NAGISING si Valerie mula sa isang napakalakas na pagsabog galing sa di kalayuan. Halos mayanig ang buong silid na kinaroroonan niya.
Napatingin siya sa pintuan ng marinig ang malakas na mga katok. Agad niyang tinungo ito upang buksan.
"Kailangan na nating umalis, hindi na maganda ang mga nangyayari sa labas," wika ni Felix, buhat nito ang kapatid.
Kinuha na niya ang kanyang backpack. Bago siya bumaba binuksan niya ng bahagya ang bintana upang alamin ang sitwasyon sa labas. Katulad sa lugar na kanyang nilisan ganito na rin ang nagaganap sa lugar ni Felix. Marami ang nakahandusay na mga tao sa kung saan-saan. Ang iba ay kinuha ang sariling buhay. Ngunit mas marami sa mga ito ang biktima ng pamamaril ng mga sundalo at pulis.
Tirik na ang araw sa labas. Kasingpula ng dugong humahalo sa lupa ang kulay ng araw. Marami ang tumatakbo sa walang direksiyong pagtutunguhan. Nalilito kung saan tutungo. Dahil kahit saan sila makarating sinusundan sila ng punglo ng kamatayan. Ngunit natututo na rin ang mga tao humahawak na rin sila ng mga sandata bilang pandepensa sa mga binabaril sa kanila. Ilang sundalo nga ang napatay ng mga taong galit na galit dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.
Muntik na siyang tamaan ng ligaw na bala kung hindi lamang siya umalis sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Tinamaan ng balang ligaw ang isang picture frame. Nahulog ito mula sa kinalalagyan. Tinungo niya ito upang damputin. Silakbo ang kabang nararamdaman niya ng makita niya kung sino ang nasa larawan. Larawan ito ng kanyang kapatid na kasama ang kapatid ni Felix. Maganda ang pagkakangiti ng dalawa ng kunan ang larawan. Nakabaon sa noo ng larawan ng kanyang kapatid ang ligaw na bala.
"Sana walang masamang mangyari sa kapatid ko," dasal niya sa kanyang isip. Ibinaba niya ang larawan sa mesa. At hinakbang na ang mga paa palabas ng silid.
Sa ibaba naratnan niya si Felix na inihahanda ang mga sandatang kinakailangan nilang dalhin. Hindi sila maaaring lumabas na walang dalang pandepensang sandata. Masyadong biyolente ang mga sundalo at pulis sa sibilyang katulad nila. Ibinigay nito sa kanya ang isang shotgun. Mga bala at ang combat knife. Hindi na siya nagtanong pa kung saan ito galing, tinanggap na lamang niya ito.
"Marunong ka niyang gumamit?"
Tumango siya bilang tugon.
"Ay, oo nga pala dating sundalo nga pala si Tito Michael."
Ang kanyang kapatid siguro ang nagkwento rito.
Sinilip nito sa labas. "Tayo na! Wala na sila!" At hinawakan nito ang kamay ng kapatid. "Wag na wag kang bibitaw sa kuya, ah." Bilin nito sa kapatid.
Tumango naman ito.
Habang binabaybay nila ang daan mga palitan ng putok ng baril, sigawan at pagdaing ng mga nahihirapang tao ang magkakahalong nadirinig nila. Sinasabayan rin ito ng mga pagsabog.
Nagpatuloy sila sa pagtakbo. Magkaminsan napapakubli sila sa likuran ng mga sasakyan na kanilang nadaraanan sa tuwing makaririnig ng putok ng baril malapit sa kanilang kinaroroonan.
Takbo. Kubli. Ito ang kanilang paulit-ulit na ginagawa hanggang sa marating nila ang isang makipot na daanan patungo sa kakahuyan.
Binaybay nila ang nakitang dinaraanan sa gitna ng kagubatan. Ang daang ito ay patungo sa isang sitio ng barangay Poblacion.
At ng marating nila ang sitio tahimik ang buong paligid. Isang senyales na wala na ang mga nakatira roon. Hindi nila alam kung nag-sialisan ang mga ito o pinatay ng mga sundalo. May nadaanan sila kanina na isang malaking hukay na tinabunan na ng lupa. Hindi nila alam kung para saan iyon. Ayaw nilang isipin na doon inilibing ng sama-sama ang mga taong nakatira sa sitio. Hindi nila maatim na ganoon nga ang sinapit ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...