NAKATANGGAP ng tawag ang isang sundalong may mataas na ranggo patungkol sa kung nasaan ang babaing kanilang hinahanap dalawang taon na rin ang nakakalipas. Nakita ito sa isang bayan ng Albay kung saan lulan ito ng pulang sasakyan. Ang daang tinatahak nito ay patungo sa lungsod ng Legazpi.
Ang babaing tinutukoy ng lalaking nagpadala ng impormasyon sa isang pulis ay walang iba kung hindi si Kimuri Fuentes. Siya ay isang mamamahayag sa isang sikat na TV station sa Kamaynilaan. Ng pinaghahanap ito sa Bicol nito naisipan na magtago kung saan naroon din ang kapatid nito na isang guro sa isang unibersidad ng Legazpi.
Walang takot niyang isiniwalat ang buong katotohanan sa kung ano ang magiging malalang pinsala ng bakunang Cavonis. Na ngayon nga ay dahan-dahan ng nakikita at nararamdaman ng mga taong unang tumanggap ng bakuna.
Dahil sa napakaraming mga tao ang naniwala sa kanya natakot ang mga ito na magpalagay ng bakuna. At dahil sa kakaunti lamang ang mga taong pumupunta sa mga vaccination sites na itinalaga ng gobyerno dito na pumasok ang sapilitang pagbabakuna. Ngunit dahil sa kakulangan ng oras dahil ilang buwan na lamang ay papasok na ang taong 2030 isang bagong batas ang ipinatupad. Kung saan ang mga sundalo ay inutusan nila na barilin na lamang ang mga taong ayaw magpalagay ng bakuna.
Ang formula naman ng bakuna ay pinalitan kung saan kapag nailagay na ito sa katawan ng tao dalawang linggo lamang ay dahan-dahan ng mararamdaman ang malalang side effects nito.
Upang hindi naman malagyan ng bakuna maraming mga tao tumakas sila patungo sa mga kabundukan. Ang ikinababahala naman nila ay baka kapag nalaman ng nasa katungkulan na naroon sila ay bigla na lamang hulugan ng mga bomba ang pinagtataguan nila. Kaya nga doble ang pag-iingat na ginagawa nila. Sa gabi lamang silang nagluluto ng kanilang mga pagkain dahil sa umaga mapapansin sa kanayunan ang usok sa pagluluto nila.
Sa ngayon ay pansamantala silang ligtas. Ngunit kapag naubos na ang mga tao sa kanayunan na wala ang mga pangalan sa listahan na kanilang ititira lamang tiyak na maging sa kinaroroonan nila ay matutunton sila.
Patuloy ang kaguluhang nagaganap sa bawat sulok ng Pilipinas. Ang mga taong ayaw talagang tumanggap ng bakuna ay mas ninais nilang humawak na rin ng sandata at nakipagbarilan na rin sa mga sundalo. Hindi rin ito inaasahan ng mga nasa katungkulan. Labis nilang sinisisi ang mamamahayag na si Kimuri. Kung hindi ito nagsalita tiyak nila na mapapasunod ng madali ang mga tao.
Ng mapansin naman ni Kimuri na may sumusunod sa kanya mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Ngunit ng malapit na siya sa isang tulay isang sasakyan ang bumangga sa kanya dahilan upang mahulog siya sa malawak at malalim na ilog.
Mula naman sa isang itim na sasakyan na huminto bumaba ang isang lalaking nakasuot ng unipormeng pang-sundalo. Makikita sa mukha nito ang isang kakaibang ngiti habang nakadukwang sa tulay kung saan nahulog ang sasakyan ni Kimuri.
"Sir, nahanap na namin kung nasaan ang kanyang kapatid," masayang pagbabalita ng isang may mababang ranggo na sundalo.
"Umalis na tayo," wika nito at muling sumakay ng sasakyan. "Tawagan mo si Floundera at sabihin mong tumungo ng headquarter dahil may kailangan tayong gawin ngayon."
May naisip ang sundalong ito kung paano nila mabilis na mapapasunod ang kapatid ni Kimuri. Kailangan nila si Ana Liza dahil ito lamang ang nakakaalam kung saan ang estudyanteng hinahanap nila. Ang estudyanteng ito ay napakahalaga para sa samahang pinaglilingkuran nila na kung tawagin ay DS-OG.
Habang lumalalim ang gabi hindi maiwasan ni Ma'am Ana ang mag-alala para sa kapatid. Hinihintay niya ang tawag nito. Ang usapan nila ay tatawagan siya ulit nito ng alas dyes ng gabi. Mula sa kinaroroonan nito ay tatlong oras lamang ang byahe. Dapat nga ay alas ocho ay naririto na ang kanyang kapatid dahil ng tumawag ito sa kanya ay quarter to 6 ò clock. Ayaw niyang isipin na mayroong masamang nangyari rito.
Hindi na niya namalayan ang oras nakatulog na siya sa paghihintay.
***********
MADALING natakasan nina Valerie at ng lalaking kasama niya ang mga sundalong nakasunod sa kanila. Pareho silang humihingal ng huminto sa pagtakbo. Hindi pa man sila gaanong nakatatagal sa hinintuan ng hilain siya ng lalaki patungo sa isang madilim na bahagi ng kalsada. Sa likuran ng mayabong na halaman. Pigil ang kanilang paghinga pareho ng dumaan ang apat na sasakyan ng mga sundalo kasunod ang dalawang tangkeng pang-digma.
Pilit naman niyang inaaninag sa kadiliman ang mukha ng lalaki habang magkaharap sila. Kinikilala niya ito. Hindi rin maiwasan na magkadikit ang kanilang mga katawan at magkalapit ang kanilang mga mukha dahil sa maliit na espasyong pinagtataguan nila.
"Umalis na tayo," wika ng lalaki ng makadaan na ang mga sasakyan ng sundalo.
Lakad-takbo ang kanilang ginagawa hanggang sa makarating sila sa isang maliit na eskenita. Hawak pa rin ng lalaki ang kanyang kamay habang binabaybay nila ang mabatong kalsada.
Huminto sila sa tapat ng isang hindi naman kalakihang bahay. Pumulot ito ng maliit na bato at inihagis sa bintana. Bumukas naman ang pinto ng bintana at sumilip mula roon ang isang maliit na bata na sa tantya niya ay nasa pitong gulang.
"Calix, buksan mo ang gate!" sa mahinang sabi nito. Palinga-linga rin ito sa paligid.
Agad namang tumalima ang kapatid nito at maya pa nga ay bumukas ang bakal na gate.
At ng ganap na silang makapasok sa loob ng bahay dito lamang niya nakita ang kabuuang anyo ng lalaki. Ngunit parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi lamang niya matandaan kung saan niya nakita ito.
May hitsura ang lalaki. Medyo may pagkasingkit ang mga mata. Matangos din ang ilong at may magandang pagkakakurba ng mga labi.
"Sino siya kuya?" tanong ng kapatid nito. "Girlfriend mo ba siya?"
"Anong sabi ko lagi sayo Calix?"
"Maging behave kuya sa harapan ng ibang tao," sagot nito na siya naman ngang ginawa nito.
Nakakatuwa silang pagmasdan.
"Pagpasensyahan mo na itong bahay namin kung magulo," baling nito sa kanya at iniligpit ang mga laruan ng kapatid na nagkalat sa kung saan-saan.
Hindi siya umimik. Inaalala pa rin niya ang kanyang kapatid. Ngunit higit na mapanganib kung tutuloy pa siya ngayong gabi sa dapat na pupuntahan niya. Maraming mga nagkalat na mga sundalo sa labas. Ang siuman na matyiempuhan ng mga ito kung hindi pinapatay ay sapilitang tinuturukan ng bakuna.
Sa lugar ng magkapatid hindi pa naghahasik ng gulo ang mga sundalo. Sa lugar nila halos pinapasok na ng mga sundalo ang bawat bahay at sapilitang nilalagyan ng mga ito ang mga wala pang bakuna.
Ang kaibahan lamang naging matagumpay ang mga sundalo sa pagbabakuna sa lugar ng lalaki. Dahil walang nagtangka na tumutol dahil na rin sa takot na baka matulad sila sa mga karatig lugar na nakararanas ng labis na pagmamalupit at hindi makataong ginagawa ng mga sundalo. Para bagang kumakatay lamang sila ng manok kung patayin nila ang mga tao.
Pinapasok na ng lalaki ang kapatid nito sa sariling silid dahil sa kakulitan nito. Wala itong tigil sa katatanong kung sino ang kasama ng kuya nito.
"Maupo ka muna," sabi nito ng mailigpit ang mga kalat.
Napilitan siyang ngumiti ng pasadahan siya ng tingin ng lalaki.
"Valerie ang pangalan mo kung hindi ako nagkakamali."
Pagtango lamang ang kanyang itinugon. Paanong kilala siya nito?
"By the way nga pala, Mark Felixter ang pangalan ko," pagpapakilala nito. "Call me Felix for short."
Gusto sana niyang tanungin ito kung bakit siya nito kilala ngunit umuurong ang kanyang tila kapag ibubuka na niya ang kanyang mga labi.
Naupo ito sa katapat ng sofa'ng kinauupunan niya.
"Anong ginagawa mo ng dis oras na ng ganitong gabi sa kalsada? Mabuti na lamang at nakilala kita kung hindi baka ano na ang nangyari sa iyo." Tila hindi ito nauubusan ng sasabihin.
"Susunduin ko sana ang kapatid ko sa unibersidad na pinapasukan niya."
Bahagyang natigilan si Felix ngayon lamang niya naalala ang kapatid. Sa pagkakaalam niya kanina pang umaga pinauwi ang lahat na mga estudyante.
Hindi kaya...
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...