Pakopya 40

15K 430 18
                                    

Inilapag ni Tito Zach ang mga gamit namin sa may sala habang inaalalayan ko si mommy. Tatlong araw mula noong mag-usap usap kami nila Aling Norelia sa ospital, dinischarge na si mommy sa pagkakaconfine. Tutal naman magaling na ang mga sugat niya pwera sa bali niya sa braso.



"Anak, hindi mo naman ako kailangan pang alalayan. Kaya ko na ang sarili ko." reklamo ni mommy pagkaupo niya.



"Nag-iingat lang po ako. Kahit pa sinabi ng doktor na magaling na kayo, hindi niyo pa rin lubusang naibabalik ang lahat ng lakas niyo." sabi ko at bumaling kay Tito Zach na nakatayo lang sa may gilid at nakatingin sa amin. "Tito, salamat po sa paghatid at pasensya na sa abala."



"Wala yun. Madadaanan ko rin naman 'tong bahay niyo papunta doon sa tinutuluyan ko." nakangiting saad niya.



"Hindi ko akalaing magiging malapit tayo sa isa't-isa lalo na't medyo hindi naging maganda ang huli nating pagkikita noon. Ni hindi nga ata tayo magkaibigan." natatawang saad ni mommy.



"Oo nga eh. Yung sa puntod ni..." bahagyang nawala ang ngiti ni Tito Zach. "Anyway, past is past. Ang mahalaga ay yung ngayon. So, pano ba yan, mauna nako ha? I still have lots of things to do. Ilang araw na lang makakalabas na rin ang asawa ko sa ospital. Alam kong ayaw niyang inaasikaso ko siya, pero kailangan ko pa rin siyang tulungan. And besides, everything should be settled bago tayo umalis pabalik sa probinsya." aniya.



Tumango kami ni mommy and said our goodbyes to Tito Zach bago siya tuluyang umalis.



Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at binuksan. "Ma, nagtext po si Shin. Tinatanong kung maayos raw tayong nakauwi." sabi ko.



"O? May exam siya ngayon diba? Sabihin mo nakauwi tayo ng maayos at goodluck sa test niya." sabi ni mommy.



Tumango ako at nagtype ng reply kay Shin. Tanghali na ngayon kaya malamang ay lunch nila kaya nakapagtext siya. May pasok rin ako ngayon pero umabsent muna ako dahil sa paglabas ni mommy sa ospital.



"Sa tingin mo ba, tama lang na umuwi tayo sa start ng Christmas vacation niyo? Dapat ba mas maaga o palipasin muna natin ang pasko at bagong taon?" tanong sa akin ni mommy.



Umupo ako sa sofang nasa harapan ni mommy at inilapag ang bag ko. "Tama lang po yun. Para tapos na lahat ng klase namin for this year at hindi na namin kailangang umabsent nina Shin. Kailangan mo rin ng pahinga para tuluyan ka nang gumaling bago tayo umalis. As much as possible, kailangan na nating masolusyunan ang problema natin kay Shiara. Hindi natin alam kung kelan ulit siya magpaparamdam o mambibiktima. Mas mabuti na ang maagap." litanya ko.



Ilang segundo ata akong tinitigan ni mommy kaya medyo nailang ako. Napangiti siya. "The way you speak and act, parang mature na mature ka na talaga. Hindi ko man lang nasaksihan ang pagdadalaga at pagbibinata niyong dalawa ni Shin. Pero masaya ako dahil kahit wala ako sa tabi niyo, natuto pa rin kayong magpakatatag at tumayo sa sarili niyong mga paa. Sayang lang at hindi ko kayo naalagaan sa paglaki niyo."



I smiled. Hindi ako sanay sa mga ganitong klase ng usapan. It's flattering, pero medyo nakakailang din dahil hindi ako sanay na may magulang na kumakausap sa akin ng ganito. It's been a long time. Ngayon ko lang narealize... sobrang namiss ko pala talaga si mommy.



"Di bale mommy, marami pa namang oras para makasama mo kami ni Shin. Pwede mo pa kaming alagaan." biro ko sabay tawa to lighten up the atmosphere.



However, deep inside, medyo nag-aalinlangan ako sa sinabi ko. Maraming oras? I hope so. Kasi sa sitwasyon namin ngayon, parang limitado ang bawat oras. Just like in a ticking bomb; every second counts.



***



Sunday afternoon nang mapagpasyahan naming magkakaibigan na mag movie marathon sa bahay ni Fel. Her house is enormous at talagang sa interior design pa lang, mahahalata mong mayaman talaga sila.



"Pasok kayo guys! Magpapahanda lang ako ng pagkain. Dyan muna kayo sa may sala. Nandyan yung DVDs sa may shelf malapit sa TV. Maghanap na lang kayo ng gusto niyong panoorin. And don't mind my sister. She's just finishing her favorite cartoon. Aalis rin yan mamaya." sabi ni Fel.



Agad namang nag-unahan sina Damie at Ailee sa pagtingin sa mga movies. Si Meryll ay umupo sa isang sofa at agad na tumabi sa kanya si Jeff. Umupo na rin si Darren kaya nilapitan ko na lang yung six-year-old na kapatid ni Fel na nakaupo sa may harapan ng TV.



"Hi Sofia." bati ko sa kanya pero hindi niya ata ako narinig, or baka ayaw niya lang akong pansinin. Masyado siyang nakafocus sa pinapanood niya.



Kumuha ako ng isang throw pillow sa may sofa at umupo sa tabi ni Sofia. Pinanood ko na lang rin kung ano yung pinapanood niya. Actually, I expected girls like her to watch Barbie or any girly cartoon. But guess what? She's watching Scooby Doo. Nakakatuwa lang.



Pinanood ko habang naghahabulan yung mga characters. May multo, halimaw at kung ano-ano pang creatures. But in the end, palagi namang tao lang ang mga yun na nakasuot ng costume. Kung tutuusin, parang ewan lang yung palabas. Pero it implies something; the real monsters are people themselves.



The world is cruel, pero parang ang tao rin naman ang dahilan kung bakit masalimuot ang buhay. They make it harder for the others, or even for themselves, to deal with life.



Napabuntong-hininga ako. Naisip ko, sana hindi na lang totoong multo si Shiara. Sana tao lang rin siya na nakasuot ng costume na nananakot tulad nung mga nasa horror house or pwede ring special effect sa isang nakakatakot na palabas. Pero hanggang hiling ko na lang siguro yun.



"This episode sucks." nagulat ako nang biglang nagsalita si Sofia.



"Palagi niya yang sinasabi pero nanonood pa rin siya." saad ni Fel sa akin na may dalang mga pagkain. May nakasunod sa kanyang maid na may hawak na isang tray na may juice. Ibinaba nila ang mga dala nila sa may lamesa. "Okay guys, time to watch! Nakapili na ba kayo?"



"Ito ang gusto ko!" narinig kong sigaw ni Ailee. Nag-aaway na sila ni Damie kasi hindi sila magkasundo sa pagpili ng papanoorin. Lumapit sa kanila si Fel at nakigulo na rin sa pagpili.



Umakyat na si Sofia sa taas. Mukhang tinapos niya lang talaga yung cartoon na gusto niya. Tumayo ako at umupo na rin sa may sofa.



"Nakabili ka na ba ng regalo?" tanong ni Meryll.



"Oo. Kahapon lang ako namili." sagot ko. This coming Friday na kasi ang Christmas party namin. Bukod sa mga regalo ko sa mga kaibigan ko, bumili na rin ako ng regalo para kina mommy.



"May binili ka bang regalo para sa akin?" tanong ni Jeff kay Meryll. Kanina pa niya kinukulit si Meryll na umaastang naaasar sa kanya pero deep inside, mukhang natutuwa naman siya kay Jeff. I really hope that they'll end up together.



Umupo na sina Ailee at Damie. Pinatay muna ni Fel ang ilaw bago umupo sa tabi ko. Mukhang nagkasundo na rin sila sa wakas.



Dahil madilim, napukaw ng Christmas tree nila Fel ang aking atensyon. Malapit na talaga ang pasko at ang Christmas vacation. It also means na malapit na rin kaming bumalik sa probinsya. Hindi ko alam kung excitement ba ang nararamdaman ko o takot or both.



I just hope that everything will be alright.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon