WALA bang alam si Felix sa totoong nagaganap ngayon sa buong sulok ng daigdig? Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon upang tawagan ang kapatid ngunit hindi na niya ito makontak. Napatingin siya sa screen ng kanyang cellphone. Kaya pala hindi niya matawagan ang kapatid dahil wala naman palang signal. Bumaling siya ng tingin kay Valerie.
"May signal ba ang cellphone mo?"
Sa loob-loob naman ni Valerie mukha nga talagang walang alam si Felix sa mga nangyayari ngayon. Ano bang ginagawa nito at hindi man lang nakikialam sa mga nagaganap sa paligid nito?
"Pinutol na nila ang signal."
Tila nabigla pa ang binata sa naging sagot niya.
"Sh*t! Kukutusan ko talaga ang kapatid kong iyon! Kung saan na naman nagpupunta!"
Sa totoo lang labis din naman na nag-aalala si Felix para sa kaligtasan ng kapatid. Lalo na ngayong limitado lamang ang oras na ibinigay sa kanilang upang lumabas ng bahay. Kapag hindi sila sumunod sa memorandum na ibinaba ng kanilang barangay baka matulad rin sila sa mga karatig nilang barangay na matitigas ang mga ulo.
"Bakit dito sa lugar ninyo tahimik?" pagtataka ni Valerie. Walang ingay at gulo. Ito ang unang napansin niya sa lugar ng lalaki.
"Marunong sumunod sa batas ang mga tao rito sa barangay namin." Nawala sa isip ni Felix ang pag-aalala para sa kapatid at napatingin siya sa dalaga.
"Ibig bang sabihin niyon lahat ng tao rito sa lugar n'yo tumanggap ng bakuna." Hindi makapaniwalang sabi ni Valerie na pinanlalakihan ng mga mata.
"Bakit? Naniniwala ka rin ba kay Kimuri?"
"Totoo ang lahat na mga isiniwalat niya Felix. Nasaksihan namin kung paano mawala sa sariling katinuan ang mga taong unang tumanggap ng bakuna. At hindi magtatagal ganoon rin ang sasapitin ng mga tao sa lugar na ito. Matutulad rin sila sa karamihang tao sa lugar na nilisan ko."
Natigilan sila pareho ng makarinig sila sa di kalayuan ng malakas na pagtangis. At sinundan pa ito. Labis na nagugulahan si Felix kung ano ba ang nangyayari sa mga kabarangay niya. Mag-uusisa sana siya ngunit pinigilan siya ni Valerie.
"Wag ka ng lumabas pa Felix," pigil nito sa kanya ng akma na sana niyang bubuksan ang pinto. Ramdam din niya ang takot sa nanginginig nitong boses. "Hayaan na lamang natin sila."
Sinunod na lamang niya ito. Ika nga, ang labis na mausisa ay nakamamatay.
"Wag mo ng alalahanin ang iba. Ang intindihin natin kung paano natin mahahanap ang mga kapatid natin," dagdag pa nito.
"Paano kung naturukan na rin sila? Ano ng gagawin natin?"
"Wag ka ngang mag-isip ng mga negatibong bagay. Kung nalagyan na rin nga sila dapat kanina pa nakauwi na sila." Ito ang naging konklusyon ni Valerie kung bakit hindi pa nakakauwi ang kanilang mga kapatid. Lahat kasi ng mga nakauwi na ay ang mga sapilitang nalagyan ng bakuna. Hindi pinapalabas ang sinumang ayaw magpaturok ng bakuna. Ibig sabihin lamang nito nasa kanya-kanya pang paaralan ang kanilang mga kapatid.
Nagsisi si Felix kung bakit hindi pa niya sinundo kanina ang kapatid. Naging kampante siya sa naging sitwasyon. Akala niya walang sapilitan, iyon pala ang isinasagawa nila. Kaya pala nagkakagulo sa mga karatig lugar.
Iniisip din niya ang kanilang magulang. Hindi niya alam kung makakauwi pa ang mga ito. Simula pa noong isang linggo hindi na niya makontak ang mga ito. Hindi katulad ng dati na sa isang linggo apat na araw kung makusap nila ito.
Nasa ibayong dagat ang kanilang magulang nagtatrabaho. Ang kanyang ama ay isang factory worker sa Taiwan. Samantalang ang kanyang ina naman ay isang caregiver sa Hongkong. Kung alam lang niya na hahantong sa ganitong sitwasyon ang lahat hindi na sana sila pumayag na magkakapatid na muling bumalik ang mga ito sa pangingibang bansa.
Sa kanya hinabilin ng mga magulang ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Malalagot siya kapag may nangyari sa mga ito. Kailangan na rin niyang kumilos, hahanapin na niya ang kapatid.
"Saan ba nag-aaral ang kapatid mo?"
"Sa parehong unibersidad na pinapasukan ng kapatid mo," maagap niyang sagot sa dalaga. "Matalik na magkaibigan ang mga kapatid natin."
