Depopulation Agenda

131 14 0
                                    

ISANG pangyayaring hindi pa nasasaksihan ng buong mundo na sa isang iglap lamang ay magaganap. Ang maraming mga bansa ay walang nagawa sa ibig mangyari ng isang makapangyarihan bansa upang bawasan ang populasyon ng daigdig. May mga teknolohiya silang inimbento upang mapasunod ang mga tao. Sa umpisa iniisip nilang sa pamamagitan ng isang malawakang digmaan mababawasan ang bilang ng tao sa buong mundo. Sa digmaang ito maraming mga bansa ang sumali ngunit kalauna'y natigil rin dahil hindi naging maganda ang naging bunga nito sa kalikasan.

Namayani ang katahimikan ng ilang mga dekada. Sa mga digmaang naganap totoong nabawasan ng milyong-milyon ang populasyon ng mundo. Sa matagal na umiiral na kapayapaan muling lumubo ang bilang ng tao sa daigdig na halos umabot na sa walong bilyong katao. Taliwas ito sa una nilang kautusan na nakaukit pa sa isang napakalaking pader. Kailangang hindi lalagpas sa limang daang milyon ang bilang lamang ng mga taong nabubuhay sa mundo.

Sa panahon kung saan makabagong teknolohiya ang umiiral, madali na lamang upang maging kalikasan ay kontrolin. Sa pamamagitan ng isang makabagong uri ng teknolohiya, mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at iba pang uri ng sakuna ay sabay-sabay na pinakawalan sa iba't ibang dako ng daigdig.

Ngunit sadyang hindi pa rin ganoon karaming mga tao ang inaasahang mababawas sa bilyong populasyon ng daigdig. Kung kaya't isang sakit ang pinakawalan sa hangin na ngayo'y isa na ngang pandemiko. Patuloy itong kumikitil ng napakaraming mga buhay. Ngunit sadyang napakabagal pa rin ng prosesong ito kung kaya't isang bakuna ang inimbento. Isang nakamamatay na bakuna kung saan sapilitang nilalagyan nito ang mga tao. Mapa-bata man o matanda, wala silang pinipili. Sa pagsimula ng masamang hangarin ng mga nasa likod nito, magtagumpay kaya sila?

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, companies, events or locales is entirely coincidental.

No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHED BY LAW.

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon