Mabilis na lumipas ang mga araw. Christmas party na namin ngayon at syempre, excited ang lahat kasama na ako. This is our last day before our Christmas break and a perfect time for me to loosen up.
Masyado akong nadedepress sa mga nangyari nitong nakaraan kaya kahit ngayon lang, I'll try my best to enjoy. Malapit na rin kaming umuwi sa probinsya at hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin dun. Everything is so unpredictable. Who knows, baka ako na pala ang susunod na mamamatay, diba?
Agad kong iwinaglit sa utak ko lahat ng masasamang bagay na naiisip ko. Nagsimula na akong maghanda sa pagpasok. Nagsuot lang ako ng simpleng pink na dress at doll shoes tapos nilagay ko sa isang malaking bag ang lahat ng gamit at regalo ko para sa mga kaibigan at teachers ko.
A couple of hours bago ang aming Christmas party, nasa school nako. Aayusin pa kasi namin yung isang malaking room kung saan magkasama na ang dalawang sections ng fourth year, yung sa amin at yung kina Damie kaya magkakasama kaming magbabarkada. At syempre aayusin pa yung mga handang pagkain, sound system at kung ano-ano pa. Pagkatapos naming mag-ayos, tumambay muna kami nina Fel, Damie at Ailee sa may lobby. Hindi ko alam kung nasaan sina Meryll at Jeff samantalang si Darren naman ay mukhang hindi pa dumadating.
"Nakakastress mag-ayos ha," reklamo ni Damie habang pinapaypayan ang sarili.
"Ang arte mo! Mage-enjoy ka rin naman mamaya," sabi ni Ailee.
"I can't believe that Christmas is just a few days away. Tapos malapit na rin tayong grumaduate at yun ang talagang nakakastress," saad ni Fel.
Sasabat pa sana si Damie nang matigilan kaming lahat sa pagdating ni Meryll at Jeff. Ang lawak ng ngiti ni Jeff at si Meryll naman ay nakatungo.
"O, saan kayo galing?" tanong ni Damie habang nakataas ang isang kilay. "Himala ata at nagsolo kayong dalawa. Baka may ginawa na kayong milagro ha!"
Lalong lumawak ang ngiti ni Jeff at kulang na lang ay mapunit ang mukha niya sa kakangiti.
"Nakadrugs ka ba, Jeff? Parang may tama ka kung makangiti diyan," sabi ni Ailee.
"May tama nga ata ako," sabi ni Jeff sabay sulyap kay Meryll. Tumikhim siya at muling bumaling sa amin. "Guys... ano..."
"Ano?" tanong ko.
Muling sumulyap si Jeff kay Meryll bago sumagot. "Kami na," nakangiting saad nito.
Natahimik kami ng ilang segundo. "Ano ulit yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Fel.
"Sabi ko, kami na," pag-uulit ni Jeff. Pinalo naman siya ni Meryll at sinuway dahil masyadong malakas ang pagkakasabi niya nun.
"Kayo na? As in, mag-on? In a relationship? Mag-jowa?" sunod-sunod na tanong ni Damie.
"Oo nga," sagot ni Jeff sabay hawak sa kamay ni Meryll na ngayon ay namumula na pero nakangiti rin. Naghiyawan kaming apat.
BINABASA MO ANG
Pakopya (Published Under Viva Psicom)
HorrorMalaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko dahil sa gawaing akala ko'y tama pero nakakasama pala. Mahilig rin ba kayong mangopya tulad ko? Pwes...