Kabanata VIII

55 8 0
                                    

ISANG mapaklang pag-ilag ang kanyang ginawa ng paputukan siya ng isa sa dalawang sundalo. Mabilis siyang nagkubli sa likuran ng isang puting van sa gilid ng kalsada. Napatakip siya ng tainga ng sunod-sunod siyang paulanan ng bala ng mga ito. Kahit paano ay nakaramdam siya ng takot ng mga sandaling iyon. Nanginginig din ang kanyang katawan. Ngunit kailangan niyang labanan ang takot na kanyang nararamdaman. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Paulit-ulit ang ginawa niyang pagbuga ng hangin dahil sa paraan lamang na ito madali niyang napapakalma ang kanyang sarili.

At ng mawala ang panginginig ng kanyang katawan nag-isip siya ng paraan kung paano makakatakas sa mga ito. Palinga-linga siya, naghahanap ng bagay na maaaring gamitin na pandepensa. Ngunit wala siyang makita.

Isa na lamang ang paraan na naiisip niya kung paano makakatakas sa mga ito. Ang magpalipat-lipat sa mga sasakyang inabandona sa gilid ng kalsada hanggang sa makarating sa isang makipot na daan papasok sa isang kalye.

Huminto ang dalawang sundalo sa pagpapaputok, bahagya niya itong sinilip. Naglalagay ang mga ito ng bala sa baril. May pagkakataon na siyang makalipat sa isa pang sasakyan.

Humugot siya ng lakas at tapang bago tumakbo patungo sa malapit na sasakyan. At bago pa man siya makalapit sa naturang sasakyan muling nagpakawala ng putok ang isa. Mabuti na lamang at hindi siya tinamaan.

Humihingal na pinagpapawisan siya ng malamig ng ganap na siyang makarating sa likuran ng pulang sasakyan. Muli ay nagpakawala na naman ang dalawa ng sunod-sunod na putok. Halos basag na ang buong salamin ng sasakyan.

Kailangan may gawin siya. Hindi talaga ang mga ito titigil hangga't hindi siya napapatay.

Ng mapansin naman ng sundalo na tila hindi siya gumagalaw sa kanyang pinagkukublian dahan-dahang lumapit ang mga ito. Nagsesenyasan ang dalawa kung sino ang titingin.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng may mahawakan na binti ng tao na nakahandusay. Hindi niya napansin ito dahil sa kadilimang bumabalot sa buong paligid. Hindi niya alam kung babae ba ito o lalaki. May tama ito ng bala sa dibdib nito. Sariwa pa rin ang dugong lumalandas mula sa tinamaan. Tiyak niyang kagagawan rin ito ng dalawang sundalo.

Hinahagilap ng kanyang kamay ang matigas na bagay na hawak nito. At ng matiyak niyang isa iyong baril agad niyang kinuha ito. Isang M16 rifle. Mabuti na lamang kahit paano ay marunong siyang gumamit ng baril. Dating isang sundalo rin ang kanyang ama at ito ang nagturo sa kanila ng kapatid niya kung paano ang tamang paggamit ng baril at pag-asinta sa kalaban.

Sinilip niya sa ilalim ng sasakyan kung nasaan na ang dalawang sundalo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang malapit na ang mga ito sa kanya. Agad niyang ikinasa ang baril at pinaputukan ang dalawang sundalo. Nagawa niyang mapatamaan sa sikmura ang isa. Habang ang isa naman ay tumakbo palayo sa kanya. Maririnig ang malutong na pagmumura ng sundalong kanyang napatamaan. Humihingi rin ito ng tulong sa kasama nito na bigla na lamang iniwan ito at nagtago sa kung saan.

Hindi na niya ito maaari pa man na buhayin kaya mas minabuti niyang tapusin na ang nalalabi nitong buhay. Naisip niya kapag nabuhay pa ito marami pang mga inosenteng tao ang maaaring mapatay nito.

