HINDI pa man naihihinto ng nagmamanehong sundalo ang sasakyan agad na nagkasa ng kanilang baril ang kasama nitong dalawang sundalo at pinaputukan ang mga tumatakbong tao na nagtatago sa halamanan kanina. Mabuti na lamang at hindi tumatama ang punglo sa mga ito na pinapakawalan nila.
At ng ganap ng maihinto sa gilid ang sasakyan agad na nagsibabaan ang mga sundalong hindi bababa ang bilang na labing-dalawa. Tinutugis na nila ang nasa anim na katao na tumatakbo palayo sa kanila. Hindi nila alam kung bakit kailangang ipagawa ito sa kanila. Sila nga dapat ang pumuprotekta sa mga ito ngunit sila din pala ang kukuha ng kalayaan na mabuhay ang mga ito. Ang sa kanila ay sumusunod lamang sila sa ipinapagawa sa kanila. Wala silang pinagkaiba sa isang aso na kapag inutusan mong lapain ang isang bagay sasagpangin.
Padaplis na tinamaan sa binti ang isang babaing si Mayani na nasa pinakahulihan. Natumba ito. Napadaing at napangiwi ito sa sakit. Agad naman itong dinaluhan ni James Zhuo upang tulungan. Patuloy pa rin silang pinapaulanan ng punglo. Mabuti na lamang at hindi ang mga iyon tumatama sa kanila.
"Ihinto n'yo ang pagpapaputok," sigaw ng kanilang Kapitan. Agad na tiningnan nito sa kanilang monitor ang binatang tumulong sa babaing kanilang nasugatan. Inisa-isa nila ang bawat larawan kung ito nga ba ang pinapahanap sa kanila.
"Confirmed, sir! Siya nga!" Bulalas ng sundalong siyang tumingin sa mga larawan mula sa hawak nitong tablet computer.
"Kailangan natin siya ng buhay kung hindi ay malalagot tayo," wika pa ng Kapitan.
Agad na nilang tinugis ang grupong tumatakas mula sa kanila.
Samantala, sa isang gusali nagtago ang pangkat nina James Zhuo upang hindi sila makita ng mga sundalong humahabol sa kanila. Pinaupo niya sa swivel chair si Mayani upang matingnan ang sugat nito na patuloy pa rin sa pagdurugo.
"Mabuti na lang at padaplis lamang," wika niya habang nilalagyan ito ng benda.
"Hindi na kaya nila tayo masusundan pa?" tanong ni Tyronne habang nakadungaw sa bintana.
"Kasalanan mo ito!" Agad na pinatikim ito ni James Zhuo ng isang suntok sa mukha na ikinagulat naman ng lahat niyang kasama.
Bumagsak sa sahig si Tyronne na nagulat rin sa kanyang ginawa. Agad itong tumayo at gumanti rin sa kanya.
"Dapat ikaw ang sisihin sa nangyari sa kanya! Kung hindi lang sana tayo roon umalis baka hindi tayo hinabol nila!"
At akmang muling magsusuntukan ang dalawa mabilis ang naging pag-awat nina Zindel at Zen.
"Ano ba?! Hindi ito ang oras upang mag-away kayo!" galit na sigaw ni Zindel. Hawak nito si James Zhuo.
"Siya kasi, eh!" duro pa ni Tyronne kay James Zhuo.
"Enough Ty," saway ni Zen rito na siya namang pumipigil rito.
"Ikaw kasi Jz hindi dapat init ng ulo ang pinapairal mo," panenermon ni Zindel sa kaibigan.
"Oo na, mali na ako. Pinoprotektahan ko lang ang mga taong mahalaga sa akin."
"Kaibigan mo rin si Tyronne kaya dapat pinapakalma mo ang sarili mo. Hindi mo dapat siya sinaktan. Humingi ka sa kanya ng sorry," utos nito sa kanya.
"Hindi na kailangan dahil aalis na ako. Ayoko na kayong makasama," galit na tiningnan ni Tyronne si James Zhuo. "Kung ano man ang binabalak mong gawin kayo na lang ang magpatuloy. Tutal hindi naman ako mahalaga sa buhay mo." Literal na masama ang loob niya dahil iniisip niya na hindi siya importante sa buhay nito. "Salamat sa lahat ng pagkakataong nakasama at nakilala kita." Pinipigilan niya ang wag maiyak sa harapan nito kahit nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Ciencia FicciónIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...