Kabanata III

107 11 0
                                    

NABIGLA siya sa tinuran ng kanyang ama. Hindi agad siya nakapagsalita at nakakilos sa kinatatayuan dahil sa biglaang pasya ng kanyang ama. Ngayon pa ba siya pahihintuin kung gayong ilang buwan na lang ay magtatapos na siya? Hindi siya papayag sa bagay na iyon. Kung pangbayad sa pangmatrikula ang inaalala ng kanyang ama hindi naman iyon problema. Iskolar siya at wala siyang binabayaran sa eskwelahan. Parang biglang gumuho ang kanyang mundo sa hindi tamang pag-iisip ng mabuti ng kanyang ama.

Nasaktan siya ng sobra. Nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha habang tumatakbo siya paakyat ng hagdan. At doon sa kanyang sariling silid napahagulhol siya ng iyak. Walang tigil ang pagragasa ng kanyang mga luha.

Hindi niya maintindihan ang kanyang ama. Paulit-ulit pa siya nitong tinawag ngunit hindi niya ito pinakikinggan. She hate her dad very much. Ito rin nga mismo ang nagsabi sa kanilang magkakapatid na dapat ay kailangan nilang magtapos sa pag-aaral. Dahil ito lamang ang kayamanang maipapamana sa kanila.

"Pero...bakit?" Paulit-ulit niyang tanong sa kanyang isipan.

Nilapitan naman ni Marevick ang asawa at kinausap ito. "Ano bang problema, Mike at bakit ganyan ang sinasamo mo? Hindi ka naman ganyan dati, ah!" untag na wika niya.

"Let me explain, okay." At naupo ito sa sofa. "Hon, hindi na normal ang nangyayari ngayon sa labas. Masyado ng mapanganib kung maglalalabas pa tayo."

"Hindi kita maintindihan, Mike!"

"Mommy, tama po si Daddy. We're not safe even in our house," singit ni Kyzen na sumisinghot-singhot dahil sa pag-iyak.

"Hon, tama ang ating anak. Kanina pinapababa ko na sana ng sasakyan ang ating mga anak natigilan ako dahil nag-iiyakan ang mga bata buhat sa loob ng paaralan. Hindi ko na muna pinatuloy sa pagbaba ang ating mga bata dahil nag-usisa muna ako kung anong kaganapan meron sa loob. At doon nahayag sa akin ang isang katotohanan. Sapilitan nilang nilalagyan ng mga bakuna ang mga bata kahit pa nga mayroong pinirmahan na kasunduan ang mga magulang na hindi nila pababakunahan ang kanilang mga anak. Nakita ko kung paano nila kaladkarin ang mga batang ayaw tumanggap ng bakuna. Maging man ang mga guro at mga magulang na naroon ay sapilitan din nilang tinuturukan. Alam ko may lihim na dalang panganib ang vaccine na iyon. Kung wala iyon na masamang epekto sa katawan ng tao hindi nila iyon gagawin ng sapilitan. Napigilan ang virus na kumalat. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin nila iyon na ibinibigay sa mga tao at sapilitan pa nga. Tama nga noon si Kimuri sa kanyang mga sinabi," mahabang pagsasalaysay ni Micheal sa asawa. "At...ang mga anak natin, iniwan ko sila ng sasakyan pagbalik ko sapilitan silang kinukuha sa loob ng mga sundalong kasama ng mga doktor na nagsasagawa ng pagbabakuna. Tinakbo ko ang kinaroroonan nila at mabuti na lamang ay maagap ako. Pinatumba ko sila gamit ang lakas ko ng akma sana silang bubunot ng sandata upang barilin sana ako. Sinundan kami ng iba pa nilang mga kasama. Mabuti na lamang nailigaw ko sila ng habulin kami..." Magpapatuloy pa sana siya sa pagsasalaysay ng mabaling ang kanilang atensiyon sa mga nagkakagulong tao sa labas.

Hindi na sana sila lalabas ngunit naging mapilit ang kanyang asawa. Iniisip niyang baka nakarating na rin sa kanila ang mga taong nagsasagawa ng sapilitang pagbabakuna.

Natigilan naman sa pag-iyak si Valerie ng marinig din ang mga taong nagkakagulo sa labas. Pinunas niya ang kanyang mga luha at nagtungo sa may bintana upang mag-usisa. At doon gimbal na gimbal siya sa kanyang nasaksihan.

"Diyos ko tatalon sila!" kuros na tili ng mga babae na naroon habang nakatingala kung saan naroon ang mga taong tatalon. Makikita rin ang ilan na tinatangkang pigilan ang mga ito ngunit huli na.

"Wagggg!!!" sigaw ng mga miron.

