Kabanata VII

63 8 0
                                    

HINDI lumabas ng buong maghapon si Valerie sa kanyang silid. Nagkulong lamang siya. Masama pa rin ang kanyang loob.

Hindi niya pinapansin ang kaguluhang nagaganap sa labas. Wala siyang pakialam kung anuman ang mga nangyayari.

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang study table. Balak sana niyang aliwin ang sarili sa paglalaro ng offline games sa isang application na dinawnload niya kamakailan. Pagbuksan niya ng kanyang cellphone natigilan siya at nagtaka kung bakit napakaraming mensahe galing sa kanyang kapatid.

26 messages received.

Iyan ang bumugad sa screen ng kanyang cellphone. Agad-agad ay binuksan niya. Ramdam kasi niyang may hindi tamang nangyayari sa kanyang kapatid.

Binasa niya isa-isa ang mga mensaheng ipinadala sa kanya.

"Ate, pumasok ka ba?" Unang laman ng mensahe.

"Ate, kung nasa paaralan ka ngayon umuwi ka na. Daanan mo na sina Nema at Gwen."

Sunod-sunod na niyang binasa ang laman ng lahat ng mensahe.

"Ate, reply ka naman."

"Ate, bilisan mo na! Sunduin mo na ang mga kapatid natin, nasa panganib ang buhay nila."

"Hindi ako makalabas ng school!"

"May nangyayari bang hindi maganda diyan?"

"Ate, tulungan mo ako!"

Hindi na niya tinapos pang basahin ang ipinadalang mensahe ng kanyang kapatid. Agad siyang lumabas at tinungo ang hagdan. Sa sala naratnan niya ang mga magulang na balisa at hindi mapalagay.

"Paano na ang anak natin Mike?" Napahagulhol ng iyak ang kanyang ina. "Hindi ko na siya matawagan simula pa kanina. Hindi naman natin siya mapuntahan sa paaralan nila dahil napakaraming mga sundalo sa daan. Isa pa baka kung anong gawin nila sa atin kung sakaling lumabas tayo!"

Ano ba talaga ang nangyayari?

"Walang masamang mangyayari sa anak natin," pag-aalo ng kanyang ama. Hinahaplos nito ang likuran ng kanyang ina.

"Paano kung naturukan na rin siya ng bakuna na ipinapalabas nilang mabisa itong pangotra laban sa Divoc na akala natin ay wala na pero patuloy pa ring sumasalanta pala sa ibang lupain ng mga bansa?" Hindi talaga mapanatag ang kalooban ni Marevick.

"Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Ipagdasal natin ang anak natin na sana ay nasa maayos siya at walang masamang nangyari." Kahit hindi sabihin ng kanyang ama alam niya na labis din itong nag-aalala sa kanyang kapatid. "Kapag nagkaroon na tayo ng pagkakataong umalis, aalis na tayo rito! Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin dito."

"Saan naman tayo pupunta? Isa pa, ang anak natin paano na." Makikita sa mukha ng kanyang ina ang labis na pangamba.

"Magtutungo tayo sa kagubatan na sakop na pag-aari ng aking mga magulang. Doon ay ligtas tayo. Hindi nila tayo roon masusundan. At pagkatapos niyon saka ko hahanapin ang anak natin. Kayo muna ang kailangan kong unahin at baka kapag mas lumala pa ang sitwasyon maipit na tayo rito. Matalino ang anak natin at alam niya ang mga dapat na gawin." Buo ang tiwala ng kanyang ama na kayang ipagtanggol ng kanyang kapatid ang sarili nito. Ngunit siya hindi kumbinsado sa bagay na iyon. Kung hindi agad kikilos ang kanyang ama upang hanapin ang kanyang kapatid siya mismo ang maghahanap rito.

Hindi siya napansin ng kanyang magulang. Naiintindihan na niya ang lahat kung bakit ayaw na siyang papasukin pa ng kanyang ama. Para na rin naman pala iyon sa kaligtasan niya. Kung nagpumilit pa siguro siya kanina baka dalawa silang iisipin ng kanyang mga magulang.

Agad siyang bumalik sa kanyang silid upang ihanda ang sarili. Hahanapin niya ang kanyang kapatid. Hindi na niya ito ipapaalam pa sa mga magulang dahil sigurado siyang hindi papayag ang mga ito sa kanyang gagawin. Malayo ang lugar na tinutukoy ng kanyang ama na pupuntahan nila at baka kung hindi agad nila mahanap ang kanyang kapatid baka kung ano na ang mangyari rito.