Nauunawaan na rin ngayon ni Valerie kung bakit siya kilala nitong si Felix. Siguro ang kapatid niya ang nagkukwento tungkol sa kanya. Pero in fairness, gwapo at cute itong si Felix.
"Haist! Magtigil ka nga Valerie. Hindi ito ang tamang oras para maglandi. Nasa gitna kayo pareho ng pangamba at labis na pag-aalala para sa kaligtasan ng mga kapatid n'yo," saway sa kanya ng utak niya.
Hindi maaaring magtagal siya sa bahay nina Felix. Kailangan na niyang magpaalam.
"Kailangan ko ng umalis," akmang tatayo na sana siya ng pigilan siya nito.
"Ipagpabukas mo na lamang ang paghahanap sa kapatid mo masyado ng mapanganib sa labs. Sasamahan kita. Hahanapin ko rin ang kapatid ko baka magkasama silang dalawa."
Tama si Felix. Kung tutuloy siya ngayon baka bigla na naman niya na makasalubong ang mga sundalo at pagbabarilin na naman siya. Kahit paano ay nakaramdam din siya ng takot. Kung mamamatay siya sa gitna ng madilim na kalsada sino pang maghahanap sa kanyang kapatid.
Napatingin sila pareho kay Calix ng bumaba ito.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Felix sa kapatid.
"Hinihintay ko pa kasi kuya 'yong pasalubong ng kuya Zindel," sagot ni Calix na namumungay na ang mga mata dahil sa antok. Tumabi ito ng upo sa kanya.
"Nakung bata ka talaga!" Napakamot siya sa ulo matapos marinig ang sinabi ng kapatid.
"Ganyan na ganyan din ang kapatid ko ng maliliit pa kami. Lagi niya rin inaabangan ang pasalubong na dala ng aming ama buhat sa pag-uwi sa trabaho." Napapangiti na lamang si Valerie habang binabalikan ang tanawin ng nakaraan.
Niyaya na ni Felix ang kapatid na matulog na. Ngunit bago sila pumasok sa silid sinamahan muna niya si Valerie sa silid ng kanyang kapatid. Doon na lang niya ito patutulugin. Hindi naman pwedeng sa sahig sa sala niya ito patulugin.
Napahanga at namangha naman si Valerie matapos makapasok sa silid ng kapatid ni Felix. Parang hindi lalaki ang gumagamit ng silid. Napakalinis ng buong paligid. Ang lahat ng mga gamit nakaayos sa pagkakalagay ng mga ito. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Ang kapatid kasi niya wala ring pinagkaiba sa kapatid nito. Talaga ngang mag-bestfriend ang dalawa.
"Kung sakaling matawagan mo ang kapatid mo sabihin mo naman sa akin baka sakaling magkasama sila ng kapatid ko," habol niyang sabi kay Felix ng palabas na ito.
"Sige, gagawin ko."
Bago ito tuluyang lumabas may kinuha ito sa ilalim ng kama mula sa loob ng isang maliit na kahon.
"Naalala ko kasi na meron pala nito ang kapatid ko," wika nito habang ipinapakita sa kanya ang walkie talkie. "Baka dala ng kapatid mo ang ganito rin niya."
Bakit hindi niya naisip kanina na kumuha ng isa sa gamit ng kanyang ama ng bagay na iyon? Sa kaniyang ama rin kasi galing ang hawak-hawak ni Felix. Bigay ito ng kanyang kapatid sa kapatid nito. Regalo ito ng kanyang ama sa kanyang kapatid ng kaarawan nito. Dalawa ang laman ng regalo na hindi niya alam na ibinigay din pala ng kanyang kapatid ang isa sa sinasabi nitong bestfriend nito na hindi niya alam na kapatid pala nitong si Felix.
Isang dating sundalo ang kanilang ama. Umalis lamang ito sa serbisyo ng muntik na itong mapatay sa isang engkwentro. Ayaw pa sana nito ngunit dahil sa pag-aalala ng kanilang ina na baka muling maulit ang mga nangyari pumayag din sa huli ang kanilang ama.
Hindi niya sigurado kung gagana pa ang walkie talkie na hawak ni Felix. Matagal na kasi ang bagay na iyon na ibinigay ng kanyang ama sa kanyang kapatid. Ngunit kailangan niyang magbakasakali. Sana makontak ni Felix ang kanyang kapatid upang kahit paano ay mabawasan ang kanilang pag-aalala.
Dahil sa maraming bagay ang nagpapagulo sa takbo ng kanyang isip hindi agad siya nakatulog. Hindi lamang kasi ang kanyang kapatid ang kanyang inaalala. Iniisip din niya ang kanyang mga magulang at ang dalawang nakababatang kapatid. Sana ligtas ang mga ito na makarating sa lupain na pag-aari ng magulang ng kanyang ama.

BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Ciencia FicciónIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...