Kabanata XXI

18 3 0
                                    

"GAMUTIN muna natin iyang sugat mo," wika ni James Zhuo sa kaibigan niyang si Zindel habang papasok sila ng gusali. Inaalayan niya ito sa paglalakad. Pagkapasok pinaupo niya ito sa swivel chair. Kumuha siya sa pangbenda sa sugat nito.

Lumapit sa kanila si Klinx at hinugot nito ang combat knife. "Akin na iyang kamay mo." Hindi pa man niya naiaabot rito ang kamay kinuha na nito ito.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtagni niya kung ano ang gagawin nito. Walang sabi na bigla na lamang nito hiniwa ang kanyang palad. Ang nakapagtataka ay hindi siya nakaramdam ng sakit.

Ang ikinagulat niya maging si Zindel hindi pulang likido ang lumabas sa hiniwa ni Klinx kundi asul na dugo. Agad itong pinatulo nito sa sugat ni Zindel. Biglang naghilom ang sugat nito. Maging ang hiwa sa kanyang palad ay nakapagtatakang nagsara agad. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang dugo. Kanina lamang ng masugatan siya ay pulang likido naman ang lumandas sa kanyang mga sugat na tinamaan ng punglo.

"Iyan ang dahilan kung bakit pinaka-espesyal ka sa lahat ng nilikha nila. Ang nakapagtataka lang ay kung paano ka napunta rito sa Pilipinas. Ang alam ko sa bansang America nila nilikha ang katulad mo. Meron naman rito sa Pilipinas ng sinasabi kong teknolohiya ngunit ang mga tulad lang namin ang kaya nilang likhain."

Marami talaga siyang gustong malaman. Lalong ginugulo ni Klinx ang kanyang utak. Ang tanging makapagbibigay lamang ng liwanag nito ay ang kanyang mga magulang. Ngunit naniniwala pa rin siya na totoo siyang anak ng mga ito. Na hindi siya nilikha ng isang teknolohiya na katulad ng sinasabi ni Klinx.

"Kaya pa bang mabuhay si Mayani?" Gusto niyang umasa na kayang maibalik ng kanyang dugo ang buhay ng dalaga.

"Ikinalulungkot ko." Inaasahan na niyang ito ang isasagot nito. "Kapag namatay na ang isang tao hindi na siya maaari pa mang makabalik."

Malungkot niyang nilapitan ang dalaga. Hindi niya napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Niyakap niya ito habang umiiyak. "Kasalanan ko ang lahat. Patawarin mo ako hindi kita nagawang protektahan." Para na rin niyang sariling kapatid ito.

"Kailangan na nating umalis," wika ni Klinx. "May isang robot silang inutusan upang hanapin tayo. Mapanganib ang isang ito."

"Jz, umalis na tayo. Wala na tayong magagawa," wika ni Zindel sa kanya.

"Kailangan ng matapos ang kasamaang ginagawa nila," wika niya habang mahigpit na ikinuyom ang mga kamao.

"Tutulungan ka namin," wika ni Tyronne.

Ayaw na niyang may mawala isa man sa mga kaibigan niya. Magmula ngayon siya na ang poprotekta sa mga ito.

Naghanap sila ng sasakyang gumagana pa upang mabilis ang kanilang pagpunta pabalik sa unibersidad. Si Klinx naman ang motorsiklo nito ang ginamit. Umalis na sila bago pa man sila maabutan ng robot na inutusan ng pangulo upang hanapin sila.

Hindi pa man sila nakakalayo ng sa unahan bigla na lamang na may humarang na isang lalaki. Muntikan pa nga nila itong mabangga.

Nagtataka naman si Klinx kung bakit bigla silang huminto at ng sinuyod niya ng tingin ang isang lalaking nakaharang sa gitna ng kalsada dito na siya nataranta.

"I-urong mo ang sasak..." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ng magsulat siya ng bigla na lamang nitong buhatin ang sasakyan na kinalulunaran nina James Zhuo at inihagis ito.

"Hindi!!!" Sigaw niya ng makita niya kung paano magpaikot-ikot ng ilang ulit ang sasakyan bago ito tuluyang tumaob. Nawalan ng malay ang lahat na sakay nito.

Mabilis na kinuha niya ang baril na nakasabit sa likuran at walang tigil niyang pinaulanan ng bala ang robot na nasa harapan niya. Ngunit hindi naman bumabaon sa katawan nito ang bawat balang pinapakawalan niya.

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon