahe ang sentido ko. Nandito kami ngayon sa office ni Ma'am Antes. Nagkaroon kasi ng problema sa entry na aking isinubmit para sa writing contest na sinalihan ko. "Kanino po ba itong isang entry?" tanong ko.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon