Pakopya 24

20.2K 518 62
                                    

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame.



Alam niyo ba yung feeling na hindi niyo maintindihan kung ano ba yung nararamdaman niyo? Yung feeling na parang masaya ka, na malungkot, na naiinis... halo-halo na yung emosyon kaya hindi mo maexplain at hindi mo maintindihan kung ano ba dapat ang maramdaman mo. Ewan, ang gulo ko.



Crush ko talaga si Darren, alam ko naman yan eh. Pero bakit parang may iba? May kakaiba talaga akong maramdaman na hindi ko maunawaan na nagiging dahilan para umakto ako na parang nababaliw na. This feeling is not new to me since I've already felt that something beyond having a crush on someone. Yung kay Max.



Ah ewan talaga. Nakakainis. Normal lang naman na maging awkward ka kapag nandyan sa paligid ang crush mo diba? Normal lang naman na hindi ka makapag-isip ng matino kapag nandyan yung taong gusto mo diba? Diba? Aish.



Gumulong-gulong na lang ako sa kama ko. Maaga pa naman. Alas-otso pa lang ata ng umaga. Tsaka Sabado naman ngayon at walang pasok. Buti na lang.



Muntik na akong mahulog nang biglang nagring yung cellphone ko. Inabot ko ito sa tabi ng kama ko at humiga ulit. Tumatawag si Fel.



"Morning." bati ko.



"Hey, are you free this afternoon?" tanong niya.



Nag-isip ako sandali. "Uhmm... Wala naman akong gagawin. Bakit?"



"Great! Tara doon sa bagong amusement park!" aya niya.



"Ano ka, bata? Ayoko. Tinatamad ako ngayon. Ang sarap matulog. Malamig kasi." pagdadahilan ko.



"Sarah naman eh! Sige na please? Libre ko! Minsan lang ako mag-aya kaya pumayag ka na. Please?" I can already imagine her pouting kaya napabuntong-hininga ako.



"Sige na nga. Ano bang oras?" tanong ko.



"Mga 6 PM. Susunduin na lang kita. Yes, excited nako!"  tuwang-tuwang saad niya.



"Oo na, psh. Sige matutulog na lang ulit ako. Bye." sabi ko sabay hikab.



"Nga pala kasama ang buong barkada. Matulog ka na diyan. Basta 6 PM ha? Bye!" tapos pinutol na niya yung tawag.



Kasama ang buong barkada? Meaning, pati si Darren?

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon