KION (POV)
Hindi parin lubosang nag sink in sa isip ko ang mga sinabi ng babaeng mahimbing ngayong natutulog sa hospital bed. Inaamin kong sukdulan ang Galit ko sa kanya, ngunit kahit pilit ko man syang kinakalimutan at inaalis sa sestima ko. Sya parin at s'ya parin ang sinisigaw ng puso ko.
Hinaplos ko ang pisngi nito kung saan ang malaking pilat na gawa sa pagkasunog. What happened moonlight.? Tanong ko sa isip habang hindi tumitigil sa paghaplos sa pisngi nya.
"K-kianna! B-baby! Nooo, please wag mong iwan si m-mommy please."!
"Fuck! Hey! Calm down Briella."
Marahan ko itong niyugyug ngunit Hindi parin ito nagigising. Tigmak ng luha ang mga mata nito kahit nakapikit at naliligo din ito ng pawis.
"What happened singko."?
Nilingon ko si tres, na nakasuot ng lab coat.
"I don't know, I think she had a bad dream." Sagot ko kay tres, nilapitan nito si Brielle at tinupukan ng pampakalma, kaya agad itong kumalma.
"Here."
Kumunot ang noo ko sa inabot na envelope ni leader. Kasama itong pumasok ni tres ngayon lang.
"Kung hindi n'yo lang sana pinapairal ang mga Galit nyo. Sana hindi n'yo nasasaktan ang mga babaeng mahal nyo.! Wala kayong pinag iba ni Montenegro." Malamig na saad nito at tinalikuran ako.
Napatiim ang bagang ko, at tumingin sa envelope na inabot nito.
Bubuksan ko na sana ito, kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng hindi tiningnan ang caller. Mas lalong tumiim ang bagang ko ng marinig ang boses ng tumatawag.
"Where are you babe hmm.? Bakit Wala ka dito sa penthouse mo, at Hindi ka rin da,-'
Hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita at agad pinatay ang tawag. Fucking slut! Kung umasta ito akala mo ay may relasyon kami.
Napatingin ako kay Brielle ng gumalaw ito, nakita ko ang tattoo nya malapit sa pulso. Kaya hinawakan ko ang kamay nya at marahang hinaplos ang tattoo nya. Dahil sa tattoo'ng ito kaya nakikilala ko agad sya noong nagkabanggaan kami sa loob ng bar ko. Hindi nito alam pero simula ng araw na yon ay minamanmanan ko na ang mga kilos nya kaya madali kong nakompirma na sya nga ang babaeng ilang taon ko ng hinahanap.
Napatingin ulit ako sa envelope na binigay ni leader. Kaya kinuha ko ito at tiningnan ang loob. Kumunot ang noo ko dahil mga picture at papel pala ang laman nito.
Una kong tiningnan ang mga picture. At Biglang nanlamig ang buong katawan ko, dahil totoo nga ang sinabi ni Briella na sa tulay sila nakatira. Kumuyom ang mga kamao ko ng makita ko ang pangalawang picture, may tulak-tulak itong kariton na may mga plastic at at ang isang Bata na nakasakay din sa kariton.
Napakurap ako ng ilang beses kasabay ng panginginig ng buong katawan ko ng makita ko ang pangatlong picture. Para akong nakatingin sa salamin ng masalubong ko ang mga mata ng batang babae nasa picture. She looks like me, no I mean para kaming pinagbiyak na bunga.
Biglang naging blurd ang paningin ko dahil sa pag tubig ng aking mga mata. At hindi ko na napigilan ang pagkahulog ng mga luha ng makita ang pang apat na picture. Nakaupo silang tatlo Kasama ang Isang bata sa isang papag, habang kumakain sa isang plato at walang ulam.
Sinuntok ko ng ilang beses ang dibdib ko dahil sa sakit na lumukob dito. Isa akong halimaw sa bakbakan at kilalang pinakamagaling na detective. Pero wala akong ginawa dahil puro Galit ang pinairal ko.
Kinuha ko ang mga papel, at mas lalo akong kinain ng pighati ng mabasa ang laman ng mga papel. Ito ang mga medical record ni Briella noong manganak sya, at ang medical kung saan nya nakuha ang pagkasunog ng Mukha.
"Ahh...!!!! Malakas na sigaw ko at pinagsusuntok ang sarili. Isa akong malaking duwag!! Isa akong duwag! Malaking duwag.! Hindi ko tinigilan ang sarili ko sa pagsuntok. Napatigil lang ako ng may magaang kamay na pumigil sa kamay ko.
"S-stop it K-kion."
Walang pag alinlangan at agad akong tumayo at yumakap sa babaeng pumigil sa mga kamay ko. Sumubsob Ako sa leeg nito at parang bata na ngayon lang Nakita ang ina.
"I'm v-very very sorry m-moonlight, p-patawarin mo ako love.! P-patawarin mo ako dahil w-wala man lang a-akong ginawa para a-alamin ang lahat.! Patawarin mo ako."!
"H-hindi na m-mahalaga yon Kion, ang m-mahalaga ngayon ay m-mahanap natin ang a-anak n-natin."
Lumayo ako sa kanya ng ilang dangkal, at wala akong pakialam kung Nakita nito ang mga luha ko.
"Tell me everything briell, sabihin mo lahat kung sino ang may pakana nito. Lalong lalo na sa pagkawala ng anak natin." Malamig at walang mababakas sa saad ko. Magtago na ang gumawa nito sa pamilya ko, dahil hindi ko sila titigilan hanggat hindi ko sila nabubura sa mundong ito.
_____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
Roman d'amourGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...