Makalipas ang mahigit isang taon...
Dahan-dahan na nakalimutan ng mga tao ang patungkol sa ipinahayag ng babae sa video na kumalat noon sa internet ngunit ang pagbibigay ng bakuna sa mga tao ay nagpapatuloy.
Sa bawat lalawigan ng bansa ay hindi maiwasan ng mga tao ang magtaka kung bakit namamatay ang bawat mga isinisilang na mga bata. Kung mayroon man na mga mabubuhay ay may mga kapansanan naman. Ang iba ay madalas na dinadapuan ng karamdaman na nauuwi rin sa pagkamatay ng sanggol. Ngunit may mga isinisilang naman na mga bata na maayos at malusog. Ito ay ang mga anak ng mga taong hindi tumanggap ng bakuna. Ang mga pangyayaring ito ay patuloy na gumigimbal sa bawat mamamayan ng lahat na mga bansa.
Ngunit ayaw pa ring ikonekta ng mga tao ang mga nagaganap sa tinanggap nilang bakuna noong nakaraang taon.
Mula sa isang malayo at liblib na lugar napabuntong hininga ng malalim ang isang babae. Matagal na siyang nagtatago sa mga alagad ng batas. Patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga ito.
Siya ang babaing nasa video na kumalat noon sa internet.
"Isang taon na lang...malapit na nilang isakatuparan ang maitim na hangarin. Hindi na ito mapipigilan ng sinuman. Ang Agenda 2030 ay masasaksihan na ng lahat na mga bansa." Malungkot niyang bulong habang nakatingin sa maitim na kalangitan. "Kung may magagawa lamang ako para pigilan ang mga magaganap. Sa halip na pakinggan nila ako ay mas kinamuhian nila ako ng labis. Ngunit darating ang araw na maiisip nilang tama ang mga sinabi ko. Magsisi man sila ngunit huli na ang lahat. Huling-huli na! Hindi mapipigilan ang malagim na magaganap sa sangkatauhan!"
Sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay.
Tirik na ang araw sa labas ng magising si Valerie Tavero. Sobra ang kanyang pagkainis dahil wala man lang gumising sa kanya. Dalawang oras na siyang huli sa klase. Madali niyang iniligpit ang higaan. Tuloy na siyang nagtungo ng banyo upang maligo ng mabilisan. Matapos maisuot ang uniporme agad na niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at bumaba na.
Sa sala naratnan niya ang inang si Marevick na seryosong pinapanood ang isang balita sa telebisyon. Hindi kumukurap ang mga mata at titig na titig sa pinapanood.
"Ma, bakit di n'yo man lang ako ginising?" Halata ang pagkainis at pagkairita sa kanyang boses.
Nagulat pa ang kanyang ina sa bigla niyang pagsalita. Nabitiwan pa nito ang hawak-hawak na remote ng kanilang flat screen tv.
Ang pagkainis niya ay napalitan ng isang mahinang pagtawa dahil sa naging reaksiyon ng kanyang ina.
"Ano ba kasing pinapanood n'yo Ma at..." Hindi na natapos pa ang kanyang sasabihin ng mapadako ang kanyang atensiyon sa telebisyon. "Ano 'yan ma?!" sindak siya ng makita sa balita ang mga actual na video ng mga estudyanteng hindi bababa sa labing lima ang sabay-sabay na nagpatiwakal. Ang tinutukoy na paaralan na binanggit sa balita ay ang high school kung saan siya nagtapos. Labis na pagkagimbal at pagkaawa ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon.
"Hinihinalang ang puno't dulo ng lahat ng ito ay ang..." Hanggang doon na lamang ang balita at bigla na lamang nawalan ng signal ang channel na kanilang pinapanood. Inilipat pa ng kanyang ina sa ibang channel ngunit pawang pare-pareho lamang na wala ng signal ang kahit alinmang station. Nagtaka pa sila kung ano ba ang nangyayari at wala silang mahanap na kahit anumang station sa TV.
Biglang bumalik sa kanyang isipan ang nakita nila sa balita. Totoo kaya ang lahat ng iyon? Ano ang dahilan at bakit sabay-sabay na nagpatihulog sa ika-anim na palapag ng gusali ang mga estudyanteng iyon?
Ngayon lamang siya nakasagap ng balita patungkol sa bagay na iyon. Hindi siya makapaniwala na kaya ng ibang tao na kitilin nila ang sarili nilang buhay. At sa paaralan pa talagang iyon nangyari ang insidente. Sa paaralang minahal niya ng labis noong nag-aaral pa siya rito.
Sa edad niyang labing-pito, natapos niya ang buhay high school na punong-puno ng pakikipagsapalaran at di malilimutang mga karanasan. Ngayong nasa ika-apat na taon na siya ng kolehiyo lagi pa rin niyang hinahanap at kinasasabikang muling makaniig ang dating mga kaeskwela. Hindi na nga siya makapaghintay pa na dumating ang sampung taon kung saan muli ay magkikita-kita muli silang lahat na mga magkaklase.
Panganay siya sa apat na anak ng mag-asawang Michael at Marevick Tavero. Mabait siyang anak, masunurin at malambing lalo na pagdating sa kanyang ama na gagawin ang lahat maigapang lang ang kanilang pag-aaral. Hindi naman sila ganoon kayaman o kahirap, kung baga nasa gitnang level lamang ang estado ng kanilang pamumuhay sa lipunan. Malaki ang pag-asa ng kanyang magulang na makapagtatapos siya sa kursong kanyang pinili. At iyon nga ay malapit ng maganap. Ilang buwan na lamang.
Ang utak at mabuting puso ang panlaban niya sa kagandahang pisikal na hindi ipinagkaloob sa kanya. Ang lahat yata ng katangiang hinahanap ng lahat ay napunta sa nag-iisa niyang kapatid na lalaki. Gayumpaman, masaya naman siya sa kanyang buhay.
Aalis na sana siya ng maagaw ng kanilang pansin ang sunod-sunod na pagbusena ng sasakyan ng kanyang ama. Nagmamadali silang lumabas ng kanyang ina.
"Marevick, buksan n'yo itong gate!" sigaw ng kanyang ama na animo'y natataranta.
Agad namang sumunod ang kanyang ina. At ng mabuksan, pinasok agad ng kanyang ama ang sasakyan. Nagtaka siya kung bakit kasama pa nito ang kanyang mga kapatid. At bakit parehong nag-iiyakan ang mga ito. May nangyari bang hindi maganda?
Agad na tinungo ng kanyang mga kapatid ang kanilang ina at mahigpit na yumakap.
Butil-butil naman ang pawis sa buong mukha ng kanyang ama. At ng akma na siyang lalabas mabilis na hinatak siya nito pabalik. Nanginginig ang mga kamay na nilock nito ng mabuti ang gate.
"Ano bang problema, Mike?" tanong ng kanyang ina na nagugulahan. Maging siya man ay nagugulahan sa kakaibang ikinikilos ng kanyang ama. "Bakit ganyan ang hitsura mo? Maputlang-maputla pa ka sa suka!"
"Mabuti pa sa loob na tayo mag-usap. Hindi maaaring naririto tayo sa labas."
At ng makapasok na sila sa loob humupa ang tensiyong nararamdaman ng kanyang ama. Sandali na rin itong nakabawi sa mga masaksihan nito kanina sa eskwelahang pinapasukan ng dalawang anak na sina Nema Kyzen na labing-isang taon at ang bunso nitong si Gwen Fatima na pitong gulang. Mabuti na lamang at ito ang naghatid sa mga anak at hindi ang nag-iisang anak nitong lalaki.
At ng maalala nga pala nito ang anak na lalaki ng hindi ito makita silakbo na naman ang kabang nararamdaman nito.
"Ang kapatid mo Valerie, nasaan?" hanap nito sa kanya.
Sa halip na sagutin niya ang kanyang ama, nakabusangot na tumingin siya rito. Nagugulumihinan pa rin siya sa ikinikilos ng kanyang ama.
"Dad, late na ako," mababanaag sa boses niya ang labis na pagkainis ng sipatin niya ang wall clock na nakasabit sa dingding ng kanilang bahay. Ilang minuto na siyang huli sa klase.
"Hindi ka na papasok ng kolehiyo Valerie, kahit kailan!"
A/N: Ang kwentong ito ay naipaskel ko na dati sa fb account ko na hindi ko na mabuksan. Ang ginagamit ko noon dati na penname ay Failed Writes. Hanggang sa ikatlong kabanata ko lamang siya napaskel at di ko na tinuloy. Magkaiba rin ang daloy ng kwento roon at dito sa Wattpad.
Hahaha...okay lang din kung hindi ito papansinin ng mga readers ang mahalaga rito ay nalilibangan ako at sandaling nakakalimot sa totoong realidad ng mundong ginagalawan ko. Pampalipas oras ko lang naman itong paglikha ng kahit anong mga sulatin para maalis ang pagkaboryo ko. Sandali akong nakakatakas sa mga bagay na iniisip ko at maaari kong gawin sa sarili ko.
Wala rin naman akong pangarap na sumikat. Haha...ni hindi nga ako nangangarap na yumaman. Enough is enough. Kontento na ako sa kung anumang meron sa akin.

BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...