DAHIL sa tawag ng kalikasan nagpaalam si James Zhuo Tavero na pupunta ng comfort room upang mailabas ang kanina pa niyang tinitiis. Ng makalabas ng klase, patakbo niyang tinungo ang isa sa mga cr sa dulo ng kanilang departamento sa unang palapag. Siya ay nasa second year college na ng kursong medisina. Kasalukuyang itinuturo ng umagang iyon ay ang asignatura nilang Calculus. Kahit matanda na ang kanilang professor sa naturang asignatura, mabait naman ito. Mahigpit lamang ito kapag may mga recitation sa kanyang klase, tulad nga ngayon. Dahil isa siya sa pinakamatalino sa klase hindi siya nakatikim ng mga maanghang na salita rito ng magpaalam na lalabas.
Sa loob ng comfort room habang nakaupo siya sa toilet bowl dinukot niya ang kanyang cellular phone sa bulsa ng suot niyang slack na pantalon. Napangiti siya habang binubuksan ang sariling cellular phone. Ligtas na naman kasi siya sa recitation ngayong araw.
Sunod na dinukot niya sa bulsa ng pantalon ang headset na kulay dilaw at inilagay sa butas ng tainga. Agad na hinanap niya ang kanta nina Win Metawin at Bright Vicharawat mula sa list of songs na kanyang dinawnload kanina lamang habang patungo siya ng Unibersidad ng Bicol. Isa ang kantang ito sa mga paborito niya. Ang lengguwahe kahit Thai language ito ay nauunawaan naman niya. Bukod sa salitang ito ay may iba pa siyang alam na mga wika. Sinasabayan pa nga niya ang kanta. Bukod sa talinong ibinigay sa kanya ng Panginoon napakaganda rin ng kanyang boses na kahit sino ay mamangha sa kanya. Marami pa siyang ibang talento at kakayahang hindi ipinagkaloob sa iba. Ngunit ang hindi niya alam noong nasa sinapupunan siya ng kanyang inang si Marevick ay itinadhana na talaga ng gobyerno na maipanganak siyang natatangi sa lahat. At isa siya sa mga hinahanap ng mga sundalong inutusan ng kanilang kamahalan.
Habang patuloy niyang sinasabayan ang kanta sa labas naman ay nagkakagulo ang lahat na mga estudyante at guro dahil sa biglaan at sapilitang pagbabakuna. May ilan pa ngang nakatikim ng suntok mula sa mga sundalo upang malagyan lang ng bakuna. Ang karamihan ay takot na sumunod dahil ang sinumang tumanggi ay hindi makakalabas ng unibersidad. Ang lahat ay pinapauwi na, walang nakakaalam kung bakit. Ang sabi ito raw ay ipinag-uutos ng pangulo.
Walang nagawa ang mga estudyante at gurong ayaw tumanggap ng bakuna. Napilitan sila alang-alang na rin upang makalabas sila roon ng buhay. Ang mga bakunang ibinibigay sa mga paaralan ay kaiba sa mga lugar na nagkakaroon ng gulo. Dahil maayos na napapasunod ang mga tao rito ang bakuna ay hindi ganoon kapanganib. Ngunit mayroon itong hangganan kung saan kapag nawalan na ng bisa ang bakuna ay kusa na lamang na hahandusay ang mga tao. Hindi maaaring sabay-sabay na lipulin ng gobyerno ang mga tao dahil mahihirapan sila sa paglilibingan ng mga ito. Ngunit sa mga lugar na masyadong agressibo ang mga tao dito ay nagkakaroon ng mass slaughter. Walang pinipili ang mga sundalo mga bata man o matanda basta hindi nakatala ang pangalan agad na nila itong pinapatumba. Hindi nakakaramdam ng awa at emosyon ang mga sundalong ito dahil na rin sa isang gamot na itinurok sa kanila. Ngunit hindi lahat ay kanilang nabigyan.
Ngunit may paraan din upang ang buhay ng mga taong sapilitang tinurukan ng nakamamatay na bakuna ay magpatuloy o kanilang maisalba. Hindi naman kasi nila maaaring puksain ang lahat na hindi kasama sa limang raang milyon na ititira lamang. Hindi sapat ang bilang ng mga ito upang maibigay ang kanilang pangangailangan. Sa madaling salita limang raang milyon din ang kakailanganin nila. Kung ang kabuuang populasyon ng buong mundo ay humigit-kumulang na walong bilyon. Ibig sabihin lamang nito na sa loob ng natitira nilang isang taon na lamang dapat ang pitong bilyong mga katao ay kanila nang mapuksa.
May inihanda rin ang mga matataas na tao sa lipunang may pakana ng kaguluhang nangyayari ito ng mga gamot upang mawala ang bakunang inilagay sa katawan ng maraming tao. Ang halaga nito ay umaabot ang isa sa sampung milyon. Kung wala ka nito tiyak na hindi mo na maisasalba ang iyong sariling buhay.
Walang nagawa ang mga estudyante at guro. Ngunit may ilan sa kanila ang nakapagtago dahil na rin sa labis na takot sa bantang dala ng bakuna na ibinibigay sa mga tao. Nagtago sila sa imbakan ng mga sira at lumang libro. Ang bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng pag-iyak o ng kahit anumang ingay na malilikha nila. Iniisa-isa ang bawat silid upang makatiyak na wala silang makakligtaan.
Ang iba sa kanila ay tahimik lamang ang pag-iyak. Nag-alala sila para sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya.
Pigil ang ginawa nilang paghinga ng makarinig sila ng mga yabag na patungo sa kanilang pinagtataguan. Ang iba napatakip ng bibig habang luhaan ang mga mata ng tumigil ang mga yabag sa tapat ng pintong kanilang pinagtataguan. Labis na kaba at takot ang kanilang nararamdaman ng mga oras na iyon.
"Anong gagawin mo riyan?" tinig ng isang lalaki mula sa malayo. "Walang maglalakas ng loob na magtago sa madilim na silid na iyan. Tingnan mo, matagal na iyang okupado. Hindi na nila ginagamit ang silid na iyan. Tara, doon tayo sa mga comfort room tiyak ko na mayroong mga estudyante roon na nagtatago."
Nakahinga sila ng maluwag ng marinig ang mga papalayong yabag mula sa labas.
Ang isang guro na nagngangalang Ana Liza o mas kilala sa tawag na ma'am Ana ang nagkumbinsi sa kanyang mga estudyante na wag na wag tatanggap ng bakuna kahit na anuman ang mangyari. Kapatid niya ang nasa video na kumalat noon sa internet. Isang mamamahayag na walang takot na nagsiwalat ng katotohanan sa nakakakilabot na sasapitin ng mga taong tumanggap ng bakuna. Hindi niya alam sa ngayon kung nasaan na ang kanyang kapatid. Ngayon maiisip ng lahat na tama nga ang kanyang kapatid ngunit masyado ng huli upang magsisisi.
Sa labas rinig na rinig nila ang nakakaawang iyakan ng mga estudyante na walang magawa kundi ang ialay ang buhay patungong kamatayan. Magmula sa araw na ito ilang linggo lamang ang maaaring itagal ng kanilang buhay. Masasaksihan ng lahat kung gaano kalupit ang mga nasa likod ng mga nagaganap sa buong mundo.
Ang naturukan na ng bakuna ay saka lamang sila pinapalabas. At wala ng pasok sa mga susunod na araw dahil mas malala ang mga magaganap.
Samantala, mag-isa lamang si James Zhuo sa pinakadulong comfort room sa unang palapag ng kanilang departamento. Ang kaguluhan sa labas ay hindi pa rin niya pansin. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na cellphone ng may malakas na tumadyak sa pinto. Halos masira nito ang pinto. Nagmamadali naman siya naglinis ng sarili at itinaas ang pantalon. Hindi muna niya flinush ang toilet bowl upang hindi siya makalikha ng anumang ingay. Maingat niyang hinawakan ang seradura ng pinto ng cubicle na kanyang ginagamit. Gusto niyang silipin kung sino ang pumasok. Nagtataka rin siya kung bakit napakaingay sa labas at bakit maraming mga estudyante ang nagsisi-iyakan. Ano ba ang nangyayari sa labas?
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng mag-vibrate ang kanyang cellphone. Mabuti na lamang at naka-silent ito. May mensahe galing sa kanyang kaklase na nagngangalang Zen.
"Jz, wag na wag kang lalabas kung nasaan ka man ngayon," ito lamang ang lamang ng mensahe.
Titipa na sana siya sa keyboard ng kanyang cellphone ng maalala niya na wala na pala siyang load. Tatanungin sana niya kung ano ba ang nangyayari sa labas.
Nakaramdam na siya ng takot ng maisip na baka may mga masasamang loob ang nakapasok sa kanilang unibersidad at pinaghohostage ang lahat. Nakarinig kasi siya ng tatlong magkakasunod na putok ng baril.
Nanginginig ang mga kamay na ilolock sana niya ang pintuan ng cubicle ng bigla itong bumukas. Bumugad sa kanya ang isang sundalo. Nakatitig lamang ito sa kanya.
"Ano, meron ba riyang nagtatago?" tanong ng kasama nito na nasa labas.
A/N: Papalitan ko pa ang book cover nito tinatamad lang talaga akong gumawa. 😁

BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Ficção CientíficaIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...