"ANO? Mayroon ba riyan na nagtatago?" rinig niyang tanong ng isa mula sa labas ng cr.
"Wala!" Mabilis na tugon ng taong nasa harap niya. Nagkatitigan sila saglit ng sundalo bago siya nito nilisan.
Nagtataka siya kung bakit hindi nito sinabi sa kasama na naroon siya. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag.
Ang sundalo naman ay napangiti matapos makita ang taong hinahanap niya. Ito ang nakatadhanang magiging asawa niya kung sakaling magtagumpay ang pinaglilingkuran niya. Ngunit hindi siya papayag sa bagay na iyon. Kahit paano ay babae pa rin ang gusto niyang maging kabiyak. Isa pa naaawa talaga siya sa mga taong sapilitang tinatanggalan ng karapatang mabuhay. Tiyak rin niya na matutulungan siya ng binata sa kanyang mga binabalak. Nagsisimula pa lamang ang sapilitang pagbabakuna at maaaring marami pa siyang maisalbang buhay kung sakaling magtagumpay siya. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Sobrang galit ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kailangan na niyang kumilos at baka mahuli na ang lahat. Agad niyang binalikan ang estudyante sa cr ng masigurong walang mga matang nakatingin sa kanya.
Dahan-dahan na ring inihahakbang ni James Zhuo ang mga paa patungo sa may pinto. Gusto niyang alamin kung ano ba talaga ang nangyayari sa labas. Malapit na sana siya sa may pinto ng bigla siyang mapaatras dahil sa biglang pagpasok ng isang sundalo. Ito ang lalaki kanina na hindi siya pinansin. Sinenyasan siya nitong wag lumikha ng anumang ingay.
"Hindi ka dapat nila makita," wika nito at hinila siya sa pinakadulo ng bahagi ng cr.
"Ba...kit? A-ano bang... nangyayari sa labas? At bakit..hindi mo sinabing narito ako?" Nagugulahan niyang sunod-sunod na tanong rito.
Sa halip na sagutin siya nito isang mainit na yakap na ginawa nito. Tumawa ito ng mahina ngunit agad ring sumeryoso ang mukha nito.
"Alam ko na nagugulahan ka sa mga nangyayari ngayon," wika nito. "James Zhuo Tavero, tama ba ako?"
"Oo," agad niyang tugon.
"Alam mo ba na ikaw ang itinadhana nila para maging asawa ko?" Natatawang wika nito.
Napakunot ang kanyang noo sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito sa mga sinabi nito?
Natatawa siya ang kanyang isip. Wala sa isip niya ang pumatol sa kapuwa niya kasarian.
"Hindi ka dapat nila makita hangga't maaari ay dumito ka lamang hanggang sa makaalis na kami." At may ibinigay itong maliit na kapirasong papel sa kanya. "Magkita tayo sa lugar na nakasulat riyan sa papel at isinulat ko na rin riyan ang ibig nilang mga mangyari upang hindi na ako makwento pa sa iyo. Magtulungan tayo na pigilan sila sa ibig nilang mangyari. Maraming buhay ang maaari nating masagip kung pipigilan natin sila. Hindi pa huli ang lahat James Zhuo kaya tulungan mo ako." Pakiusap nito sa kanya.
Tatalikod na sana ito ngunit muli siya nitong hinarap. "Klinx James," pagpapakilala nito habang natatawa. "Muntik ko na palang makalimutan."
Niyakap siyang muli nito. "Mag-iingat ka. Walang sinuman ang dapat na may makaalam nito."
Aalis na sana ito. "Bakit mo sa akin ipinagkakatiwala ang bagay na ito? Ngayon pa lamang tayo nagkakilala."
Natatawa itong nilingon siya. "Matagal na kitang kilala James Zhuo. Noon pa man ay sinusubaybayan na kita simula ng malaman ko na ikaw ang itinadhana nila sa akin bilang maging kabiyak ko." Naging seryoso ang mukha nito. "May tiwala ako sa iyo." Iyon lamang at tinalikuran na siya.
Natatawa pa rin siya sa mga sinabi ni Klinx James. Haha! Siya ipatatali sa isang lalaki bilang kanyang magiging asawa. Seryoso ba talaga sila?
Napatigil siya sa pag-iisip ng sumagi sa kanyang isipan kung sinong sila ang tinutukoy ni Klinx. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip kung ano ba talaga ang totoong nangyayari sa labas.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Fiksi IlmiahIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...