HINDI naniniwala si James Zhuo na may katotohanan ang mga sinabi ni Klinx. Iniisip niyang nag-iimbento lamang ito ng kwento upang mapaniwala siya. Kahit paano ay wala pa rin siyang tiwala rito kahit dalawang ulit na siyang iniligtas nito. Hindi niya kilala ito.
Sandaling bumalik sa kanyang diwa ang mga sinabi nitong wala na ang kanyang ina. Alam niyang hindi totoo ang kanyang mga narinig. Nagsisinungaling lamang ito upang sumidhi ang kanyang galit na nararamdaman. Sa totoo lang ayaw naman talaga niyang patayin ang Kapitan. Dahil ito sana ang gagamitin niya upang makakuha ng impormasyon patungkol sa mga taong nasa likod ng lahat ng nangyayaring kaguluhan sa mundo. Gusto na niyang matapos ang bagay na ito upang hindi na madagdagan pa ang mga inosenteng namamatay. Kailangang may gawin na siya ngayon. Habang umiikot ang kamay ng orasan nadaragdagan ang mga namamatay. Hindi man nga sila namamatay sa bakuna, pinagbabaril naman sila ng mga sundalo.
"Sabihin mo sa akin Klinx! May magagawa pa ba tayo upang mapigilan sila?" sigaw niya rito. Ayaw na talaga niyang may makita pang mga nakahundasay na mga tao sa kalsada at mga nakabitin sa mga puno.
"Sa ngayon, hindi ko pa alam. Kailangan nating gumawa ng mabuting plano bago tayo kumilos. Marami ang bilang ng mga nagbabantay sa laboratory kung saan nila iniimbak at nililikha ang bakuna. Ito ang una nating pupunteryahin upang wala na silang makuhang supply ng bakuna na ituturok sa mga tao."
Hindi ito ang gusto niyang marinig rito. Ang gusto niyang malaman kung masasagip pa ba nila ang mga taong nalagyan na ng bakuna upang hindi tuluyang masira ang buong sistema ng utak nito na siyang punterya talaga ng bakuna. Kapag ang bakuna umepekto na sa utak ng isang tao mawawalan na ito ng kontrol sa sarili. Wala itong ibang iisipin kundi ang kunin ang sariling buhay.
Dati matagal bago maramdaman ng isang tao ang side effects ng bakuna. Ngunit dahil nagkaroon ulit sila ng second dose at booster shot dito na unti-unting pababagalin ang buong sistema ng katawan ng mga tumanggap nito. Ang third booster shot ang pinakadelikado sa lahat na siya ngang sapilitang itinuturok sa mga tao.
Bago pa man maisipan ng isang taong naturukan ng third booster ang kitilin ang sariling buhay marami muna siyang pagdaraanan na mga hallucinations. Nariyan ang makakakita sila ng mga iba't ibang uri ng mga nilalang na nakakatakot at mga demonyo. Hindi naman talaga iyon totoo. Isa din iyon sa paraan upang kitilin ng isang tao ang kanilang sariling buhay dahil sa hindi nila makayanan ang labis na takot. Ang iba kapag may pinagdaraanan iyon lagi ang pumapasok sa kanilang isip. Dahil sa bigat na kanilang nararamdaman maiisipan nilang magpakamatay. Ang ilan naman dahil sa labis na kalituhan ng isip na para bang iniisip nilang may papatay sa kanila na wala naman talaga. Magsisimula silang maghuremintado hanggang sa kumuha na sila ng patalim at doon nila pagsasaksakin ang lahat ng makita niyang tao.
Ito ang kasalukuyang nagaganap ngayon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Habang ang mga kasapi ng samahang nagplano nito ay nakaupo at nakatingin sa malaking screen na nasa harapan nila pinapanood ang mga nagaganap sa iba't ibang panig ng mundo.
"May magagawa pa ba tayong iligtas ang mga taong tinurukan nila?" pag-uulit niya. Dahil kung wala naman pala ititigil na lamang nila ito. At tulad ng mga nagaganap sa mga tao ngayon sa paligid nila mas mabuting kitilin na lamang nila ang sariling buhay kaysa ang makita nila ang mga senaryong iyon.
"Ikaw ang nalalabing pag-asa nila James Zhuo. Kaya hindi ko gustong makuha ka nila. Sa libu-libong mga katulad natin na denevelop nila sa teknolohiya upang maisilang tayo ikaw lang ang nag-iisang bukod tangi sa lahat. Nasa kamay mo ang kaligtasan nilang lahat, ang kaligtasan naming lahat. Kapag nakuha ka nila, wala na tayong magagawa kundi harapin ang bagong mundo na gusto nilang mangyari."
Nagugulahan siya sa mga sinabi ni Klinx. Walang pumapasok sa kanyang isipan alin man sa mga sinabi nito. Hindi niya ito maunawaan. Isang ordinaryong tao lamang, wala siyang kapangyarihan upang sagipin ang mga tao kagaya ng mga sinabi nito.
"Alam ko na nagugulahan ka ngunit hindi ito ang tamang oras upang ipaliwanag ko sa iyo ang lahat. Sa ngayon kailangan muna nating unahin na iligtas ang mga naiwan sa unibersidad na pinapasukan n'yo. Patungo na sila ngayon upang kunin ang nagngangalang Ana Liza. Kapag napasakamay na nila siya magiging katapusan na ng lahat ng mga taong nalagyan ng bakuna. Kapag nangyari iyon, bilyong tao ang mamamatay."
Isa pa ito sa nagpapagulo ngayon sa takbo ng kanyang isip. Anong kinalaman naman ni Ma'am Ana sa bagay na iyon? Isa lamang itong ordinaryong guro sa kanilang unibersidad. Ang kapatid nitong si Kimuri matagal na nagtago sa batas dahil sa pagsisiwalat nito noon ng katotohanan. Anong malaking papel na ginagampanan nito sa mga nangyayari ngayon sa mundo?
"Isa ba siya sa kakampi natin Klinx o ano?"
"Nasa panig natin siya. Pinapabantayan ka namin ni Kimuri sa kanya. Ngunit, ang hindi ko lang maintindihan ngayon kung bakit hindi ko na magawang makontak ngayon si Kimuri. May hindi ba magandang nangyari sa kanya?"
"Bakit mo ako tinatanong? Wala nga akong ideya sa mga pinagsasabi mo? Wala akong maintindihan alin man sa mga iyon. Ang mabuti pa umalis na tayo at kapag napuntahan na natin sila saka mo ipaliwanag sa akin ng mabuti ang lahat."
Parang gusto naman siyang batukan ni Klinx dahil marami na itong nasabi ni isa wala siyang maintindihan roon. Saan ba tumatakbo ang kanyang isip?
Samantala, nakita ng pangulo ang ginawa ni Klinx sa mga sundalong pinadala nito upang hanapin si James Zhuo. Kaya pala hindi ito natagpuan sa unibersidad na pinapasukan nito may malaki palang kinalaman rito si Klinx. Kung hindi dahil sa camera na ikinabit sa combat hat ng Kapitan hindi nila malalaman. Galit na galit ngayon ang pangulo dahil ang ilan sa mga denevelop nilang sanggol sa pamamagitan ng artificial na sinapupunan ng isang ina may malaki palang plano upang hindi matuloy ang kanilang agenda na matagal na nilang pinagplanuhan ng mabuti. Kailangan na nilang makuha ito sa lalong madaling panahon upang hindi masayang ang lahat na kanilang pinaghirapan.
Inutusan nito ang robot na sundalong kawangis ng tao na hanapin ang dalawa. Inutusan rin nito na patayin ang lahat ng mga taong tumutulong rito.
Ngunit lingid sa kaalaman ng pangulo may mga taingang nakikinig sa mga nagaganap na pag-uusap sa loob ng opisina nito. Ngunit nangangamba ito para sa kaligtasan nina Klinx dahil walang kamatayan ang robot na ito. Walang kahit anumang sandata ang maaaring makapuksa nito. Liban na lang sa Switch Kill na hindi niya alam kung saan nakatago ng pangulo. Ito ang kailangan niyang hanapin. Kailangan niyang magmadali at baka mas matindi pa ang gawin nito sa mga inosenteng tao na nakapaligid sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly
Ciencia FicciónIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...