Kabanata XII

37 6 0
                                    

NAGISING si James Zhuo sa napakalakas na pagsabog sa di kalayuan. Kasalukuyang nasusunog ang isang malaking mall sa lungsod ng Legazpi. Maraming tao ang nasa loob dahil nag-aagawan sila ng mga pagkain sa isang supermarket. Ang iba sa kanila ay nawawala na sa sariling katinuan. Isang lalaki ang may hawak ng timer bomb kung saan nakalagay ito sa katawan nito. Habang nagkakagulo ang mga tao sinet na rin niya ang bomba. Habang paunti-unting nauubos ang oras tumatawa ito at umiiyak. Hindi siya pinapansin ng mga tao hanggang sa bigla na lamang sumabog ng napakalakas ang bomba. Nagkagutay-gutay ang katawan nito. Marami ang nasawi sa naturang pagsabog. Dalawa sa nakatala ang pangalan sa listahan ang nadamay.

At ng imulat niya ang kanyang mga mata nagtataka siya kung nasaan siya. Kadiliman ang bumabalot sa buong paligid ng masilayan niya.

Napahawak siya sa likurang bahagi ng kanyang ulo ng maramdaman ang pagkirot. Dito lamang niya naalala na mayroong malakas na pumalo sa kanyang ulo na naging dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.

Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Nakahinga siya ng maluwag ng malamang hindi ito nawala. Agad niya itong dinukot. In-on niya ang flashlight. Tinanglawan niya ng liwanag ang kabuuang bahagi ng paligid. Mga lumang libro ang nakita niya. Ibig sabihin lamang ay naririto siya sa imbakan ng mga di na ginagamit na mga libro ng kanilang unibersidad. Maalikabok ang buong paligid. Puno rin ng sapot ng mga gagamba ang kisame at ang mga saradong bintana. Agad niyang naalala ang kanyang bestfriend at sina Zendaya at Tyronne.

Tatayo na sana siya ng may mahawakan siyang kamay ng isang tao. Napamulagat ang kanyang mga mata na para bang nakakita siya ng multo. Napakalamig kasi nito.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahang pinapatungo ang liwanag ng flashlight sa mukha nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa labis na kaba. Akala niya patay na tao ang katabi niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makilala niya kung sino ito.

"Zindel?" Napakunot ang kanyang noo.

Kaya pala napakalamig ang kamay nito dahil nakalagay ito sa malamig na sahig.

Nagising naman si Zindel dahil sa liwanag. Nasilaw pa ito ng imulat ang mga mata. Agad itong bumalikwas ng bangon ng makita siya.

"Salamat naman at gising ka na Jz!" Tuwang-tuwa na wika nito at niyakap siya ng napakahigpit.

"Tama na, nasasakal na ako!" Natatawa niyang sabi dahil hindi na siya makahinga dahil sa pagkakayakap nito.

"Akala ko hindi na tayo magkikitang muli," naluluha nitong wika ulit.

"Kung makayakap ka parang syota mo 'yong niyayakap mo!"

"Nag-aalala lang naman ako. Ikaw iyong taong kinatatakutan kong mawala sa akin."

Natatawa siya sa kadramahan ng kaibigan. "Mas natatakot ako kung ikaw ang mawala. Mas gusto kong ako ang maunang mamatay kaysa sa iyo!" pagbibiro niya.

"Loko!" Isang malakas na batok ang ipinadama nito sa kanya.

"Aray!" Medyo masakit pa nga ang ulo niya dahil sa malakas na pagpalo ng kung sinuman. "Ikaw ba ang pumalo sa akin?"

Umiwas ito ng tingin sa kanya.

"So..."

"Ayos lang di naman masakit."

Nauunawaan naman niya kung bakit iyon ginawa ng kanyang kaibigan.

"Nasaan pa rin ba tayo ngayon?"

"Naririto pa rin tayo sa unibersidad," maagap na sagot nito. "Akala mo nasa lumang municipal library tayo."

"Hindi naman. Salamat at naisipan ninyong dito magtago. Sina Zen at Ty, nasaan sila?"

Binatukan silang dalawa bigla ni Tyronne na nasa uluhan pala nila nakatulog. "Ang ingay n'yong dalawa! Kita n'yo ng natutulog pa 'yong tao!"

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon