HINDI pa rin maintindihan ni James Zhuo kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Nakatunga lamang siya sa kawalan. Ayaw mag sink-in sa utak niya ang mga nangyayari ngayon.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagbabakasakali na ibinalik muli ang signal. Labis ang tuwang kanyang nadarama ng makitang may signal ang isa pa niyang sim card. Nagmadali siyang nangutang ng load. At ng pumasok na ang load madali niyang pinadalhan ng mensahe ang kanyang mga magulang maging man ang kanyang ate Valerie. Nag-aalala siya sa kanilang nakababatang kapatid na nasa primary school pa lamang. Malapit lamang ito sa pinapasukang paaralan ng kanilang mga kapatid at inutusan niyang sunduin na nito ang mga ito. Sana ma-received agad ng kanyang ate ang kanyang mensahe bago pa man may maturukan ng bakuna ang kanilang mga kapatid. Maging siya man ay hindi duda sa bakunang ibinibigay sa mga tao.
Wala na siyang nakikita na kahit sinong tao sa paaralan. Labis siyang nangangamba para sa lahat na mga estudyante at guro na naturukan ng bakuna.
Ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa ng may mahulog na kapirasong papel sa kanyang paanan. Agad niya itong dinampot. Ito ang papel na ibinigay sa kanya ng nagngangalang Klinx James. Natawa siya ng maalala ang mga sinabi nito kanina.
"Alam mo ba na ikaw ang itinadhana nila para maging asawa ko?"
Nasisiraan na siguro ng ulo ang taong sinasabi nito. Siya ipapakasal sa isang lalaki? No way! Sino ba ang mga ito para diktahan na lamang sila sa mga dapat na gawin?
Natigalgal siya ng mapagtagni kung bakit nagpasa ang mga mambabatas ng isang batas patungkol sa same sex marriage. Isa rin ba ito sa kanilang layunin upang mabawasan kahit paano ang pagdami ng populasyon sa mundo? Possible! Hindi nga magkakaroon ng mga anak ang dalawang parehong kasarian na nagsasama. Kaya pala atat na atat ang ilang mga mambabatas na ipasa ang naturang bill. Iyon pala ay kasama ito sa kanilang plano. At ang mga kalahi naman ay nagdiwang sa saya dahil sa napagbigyan na ang kanilang mga hiling.
Napakamot siya ng maisip kung paano ngang magtagumpay sila sa planong bawasan ang populasyon ng mundo. Eh, di ikakasal nga siya kay Klinx. Kinikilabutan talaga siya. Sa hinagap hindi niya iyon naisip na magiging kahahantungan ng kanyang kapalaran.
Napatitig siya sa kapirasong papel na hawak-hawak. Tama nga siya na nasisiraan na ng ulo ang mga puno't dulo ng mga nangyayari ngayon. Gusto talaga nilang puksain ang bilyong tao sa daigdig. Hindi ba sila nakakaramdam ng takot sa ginagawa nila?
Nakasulat rin sa papel ang lugar kung saan sila magkikita ni Klinx. Nakikiusap ito sa kanya na tulungan siya upang pigilan ang isang samahan na may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi pa nahuhuli ang lahat. Marami pa silang mga buhay na maaaring masagip kung magtagumpay sila.
Kahit nagdadalawang isip man kung makikipagkita siya rito, wala na rin naman siyang ibang pagpipilian. Kailangan ring may gawin siya.
Ng ganap ng makaalis ang mga sundalong naiwan nilapitan niya ang administrator ng kanilang unibersidad. Wala na itong buhay.
Sa paglibot ng kanyang tingin sa buong paligid, ilan pang mga katawan ang nakita niyang nakahandusay na wala na ring buhay. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao.
Ang ilan sa mga ito ay ang tumalon kanina. Sila ay ang mga tao unang tumanggap ng bakuna. Hindi siguro nakayanan ng mga ito ang malalang side effects ng bakuna sa katawan kaya mas pinili na lamang na kitilin na lamang ang sariling buhay kaysa ang magtiis sa pagdurusa.
Iba't iba ang side effects na nararanasan ng mga taong unang mabakunahan. Nakararanas sila ng matinding pagkirot ng ulo. Ang iba naman ay nagkakasugat-sugat ang mga katawan. Napaparalisa ang buong katawan. Nagsusuka ng dugo at iba pang mga side effects. Ang mas malala na naranasan ng ibang mga tao ay ang pagkalusaw ng lahat ng organs sa loob ng katawan.
Hindi ito basta mararanasan agad ng mga taong unang tumanggap ng bakuna. Dahan-dahan lamang itong nararamdaman nila hanggang sa umabot na sa puntong hindi na makayanan ng kanilang katawan.
Ngunit mayroon pang pag-asa ang mga taong ito kaya nga humihingi ng tulong si Klinx sa kanya. Kailangan nilang makuha ang gamot na kokontra sa bakunang ito upang hindi tuluyang mamamatay ang mga tao.
Habang malalim ang kanyang iniisip bigla niyang naalala ang kaklase niyang si Zendaya. Nakatanggap siya ng mensahe galing rito kanina. Ibig sabihin lamang nito ay nakapagtago ito kanina at hindi nakita. Hahanapin niya ito.
Patakbo niyang tinungo ang kanilang silid-aralan. Ngunit pagpasok niya ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. Magulo ang buong paligid. Nagkalat ang mga upuan, libro at mga gamit ng kanyang mga kaklase. Hinanap muan niya ang kanyang bag bago niya nilisan ang silid.
Hahanapin niya si Zendaya o Zen. Isa din sa iniisip niya ang bestfriend niyang si Zindel Max. Sana magkasama ang dalawa. Sana hindi ito napasama sa mga estudyanteng sapilitang nilagyan ng bakuna kanina.
Gagalugarin niya ang bawat sulok ng unibersidad makita lamang ang mga ito. Bawat silid inisa-isa niya. Maging man ang comfort room ay pinuntahan niya isa-isa. Ang faculty room, silid-aklatan maging man sa gymnasium at auditorium ay pinuntahan niya. Ngunit wala siyang nakita na kahit isa mang tao. Maliban na lamang sa mga patay na estudyante at gurong nakita niya.
Ala singko y media na ng hapon. Malapit ng dumilim ang buong paligid. Kailangan na niyang umuwi. Ngunit, paano naman siya makakauwi? Walang mga sasakyan ang dumaraan sa tapat ng kanilang unibersidad. Napakalayo ng kanilang bahay kung lalakarin lamang niya ito. Isa pa mapanganib sa labas kung tatangkain niyang lumabas. Maraming mga sundalo ang gumagala sa labas. Nagsasagawa pa rin sila ng sapilitang pagbabakuna. Ang ilan sa mga ito ay kung hindi madadaan sa pagbabakuna gumagamit na ng dahas. Kaya ang mga putok ng baril ay naririnig niya sa di kalayuan.
Ilang minuto na siyang nag-iisip kung ano ang dapat gawin kung paano siya makakauwi. Humingi na rin siya ng tulong sa kanyang ama ngunit wala naman siyang natatanggap sa sagot mula rito. Wag naman sanang may masamang mangyari isa man sa kanyang pamilya.
Ang kabang kanyang nararamdaman ay mas lalo lamang nadaragdagan ng makarinig ng ilang mga malalakas na pagsabog sa di kalayuan. Senyales na nagkakaroon na ng malalang tensyon sa pagitan ng mga sundalo at sibilya. Sino ba naman kasi ang papayag na maturukan ng nakamamatay na bakunang iyon? Walang sinuman ang ibig na mamatay na ganoon ang sasapitin.
Nakapagdesisyon na siya. Lalakarin na lamang niya ang pauwi sa kanila. Aalis na sana niya ng makarinig siya ng mga kaluskos mula sa loob ng isang silid na matagal ng hindi na ginagamit. Tiyak niyang may tao sa loob niyon. Ang silid na lamang na ito ang hindi pa niya nakapasok.
Pinihit niya ang doorknob ngunit ayaw naman magbukas. Naka-lock ito sa loob. Possible ngang may tao sa loob at baka narito ang kanyang hinahanap.
Ipinalo niya ang kanyang katawan sa dahon ng pinto upang mabuksan ito. Mahina na rin naman ang pundasyon ng pinto kaya madali na lamang niya itong masisira.
Nagawa niyang mabuksan ang pinto. Ngunit pagpasok niya may malakas na humataw ng palo sa kanyang ulo. Dahilan upang mawalan siya ng malay.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...