Pawisan ang kanyang buong mukha kahit malamig ang hangin na umiihip. Akmang sisilip sana siya upang hanapin ang kasama nitong sundalo isang putok ang kanyang narinig. Mabuti na lamang at alisto siya kung kaya hindi siya natamaan. Sa likuran ng isang puno ito nakakubli.

Sa muli niyang pagsilip nakita niya ang balikat nito na bahagyang nakalabas sa pinagtataguan. Nakatalikod ito sa kanya. Mukhang balot na rin ng takot ang katawan nito. Kanina lamang ay kung umasta ito parang isang demonyo na walang kamatayan. Bahag din naman pala ang buntot.

Agad niyang pinatamaan ang balikat nito. Narinig niya ang magkasabay na pagdaing at pagmumura nito.

Ngayon may pagkakataon na siyang makatakas. Tumakbo siya ng marahan putungo sa isang makipot na daan patungo sa isang kalye. Malayo pa ang kanyang tatahakin patungo sa unibersidad na pinapasukan ng kanyang kapatid.

Magkaminsan ay napapakubli siya sa mga puno sa tabi ng daan, sa mga poste ng ilaw, sa mga inabandonang sasakyan tuwing makaririnig siya ng putok ng baril.

At ng marating niya ang hanggan ng kalye Martini lumiko siya patungo sa main road. May mangilan-ngilan pa rin na mga sasakyan ang tumatakbo sa kalsada. Lakad-takbo ang kanyang ginagawa. Mabuti na lamang at wala siyang nakakasalubong na mga sundalo. Sa bahaging tinatahak niya ngayon ay walang nakatayong mga bahay kaya kahit paano ay ligtas siya na mayroong makasalubong.

Madilim ang bahagi ng daang tinatahak niya. Walang ilaw ang poste ng mga ilaw kaya nangangapa siya sa dilim.

Malapit na siya sa kasunod na barangay ng mapahinto siya sa paglalakad. Natanaw niya mula sa maliwanag na bahagi ng lugar na mayroong checkpoint. Hindi mga pulis ang nagbabantay kundi mga sundalo. Nakita rin niya na napakaraming mga sasakyan ang nakahinto sa tabi. May malaki ring bulldozer ang natanaw niya mula sa bakanteng lote na katabi ng checkpoint. Mula roon kitang-kita niya ang isang napakalaki at napakalalim na hukay. Makikita sa gilid ng bunganga nito ang mga taong nakaluhod at may piring ang mga mata. Nagitla siya ng pagbabaril ang mga ito ng mga sundalo. Naririnig rin niya ang malakas na tawanan ng mga ito habang isa-isang inihuhulog sa malalim na hukay ang katawan ng mga taong binaril nila. Napaiyak siya dahil sa awang nararamdaman para sa mga ito. Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang galit.

May isang sasakyan ang dumaan sa kanyang harapan ngunit hindi naman siya napansin ng sakay nito. Nakita niyang pinahinto ito ng dalawang sundalo ng makarating sa checkpoint. Sapilitang pinababa ang mga sakay. Inilagay sa likuran ang sasakyan at nilagyan ng tali. Nilagyan din ng piring ang mga mata.

Isang pasya ang gusto niyang gawin. Tutulungan niya ang mga ito.

Akmang ihahakbang niya ang kanyang mga paa ng may humawak sa kanyang kamay at hinila siya nito.

"Wala na tayong magagawa para tulungan sila," sa mahinang sabi ng lalaki.

Hindi niya alam kung bakit kusang sumunod ang kanyang mga paa sa pagtakbo nito. Gusto niyang bawiin ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito ngunit mas lalo namang hinigpitan nito ang pagkakahawak.

"Fuck! Malapit na sila!" Pagmumura nito.

At doon lamang niyang napansin na may mga sundalong nakasunod pala sa kanila. Hinahabol sila ng mga ito. Bakit hindi niya nakita ang mga ito kanina?

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon