Ang Pagsisimula
December 29, 2024
Ang sakit na Divoc ay dating kilala bilang acute respiratory disease. Ito ay isang nakahahawang sakit dulot ng Severe acute Respiratory System -Corona Virus 5, isang birus na may kaugnayan sa CoViD19. Naitala ang mga unang kaso nito sa kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa Tsina noong Disyembre 2024, at mula noon ay kumalat na sa buong mundo, na humantong sa nagpapatuloy na pandemya ng Divoc.Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, at pangangapos ng paghinga. Kabilang sa mga iba pang sintomas ang kirot sa kalamnan, pag-uuhog, pagtatae, pamamaga ng lalamunan, pagkawala ng pang-amoy, at sakit sa tiyan. Habang nagreresulta ang karahiman ng kaso sa mga di-malubhang sintomas, maaaring humantong ang ilan sa pulmonya at pagkasira ng iilang bahagi ng respiratory system. Noong pagsapit ng Agosto 16, 2025, higit sa 986 milyon kaso ng Divoc ay naitala sa higit sa 200 bansa at teritoryo, na nagresulta sa kamatayan ng humigit-kumulang sa 55,000,000. Higit sa 125,500,000 katao ang gumaling na. Karaniwang naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang pakikitungo, kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo, bumabahing, at nagsasalita. Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga ibabaw sa halip na lumipad sa hangin sa malalayong distansiya. Di-ganoong karaniwan, maaaring mahawaan ang isang tao kung hahawakan niya ang isang kontiminadong bagay at pagkatapos nito ay hahawakan niya ang kanyang mukha. Pinakanakahahawa ito sa unang limang araw sa pagkatapos ng paglitaw ng sintomas, ngunit maaaring makahawa bago lumitaw ang mga sintomas, at mula sa mga taong walang sintomas. Ang pamantayang pamamaraan ng pagsusuri ay sa pamamagitan ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) mula sa pamahid sa nasoparinks (nasopharyngeal swab). Makatutulong din ang Chest CT para sa pagririkonosi ng mga indibidwal kung saan may mataas na paghihinala ng impeksyon batay sa mga sintomas at salik sa panganib; ngunit hindi inirerekumenda ng mga patnubay ang paggamit sa CT imaging para sa rutinang pag-iskrin.
Ang sakit na ito ay may pagkakatulad sa dating virus na kumalat din sa buong daigdig. Ilang taon lamang ng kumalat ang katulad na sakit na ito na naging isang pandemiko rin. Ang naturang sakit ay galing rin sa bansang Tsina. Marami ang natakot, nangamba para sa kanilang sariling kaligtasan. At ngayon nga ay muling ipararanas sa lahat ng tao ang bagsik ng mapanirang virus na ito na kanila ngang pinangalanan na Divoc.
Ang Bakuna
Ang Cavonis ay ang bukod tanging bakuna ng Divoc upang labanan ang dulot ng virus na unang kumalat sa kabisera ng Hubei sa China. Ang bakuna ay paraan para mapuksa ang Divoc strain sa mga pasyenteng tinamaan ng virus. Ang bakuna ay masusing isinailalim sa mga pharmaceutical at trials, upang malaman ang kalidad ng bakuna. Mahigit kalahating bilyong katao na sa mundo ang nakatanggap ng fully vaccinated.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang dulot na lagim na sasapitin ng mga taong nakatanggap na ito. Isang lagim na ngayon lamang masasaksihan ng buong mundo.
Kasalukuyan...
Ika-labing isa ng Hunyo dalawang libo dalawang pu't anim.
Ang maingay na daloy ng mundo ay muling bumalik sa dati nitong pag-inog. Wala na ang banta sa kalusugan ng mga tao. Ang takot at pangamba ay unti-unti na ring humuhupa. Nakabalik na ang mga tao sa kanilang mga trabaho, paaralan at ilang mga kinasanayang gawain. Ngunit nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna sa mga tao upang maiwasan pa ang patuloy na pagkalat ng sakit na Divoc. Ang Pilipinas ay isa rin sa malalang naapektuhan ng naturang sakit. Umaabot sa dalawang milyong katao ang namatay dahil sa sakit na ito. Maraming pamilya ang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang mga naiwan.
Ngunit habang dumarami ang nagpapalagay ng bakuna sa kanilang katawan marami din naman ang tumutol. Mabuti na lamang ay hindi sila pinaghigpitan ng pamahalaan. Malaya rin silang nakikihalubilo sa mga tao ngayon. Ngunit may kondisyon na ipinatupad ang pamahalaan. Hindi nila tutulungan ang mga taong matitigas ang ulo kung sakali man silang magkaroon o mahawaan ng sakit na Divoc. Ang ilan pa ngang mambabatas ay nagpasa ng batas na shot to kill para sa mga taong ayaw magpalagay ng bakuna kapag magkaroon ng sakit.
Dumagsa noon ang maraming mga rallyista upang ipabasura ang naturang batas ngunit wala rin silang nagawa dahil isa-isa silang pinaghuhuli ng mga pulis at sundalo. At ipiniit sila sa karsel. Ngunit, kung gusto nilang makalabas kinakailangan nilang magpalagay ng bakuna. Kung hindi ay habangbuhay na silang mabubulok sa bilangguan. Marami ang natakot kaya napilitan silang magpalagay. Ang mga ayaw ay tinanggap na lamang nila ang kinahinatnan ng kanilang buhay.
Naging maayos ang sumunod na mga araw. Hanggang sa isang video ang biglang kumalat sa internet. Marami ang mga taong natakot lalo na ang mga taong nakatanggap na ng booster shot dahil sa mensaheng ipinarating ng isang babae na nagsasalita sa video. Ayon kasi sa babae ang nasabing bakunang Cavonis ay unti-unti nitong pahihinain ang katawan ng isang tao hanggang sa magkaroon ng malalang karamdaman. Ang hindi makatiis sa paghihirap na dinaranas nito ay nagpapatiwakal na lamang. Marami pa itong sinabi patungkol sa masamang epekto sa kalusugan sa taong tumanggap ng bakuna. At ayon pa mismo dito na mahigit dalawang taon bago ito maramdaman ng mga taong nakatanggap ng bakuna. Mas mabigat ang epekto sa kalusugan ng tao sa mga tumanggap ng una at ikalawang booster shot.
Agad naman na naglabas ng pahayag ang gobyerno na fake news lamang ang kumakalat na video sa internet. At ayon pa sa kanila na wala itong katibayan na totoo nga ang sinasabi ng babae. Sa ngayon pinaghahanap na ito ng alagad ng batas dahil sa pagpapalaganap ng maling impormasyon.
Habang lumilipas ang mga araw unti-unti ring nakalimutan ng mga tao ang patungkol sa ipinahayag ng babae. Hanggang sa isang araw ay naglabas ng batas ang gobyerno na sapilitan na nilang pinapalagyan ng bakuna ang mga tao. Ang sinumang ayaw sumunod o tumutol ay agad nilang binabaril. Dahil sa mga pangyayaring ito napipilitan na ring magpalagay ang mga taong ayaw tumanggap ng bakuna.
![](https://img.wattpad.com/cover/351063155-288-k68389.jpg)
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...