Sumilip siya sa bintana. Ganoon na lamang ang kanyang pagkasindak ng makita niyang napakaraming mga taong nakahandusay sa bawat sulok ng kalye. Wala ng buhay ang mga ito. Karamihan sa mga ito ay kabataan. Nagpapatihulog sila mula sa mga matataas na gusali. Ito na ba ang epekto ng bakunang sinasabi ng isang babae sa video na kumalat noon sa internet? Mabuti na lamang at hindi nagnais ang kanilang magulang na paturukan sila ng bakuna. Kung hindi siguro ay baka isa na rin sila sa mga nagkalat na katawan ng mga taong mas ninais na lamang na tapusin ang buhay kaysa ang maranasan pa ang masaklap na side effects ng naturang bakuna.

Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip siya ng bibig ng makita kung paano bigla na lamang pagbabarilin ng walang awa ang lahat ng mga taong nagwewelga sa gitna ng kalsada. Isinisigaw sana ng mga ito ang katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay na namatay. Iisa ang kanilang isinisigaw. Sinisisi nila ang bakunang itinuturok sa mga tao.

Puno ng lagim ang kanyang nasaksihan. Walang itinirang buhay ang mga sundalo. Maging man ang mga sasakyang tumatakbo sa kalsada ay kanilang pinapasabog. May ilang bahay pa nga nadamay.

Napaurong siya ng dahan-dahan habang may mga luhang lumalandas sa kanyang mga mata. Napasandal siya sa pader habang umiiyak ng walang tunog. Nakakaawa ang mga taong basta na lamang pinagbabaril ng mga sundalo na wala namang mabigat na dahilan.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Pumasok ang kanyang ina na puno ng takot at pag-aalala ang mababanaag sa mukha. Patakbo siyang yumakap dito.

"Kailangan na nating umalis rito. Hindi na maganda ang sitwasyong nagaganap sa labas."

"Ma, paano ang kapatid ko? Kailangan niya ang tulong natin. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya," nag-aalalang sabi niya habang pinupunas ang mga luha.

Natigilan ang kanyang ina ng maisip ang kanyang kapatid. Natataranta na ang isipan nito.

"Marevick bilisan na ninyo riyan! Aalis na tayo habang may pagkakataon na tayong umalis!" sigaw ng kanyang ama mula sa ibaba.

"Ma, hindi ako sasama sa inyo. Hahanapin ko ang kapatid ko." Buo na ang kanyang pasya na hanapin ang kapatid.

"Pero..."

"Wag n'yo kong isipin, ma. Ang isipin n'yo po ang mga kapatid ko. Trust me, mom. Kaya ko ang sarili ko."

"Mag-iingat ka anak. Mahal na mahal ko kayo," naluluhang sabi ni Marevick sa anak habang niyayakap ito.

Kinuha na niya ang kanyang bag kung saan nakalagay ang mga bagay na kakailanganin niya sa paghahanap sa kapatid.

Tinungo niya ang bintana at binuksan ang salaming pinto nito. Dito siya dadaan. May hagdan sa likurang bahagi ng kanyang silid. Kung sa pinto sa ibaba siya dadaan alam niya na pipigilan lamang siya ng kanyang ama.

Wala namang nagawa si Michael sa ginawang pasya ng kanyang anak. Gusto sana niya itong sundan ngunit ang dalawa niyang maliit pang mga anak ang inaalala niya. Parehong umiiyak ang mga ito dahil sa takot. Takot na takot ito sa mga naririnig na putukan at mga pagsabog sa di kalayuan. Umalis na sa lugar nila ang mga sundalo at doon naman sa karatig na bayan naghahasik ng kaguluhan para takutin ang mga tao.

Nilingon ni Valerie ang kanilang bahay habang patuloy siya sa pagtakbo. Nakita niya ang sasakyan ng kanyang ama na lumabas mula roon. Hindi siya napansin ng mga ito. Sa kasalungat na direksiyon ang dinaanan ng mga ito.

Napahinto siya sa pagtakbo ng makita ang dalawang sundalo. Nakatutok ang baril ng mga ito sa kanyang direksiyon.

Lagot na! Ano na ang gagawin niya?

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon