Kabanata XV

33 6 0
                                    

"ALING AZUNTA, maghunusdili po kayo! Kami ito, mga kaibigan ng inyong anak," pagpapakalma ni Zindel sa Ginang.

"Ouch!!!" daing ni James Zhuo habang hawak ang kamay na sugatan. Pinipigilan nito ang pagdurugo ng sugat. Nilapitan naman siya ng kaibigan upang tingnan ang kanyang sugat. Malaki ang naging hiwa sa kanyang palad patungo sa may pulso. Agad na dinukot nito ang asul na panyo sa suot nitong pantalon at inilagay sa kanyang sugat.

Taranta naman si Aling Azunta na tumungo sa pinaglalagyan ng kanyang medical kit. Kinuha niya ang panlinis ng sugat at malinis na telang pangbenda.

"Ikaw kasi tol, hindi ka sumigaw na ikaw si James Zhuo," may himig pang pagbibiro ni Zindel. "Ako na ho Aling Azunta ang gagamot sa sugat niya," baling niya at sabay kuha ng dala nitong pang-first aid sa sugat.

"Dahan-dahanin mo naman," saway ni James Zhuo sa kaibigan dahil mas lalo lamang na kumirot ang sugat habang nililinisan ng kaibigan.

"Malayo pa iyan sa bituka," nakangising turan naman nito.

"Pasensiya na kayo, hindi ko naman sinasadya."

"Ayos lang naman ho itong kaibigan ko," sagot ni Zindel. "Takot lang talaga ito sa dugo," sabay pakawala nito ng malakas na pagtawa.

"Ikaw nga diyan sa pusa pa lang takot na takot ka na," ganti ring pang-aasar ni James Zhuo.

"Sshhh!" senenyasan sila na wag maingay ni Aling Azunta. "Baka andyan pa sila."

"Wala na ho sila. Nakaalis na sila," paniniyak ni Zindel.

Kilala sila ni Aling Azunta dahil madalas sila sa cafeteria namamalagi kasama ang anak nito na si Zendaya. Magkaminsan nga ay tinutulungan nila na magluto ito. Akala nga ni Zindel na hindi marunong magluto ang kaibigan niya ngunit ng matikman ito ng mga estudyanteng doon kumakain ay binabalik-balikan na ng mga ito.

"Ang anak ko kasama ba ninyo?" tanong nito. Mababakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Wag ho kayong mag-alala, ligtas po ang anak ninyo," sagot ni Zindel.

Kahit paano ay napawi ang matinding pag-aalala ni Aling Azunta para sa kaligtasan ng anak.

"Pwede ho bang makahingi ng mga pagkain rito sa inyo? Tiyak ko na kanina pa nagugutom ang iba naming mga kasama," wika ni James Zhuo matapos na mabendahan na ang kanyang sugat.

Tumango naman ito. Tinulungan pa nga sila nito na magdala ng pagkain. Ng kanilang buksan ang silid na kinaroroonan ng mga kasama himbing pa rin ang mga ito sa pagtulog na tila baga walang inaalala ang mga ito. Kung sina Zindel at James Zhuo lang sila baka dinadalaw na sila ng mga masasamang panaginip patungkol sa hindi magandang nangyayari sa kanilang pamilya.

Sinindihan ni Zindel ang ilaw na siyang nagpabalikwas ng bangon sa iba nilang kasama. Pupungas-pungas ang ilan sa kanila na bumangon mula sa kinahihigaan habang kinukusot ang mga mata. At ng makita kung ano ang dala nila nawala ang lahat ng antok sa buong katawan ng mga ito. Nagsilapitan ang mga ito sa kanila at kanya-kanyang kuha ng pagkain at nilantakan. Pihong gutom na gutom na nga ang mga ito.

Nilapitan naman ni Aling Azunta ang anak na walang kakilos-kilos mula sa kinauupunan. Nakatulala lamang ito sa kawalan.

"Zen, anak..." Nanginginig pa ang boses niya habang tinatawag ang pangalan ng anak.

Napaangat naman ng tingin si Zen ng marinig ang boses ng Ina.

"Ma?" Nakakunot ang noo na wika nito. Patakbo niyang nilapitan ang si Aling Azunta at niyakap ito ng mahigpit na sinuklian naman nito. Parehong napaiyak ang dalawa dahil sa labis na kasiyahan.

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon