Pakopya 17

20.1K 533 124
                                    

"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko.



At tulad nga ng aking inaasahan, hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga ako. Kanina ko pa kinakausap 'tong si Darren pero hindi siya umiimik.



"Ibaba mo na lang ako. Kaya ko namang maglakad." saad ko. Kinarga kasi ako ni Darren at isinakay sa may likod niya. Piggyback style. Nahihiya na nga ako eh. Baka kasi ang bigat-bigat ko.



Kanina pa kaming naglalakad. I mean, siya lang pala. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Ang dilim kasi.



Biglang tumigil si Darren sa paglalakad. "Pagod ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo ibaba mo na lang ako."



Hindi umimik si Darren. Palinga-linga lang siya sa paligid. "May problema ba?" tanong ko.



"Tinitingnan ko kung saan tayo dapat dumaan." sagot niya.



Natigilan ako sandali pagkarinig ko sa boses niya. Hindi pa rin talaga ako sanay na marinig siyang nagsasalita. Maya-maya pa'y napakunot-noo ako. "Huwag mong sabihing... hindi mo kabisado ang daan pabalik?"



"We're just both visitors here, remember?" sagot niya.



Iimik pa sana ako nang biglang may pumatak na tubig sa aking braso. Tumingala ako sa langit at may pumatak muling tubig sa aking mukha hanggang sa ang paisa-isang patak ay nagsunod-sunod.



"Hala! Naulan!" sigaw ko. Ginawa kong panangga ng ulan ang isa kong kamay samantalang ang isa naman ay nakahawak pa rin kay Darren. "Kailangan nating makahanap ng masisilungan bago tuluyang lumakas ang ulan." saad ko.



Mabilis na naglakad si Darren. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Lalong lumakas ang buhos ng ulan.



"Darren, ibaba mo na lang ako." sabi ko. Imbis na sumagot ay mas lalong binilisan ni Darren ang kanyang paglakad. Di nagtagal ay may naaninag akong isang maliit na kweba. Pumasok kami sa loob.



Dahan-dahan akong ibinaba ni Darren. "Woohoo! Sa wakas!" masayang sigaw ko sabay upo. Umupo naman si Darren sa may harapan ko.



Napatingin ako sa kanya. Nakita kong medyo hinihingal siya. Basang-basa rin siya tulad ko. Tumutulo pa nga ang tubig mula sa kanyang buhok at medyo nahaharangan nito ang kanyang mga mata.



Bakit ba ang gwapo niya? Naiirita ako. Ugh.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon