"ANONG gagawin natin?" tanong ni Valerie kay Felix ng makita nila ang maraming sundalo sa tapat ng unibersidad na pinapasukan ng kanilang mga kapatid. Ang iba sa mga ito ay papalabas pa lamang ng unibersidad. Ang iba ay nakasakay na ng sasakyan.
Kanina patungo na sana sila sa loob ng unibersidad ng matigilan sila sa ilang mga military truck na dumating. Napakubli sila sa likuran ng malaking puno ng acacia sa gilid ng kalsada. Kanina pa sila sa pinagkukublian. Hindi naman nila magawang sugurin ang mga ito dahil hindi nila kaya ang dami ng mga sundalo sa loob. Hindi nila alam kung ano ang sadya ng mga ito sa unibersidad. Nakita nilang may dala ang mga itong isang babae na nakatali ang mga kamay sa likuran galing sa loob. Wala silang ibang nakitang dala ng mga ito. Nag-aalala sila ng labis sa kanilang mga kapatid. Hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa mga ito.
Pareho silang nagkatinginan ng mamukhaan nila ang babaing dala ng mga ito.
"Hindi ba't siya ang kapatid ng babaing natagpuan natin na walang malay sa gilid ng malawak na ilog?" tanong ni Valerie sa binata.
Kanina habang binabaybay nila ang hangganan ng ilog paibaba ng kagubatang dinaanan nila sa may Sitio ng Poblacion nakita nila ang isang babae sa gilid ng ilog. Walang malay ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. At ng lapitan nila ito agad nila itong nakilala. Buhay pa ito ng damhin nila ang pulso nito. Hindi lang niya alam kung kailan ito magkakaroon ng malay. Nasa kanilang sasakyan ito na ginamit nila pagkababa ng bundok. Iniwan nila ito sa tagong lugar upang lakarin na lamang ang papasok sa unibersidad na pinapasukan ng kanilang kapatid.
Inaalala naman ni Felix kung saan niya nakita ang babaing dala ng mga sundalo. Iniisip niyang nagkakilala na sila dati. Ano kayang gagawin nila sa kapatid ni Kimuri?
At ng ganap na ngang makaalis ang mga ito saka lamang sila lumabas mula sa kanilang pinagkukublian. Marahan silang tumakbo papasok sa unibersidad. Maingat at alerto ang kanilang mga kilos at baka mayroon silang makasalubong pa na mga sundalong naiwan. Laging nakakasa ang kanilang mga baril upang sa oras na may kalaban silang makita agad nilang mapatumba ang mga ito.
Pagkapasok sa unibersidad agad silang naghiwalay upang hanapin ang kanilang mga kapatid. Pinuntahan nila ang lahat na mga gusali ng bawat departamento at inisa-isa ang mga silid. Ngunit wala silang nakitang tao. Nasaan na kaya ang kanilang mga kapatid? Hindi nila maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano.
Sa likuran ng gusali ng Departamento ng Agrikultura may napansin silang mga hinukay roon. Nakita rin nila ang mga palang ginamit na panghukay.
"Sa tingin mo, ano kaya ang mga nakalibing riyan?"
"Wag na nating alamin pa," sagot ni Felix sa dalaga. "Tiyak ko na naririto ang mga kapatid natin kanina bago pa man dumating rito ang mga sundalo," dugtong pa niya.
"Sana walang masamang nangyari sa kanila," napabuntong hininga ng malalim ang dalaga. Hindi na talaga niya alam ang gagawin.
"Pag-akyat ko kanina sa isang gusali may isang silid roon na hindi ko mabuksan. At ng silipin ko ang loob sa maliit na siwang ng bintana pansin kong doon marahil naglagi ang mga kapatid natin upang magtago dahil sa ayos ng buong paligid."
"Bakit hindi natin puntahan muli ang silid na sinasabi mo? Baka naroroon pa ang kapatid natin," suhestiyon ng dalaga.
Pinuntahan nga nila ang silid na sinabi niya. Pagkarating nila roon pilit na binubuksan ni Valerie ang pinto ngunit kahit anong gawin nito hindi nito ito mabuksan.
"Ako na ang magbubukas," wika niya. Binaril niya ng dalawang ulit ang doorknob.
Ang mga nasa loob naman ng sekretong silid lahat sila natakot ng marinig ang putok ng baril sa labas ng silid na kinaroroonan nila. Lahat sila ay hindi kumikilos mula sa kinauupunan. Iniiwasan ang makalikha ng anumang ingay.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Fiksi IlmiahIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...