HABANG binabaybay nila ang kahabaan ng highway sa may Camalig, Albay napakaraming mga tao ang wala sa sariling katinuan. Ang ilan pa nga sa kanila ay nababangga ng mga tumatakbong sasakyan. Ito na ba ang epekto ng bakunang itinurok sa kanila. Ang buong paligid ay napupuno ng mga ingay na dumaraing, sumisigaw, humihingi ng tulong upang kahit paano ay maibsan ang sakit na kanilang nararamdaman sa katawan.
Habang pinagmamasdan ito ng kanyang asawang si Marevick hindi nito maiwasan ang umiyak habang yakap ang dalawang maliliit pa nilang anak. Malaki ang kanilang pasasalamat dahil hindi sila nagawang maturukan ng bakuna.
Nanlaki ang mga mata nito ng isang babae ang umakyatsa isang puno. May dala itong lubid at hindi niya kayang panoorin ang naging kapalaran nito. Ibinaling niya sa ibang dereksiyon ang paningin ng makita niyang nakalambitin ito sa sanga ng punong inakyatan nito habang mayroong tali sa leeg. Nagkikisay ito habang dahan-dahang nauubusan ng hangin sa katawan.
Kahit saan man niya ibaling ang paningin pare-parehong mga kaganapan ang kanilang nasasaksihan. May isa nga siyang nakita na matandang lalaki na nagulungan ng ten wheeler na truck ang ulo. Napisa ang ulo nito na parang itlog. Nagkalat ang utak nito sa semento ang iba ay dumikit sa gulong ng sasakyan.
Naihinto ni Michael ang sasakyan ng makita niya ang checkpoint sa unahan. Pinapahinto ng mga nagbabantay na mga sundalo at pulis ang mga sasakyan at sapilitan na pinapababa ang mga sakay nito. Hindi na mga bakuna ang naghihintay sa mga ito kundi ang isang malaking hukay na siyang magiging hantungan ng mga ito. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita kung gaano na karami ang mga tao sa malalim na hukay.
"Ano ng gagawin natin?" Puno ng takot at pag-aalala na wika ni Marevick sa kanya.
Nagsisi-iyakan na rin ang mga bata dahil sa narinig nilang putok ng baril. At ng mapatingin sila sa dako ng malaking hukay kitang-kita nila kung paano bigla na lamang na binaril sa ulo ang isang buong pamilya. Inihulog nila ito sa hukay.
"Protektahan mo ang mga anak natin, honey." At sinimulan niyang buhayin ang makina ng sasakyan ng makakita siya ng pagkakataon. Sasamantalahin nila na abala ang mga nagbabantay sa mga sasakyang pinapahinto nila.
"Baka barilin nila tayo," nangangambang turan ni Marevick.
"Ito na lamang ang nakikita kong paraan upang hindi tayo mapabilang sa kanila. Kahit na ano man ang mangyari sa ating dalawa ang mahalaga rito ay ang mailigtas natin ang ating mga anak. Mahal na mahal ko kayo."
At sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Nagkagulo naman ang mga nagbabantay sa checkpoint dahil sa ginawa niya. Ang iba sa mga ito ay pinapaulanan sila ng putok ng baril.
Takot na takot naman si Marevick habang yakap ang mga anak upang hindi ang mga ito matamaan ng punglo. Patuloy na umiiyak ang mga bata dahil sa labis na takot na nararamdaman ng mga ito.
Nagawa nilang malagpasan ang checkpoint. May ilan din na mga sasakyan ang nakalusot na katulad nila ay hinahabol ng mga sundalo at pulis.
Hindi alam ni Michael kung paano nila nagawang matakasan ang mga humahabol sa kanila. Tanging sila lamang ang pinalad na hindi nasundan ng mga ito.
Nang alam na niyang malayong-malayo na sila mula sa kaguluhan sa nadaanan nilang checkpoint binagalan na niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Honey, ayos lang ba kayo?" tanong niya sa asawa.
At ng hindi sumagot saglit niyang nilingon ang mga ito. Naihinto niya bigla ang sasakyan sa tabi ng makita niyang may tama ng punglo ang kanyang asawa sa dibdib nito. Labis ang kanyang pag-aalala para sa kaligtasan ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung paano kakayanin kung sakaling mawala ito.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Ciencia FicciónIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...