Kitang-kita naman nina Marevick at Michael kung paanong nagpatihulog ang ilang mga tao mula sa rooftop ng isang apartment na may pitong iskalon. Isa sa nasabing tumalon ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Villegas. Kasunod niyon ang paghestirikal ng ina nito at nahimatay ito.

Napakapit naman ng mahigpit sa braso ng asawa si Marevick. Labis ang kanyang pagkasindak sa mga nasaksihan.

"G-Ganyan ang mangyayari kapag naturukan tayo ng bakuna," wika ni Michael na ikinalingon ng ilang mga ususero. Ang iba ay natakot lalo na ang mga tumanggap ng bakuna.

"Ma, nagkakagulo na sa paaralan nina Jonanthan," wika ng isang dalaga sa kanyang ina matapos na maibaba nito ang linya ng kausap. "Ano ng gagawin natin? Baka sapilitan na nilang tinuturukan ng bakuna ang mga kapatid ko," puno ng pag-aalalang dugtong pa nito.

Ang lahat ay mas lalong nagkagulo ng mula sa di kalayuan ay may narinig silang mga putukan at ilang mga pagsabog. Tanaw mula sa kanilang kinaroroonan ang mga usok mula sa mga gusaling nasusunog.

Ang mga sundalo ay inutusan na ng pangulo na pagbabarilin na lamang ang mga tao sa halip na sila ay sapilitang lagyan ng bakuna. Ayon pa mismo sa pangulo mas mapapadali ang pagbabawas ng populasyon ng bansa kung ito ay pagbabarilin na lamang. Ngunit, sino ba naman ang papayag na sila ay basta na lamang barilin ng wala namang dahilan. Ang karamihan ay humawak na rin ng kanya-kanyang mga sandata at nakipagbarilan na rin sa mga kasundaluhan at kapulisan. Mas lalong lumalala ang sitwasyon sa bawat oras na lumilipas.

Parami nang parami ang mga taong humahandusay sa bawat sulok ng kalye. Ang iba ay sabay-sabay na nagpapatihulog sa mga matataas na gusali. Ang ilan ay tinatangka nilang tumakas lulan ng kanya-kanyang mga sasakyan. Ngunit sila ay hinahabol ng mga tangkeng pandigma at binubomba.

Walang direksiyong pagtutunguhan ang bawat mga sasakyan na umaalis sa kanilang mga tahanan. Dahil kahit saan sila pumunta ay pare-pareho lamang ang sitwasyon.

Maririnig ang iyak ng mga tao sa buong paligid. Mga sugatang nahihirapan bago sila ay lalapitan ng mga sundalo upang tapusin na ang kanilang nalalabing buhay.

Ang sitwasyong nagaganap sa bansang Pilipinas ay pareho lamang sa lahat na mga bansa. Kung saan sabay-sabay nilang isinagawa ang pagdepopulate sa mga tao. Ngunit hindi lahat ay kanilang pinapatay. Dahil mayroon silang talaan ng mga tao na siya lamang na maaaring itira sa bawat bansa. At ang mga taong iyon ay perpekto para sa kanila. Pantas, maabilidad, maganda ang pisikal na kaanyuan at higit sa lahat maraming katangian na maaaring pakinabangan ng gobyerno na tinatawag nila na isang pandaigdigang gobyerno lamang. Kung baga isang pinuno lamang ang kailangang italaga sa buong mundo.

Ang mga ititirang mga tao ay hindi maaaring makapag-asawa ng lalaki sa babae. Kundi bilang lamang sila na maaaring mag-asawa at magkaanak. Sa madaling salita ang mga taong hindi papayagan na makapag-asawa ng opposite sex ay mag-aasawa sila ng kapareho nilang kasarian. Ito ay upang maiwasan ang paglubo ng populasyon. Kaya ngayon pa lamang ay iniipon na nila ang mga taong nasa kanilang talaan upang madala sa lugar na doon ay pansamantala muna silang mamalagi habang isinagawa ang malawakang paglilinis ng kalat sa buong daigdig.

Ang mga taong pinili bago nila ito ihalubilo sa mga taong nauna na sa kanila sa lugar ay pinapainom nila ng gamot upang makalimutan nila ang naging buhay nila.

Ngunit lingid sa kaalaman na ang lahat ay kaya nilang mapasunod. Isa na nga roon si Klinx James. Kumikilos na rin ito upang maisalba pa ang marami pang mga buhay na hindi pa nadadamay. May hinahanap lamang itong isang tao na siyang itinadhana na ng gobyerno na kanyang magiging asawa.

Ang nangyayaring kaguluhan ay malapit ng makarating sa lugar nila Marevick.

"Ang anak natin. Nasaan si Zhuo, Marevick?" Ang kabang kanina ay unti-unti na sanang naparam ngayon ay silakbo na naman sa sobrang pag-aalala ni Michael para sa anak.

A/N: Lutang na ako masyado. Wala ng pumapasok sa utak ko.😁

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon