Kabanata XXV

17 4 0
                                    

PAGKAPASOK ni Klinx sa lumang silid inisa-isa niya ang bawat likuran ng mga kabinet na pinaglalagyan ng mga lumang aklat. Hindi naman maunawaan ng mga kasama niya kung ano ang ginagawa at hinahanap niya.

"Tulungan n'yo ako hanapin natin ang lihim na silid na sinasabi ni Ana," utos niya sa mga ito na agad namang sumunod.

Sa paglapit ni Valerie sa dalawang huling kabinet na hindi pa nila nagagalaw natigilan sila ng makarinig ng ingay mula sa likod nito. Agad silang nagsilapit rito. Pigil ang paghingang inalis nila ang kabinet. At tumambad sa kanila ang isang tagong silid na kanilang hinahanap. Ngunit nakasara ito. Hinagilip naman ni Klinx ang susi na ibinigay sa kanya ni Ana sa kanyang military bag na dala.

Ang mga tao naman sa loob ng silid ay pawang nakakaramdam ng takot lalo na ng marinig nila mula sa labas na mayroon ng nakatuklas sa pinagtataguan nila. Mahigpit naman na niyakap ni Kenneth ang ibinigay sa kanya ni Ma'am Ana.

Pagkagulat at takot ang naging unang reaksiyon nila ng bumukas ang pinto. Ngunit nawala rin ang takot na kanilang nararamdaman ng makilala nila kung sino ang mga ito.

Agad naman na ibinigay ni Kenneth ang hawak niya kay Klinx dahil ito ang ibinilin sa kanya ni Ma'am Ana.

"Nasaan ni James Zhuo?" hanap ni Klinx ng hindi niya ito makita. "Siya lamang ang makapagbubukas nito."

Nagugulahan ang lahat sa kanyang mga sinabi.

Hindi nila napansin ang pagdating ni James Zhuo. Mabilis nitong inagaw ang switch code mula sa kanya.

"Ito ang kailangan nila kaya I ibibigay ko ang hinihingi nila kapalit ng buhay ni Zindel," wika nito na tila hindi nito alam kung ano ang sinasabi.

"Buhay si Zindel?" takang tanong ni Zen. Nagugulahan siya dahil ng iwanan nila ito hindi na ito humihinga.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" galit na tanong ni Klinx rito. "Kapag napasakamay nila ang bagay na iyan magiging katapusan na ng lahat."

"Wala akong pakialam kung mamatay man ang lahat na mga naturukan ng bakuna ang mahalaga sa akin ang mailigtas ko si Zindel!"

"Nababaliw ka na James Zhuo!" sigaw ni Tyronne sa binata. "Si Zindel lang ba ang mahalaga sa iyo? Paano ang pamilya mo, kami na mga kaibigan mo? Wala ba kaming halaga sa iyo! Paano kung isa lang itong patibong? Nakita naman natin hindi ba? Wala na si Zindel!"

Lumapit rito si Felix. "Hindi mo kailangang gawin ito James. Alam ko na masakit ang pagkawala ni Zindel ngunit wag kang maging makasarili. Ibinuwis ng kapatid ko ang buhay niya para sa iyo kaya wag mong sayangin ang pagsasakripisyo niya para lang sa iyo. Masakit din para sa akin ang pagkawala niya at nakikiusap ako sa iyo."

"Buhay siya! Hindi n'yo ba ako narinig?! Buhay si Zindel at kailangan ko siyang iligtas!"

"Enough Jz!" sigaw ni Zen. "Pinapa-ikot lang nila ang ulo mo para ibigay mo ang hinihingi nila! Alalahanin mong magaling sila sa teknolohiya kaya gagawin nila ang mga bagay na napaka-impossible! Kaya pag-isipan mo ang gagawin mo. Kung ibibigay mo ang switch code sa kanila parang ikaw na rin ang pumatay sa lahat ng mga taong naturukan nila ng bakuna."

"Kung hindi ka na talaga namin mapipigilan sa bagay na gusto mong mangyari wala na akong magagawa. Wala na rin naman ng saysay ang pagnanais ko na protektahan kita." Tumalikod na si Klinx upang iwanan na sila.
Wala na rin naman itong magagawa kung iyon ang nais niya.

Binitawan niya ang pinaglalagyan ng switch code at hinabol palabas si Klinx. Ngunit paglabas niya ng silid wala na ito. Kaya tinakbo niya ang hagdan paibaba at nakita niya ito roon.

"Sandali!" pigil niya rito. Tumigil naman ito at nilingon siya.

At ng makalapit siya isang mahigpit na yakap ang ginawa niya para rito. Hindi niya mapigilan ang umiyak habang yakap ito.

"Sorry..." paulit-ulit niyang wika rito.

"Hindi mo kailangan mag-sorry James." Patuloy nitong hinahaplos ang kanyang likuran. "Alam ko na mahalaga sa iyo si Zindel kaya hindi na kita pipigilan sa bagay na gusto mong gawin."

"Mahalaga ka rin sa akin Klinx kaya natatakot ako sa maaari nilang gawin sa iyo. Kailangan ko itong gawin hindi para mailigtas si Zindel dahil alam kong hindi naman talaga siya iyon. Ikaw ang kailangan kong iligtas dahil anumang oras ay maaari ka nilang patayin. Nawala na sa akin si Zindel kaya hindi ako papayag na mawala ka rin sa akin," pag-aamin niya.

Nanatili lamang na nakatitig si Klinx sa kanya. Hindi nito maintindihan kung ano ang nararamdaman nito. Sa una ng malaman nitong ang binatang nasa harapan niya ang itinadhana sa kanya ng lumikha sa kanila labis siyang tumutol. Hindi siya sang-ayon sa gusto ng mga ito. Ngunit ng makilala niya ito sa una nilang pagkikita parang nagbago ang lahat. Parang kinain niya ang lahat ng kanyang mga sinabi noon. Alam niyang kalokohan talaga ang makipagrelasyon sa kapwa mo kasarian. Ngunit iba ang tama ni James Zhuo sa kanya. Ngunit kailangan niyang pigilan kung ano man ang nararamdaman niya. Hindi ito ang oras para sa bagay na iyon. Mas may kailangan silang unahin kaysa sa pagmamahal na nararamdaman niya.

Pinayagan niyang iligtas si Zindel kahit hindi niya sigurado na ito nga ang nasa larawan na ipinadala ni Jack Russell. Tulad  ni James Zhuo hindi rin siya naniniwala na totoong patay na nga si Zindel.

Kahit tutol man ang lahat sa gustong gawin ni James Zhuo wala rin namang magagawa ang mga ito para pigilan ang binata.

Hinatid ito ni Klinx sa laboratoryo ngunit hindi siya nagpakita sa mga sundalo ni Jack Russell. Kapag nakita siya ng mga ito tiyak na maging siya dadalhin upang iharap dito.

Nagkaroon na rin ng malay si Kimuri. Ngunit ayaw muna nilang sabihin rito ang nangyari sa kapatid nito at baka lalo pa itong ikasama ng kalagayan nito.

Bumalik na rin sina Valerie, Michael at kapatid nito sa bayan ng Polangui. Walang nagawa ang mga ito sa naging desisyon ni James Zhuo. Ayaw naman nitong papigil sa nais na gawin kaya hinayaan na lamang nila ito.

Pagkarating ng bahay ng Lolo at Lola ni Valerie agad niyang hinanap ang kanyang ina ng hindi niya ito makita. Ang lahat ay natahimik. Lumapit sa kanya ang kanyang ama.

"Wala na ang mama mo, iniwan na nila tayo," hindi niya mapigilan ang pagragasa ng mga luha sa nalaman. Hindi man niya ito nayakap at nakita bago man ito nawala. Sobrang sakit para sa kanya na wala na ang kanyang pinakamamahal na ina. Ngunit kahit masakit man kailangan niyang magpatuloy.

"Dad, hindi ba tayo babalik ng Legazpi?" tanong niya sa kanyang ama dahil lagi niyang naiisip ang kanyang kapatid.

"Ano pa bang babalikan natin roon? Hindi na rin naman natin makikita pa ang kapatid mo," malungkot na wika nito sa kanya.

Kahit hindi totoong anak ni Michael si James Zhuo napamahal na ito ng lubos sa kanya. Kaya masakit para sa kanya ang naging desisyon nito. Siya ang nagpalaki at nag-alaga rito magmula ng ibigay ito sa kanila noong sanggol pa lamang ito ng isang Australyanong Scientist na kaibigan niya. Maingat nila itong itinago dahil ayon na rin sa kaibigan niya kapag napasakamay ng mga masamang tao ang bata magiging katapusan na ng sangkatauhan. Noon pa man talaga ay dapat nag-depopulate na sila ng mga tao. Ngunit dahil hindi nila hawak ang magiging susi upang maisakatuparan nila ang kanilang plano wala silang nagawa kundi ang humanap ng ibang paraan kung paano dahan-dahang pupuksain ang sangkatauhan.

"Akala ko ba dad alam mo ang naging plano nina Klinx?"

Gulat na napatayo mula sa kinauupunang kawayang upuan si Michael. "Bakit hindi mo sinabi agad na mayroon pala silang planong ginawa?" Agad rin itong nagtungo sa pinagtataguan ng baril. "Ano pang hinihintay mo? Umalis na tayo."

Napangiti na lamang si Valerie dahil sa tinuran ng kanyang ama.

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon