GABRIELLA (POV)
"Are you okay mommy? You look not feeling well."
Ginulo ko ang buhok ni Kianna, at pinugpog ito ng halik. Subrang cute talaga kase nito kapag nakasimangot eh.
"I'm okay baby, mommy is a strong woman. Kaya you don't need to worry okay." Malambing na saad ko. Medyo mabigat nga ang pakiramdam ko, dahil siguro ito sa sugat na natamo ko kagabi. Pero keri naman, walang Lugar sa katawan ko ang sakit dahil may binubuhay akong dalawang anghel.
"Ang bilin ni mommy okay! Don't talk to strangers. And wag kayong lalabas ng bahay at wag pagbubuksan kapag may kumatok, maliban kay ate norma hmm." Pagbibilin ko sa dalawa.
"Okay ka lang po ba talaga ate,? Kase namumutla ka."? Tintin said, kaya tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Okay lang ako tin! Hindi lang siguro sanay ang katawan ko na magpuyat." Pagsisinungaling ko dahil ayaw kong mag alala sila sa akin.
"Ang bilin ni ate okay, Ikaw na muna ulit ang bahala sa makulit na 'to hmm." Saad ko kay Tintin at pariho silang hinalikan sa pisngi.
"I'll go ahead na babies dahil malilate na akitss." Saad ko at sinuot ang sling bag na subrang imported kaya muntik ng manakaw kagabi.
"Ingat palagi atee."! Tintin said.
"Take care always mommy!! I love you so much."! Kianna said kaya napangiti ako.
"I love you more babies."! Huling wika ko at tuluyang lumabas ng gate.
Habang naglalakad palaisipan parin sa akin ang pagkikita namin ni kion kagabi sa bar. Dahil sa mga sinabi nito kagabi ay nagpapatunay lang na sya Ang may-ari ng bar na pinapasukan ko. Pero kung ganun! Bakit moonlight ang ipingalan nya dito.?
Heshhh iwan! Kung sya man talaga ang may-ari ng bar na yun ay gagawin ko nalang ang lahat para iwasan sya. Kase kung mag reresign ako, mahihirapan na naman akong maghanap ng trabaho. Isa pa hindi din naman nya ako makikilala dahil nakabalot ang kalahating mukha ko. At alam ko din namang wala na akong puwang sa puso nya at tanging galit nalang ang namumutawi dito, dahil alam kong binigay ng mag tyuhin ang papel na pinasulatan nila sa akin ng araw na yun, bago nila ako tinapon sa ilog.
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko at tumingala sa kalangitan. "Mom! Dad! I know you always watching me there.! Please guide me always mom! Dad! Because I'm so tired, I'm really tired of everything." Piping bulong ko habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa akin dahil kong maibsan ang sakit na nararamdaman ng dibdib ko.
_____
Pagdating ko sa moonlight Bar ay agad kong sinimulan ang trabaho. Wala pa sina ate Betty at ate Locel, kaya uunahan ko nalang sila sa paghuhugas ng sa ganun makapag pahinga ako ng kunti. Dahil subrang bigat talaga ng pakiramdam ko at feeling ko lalagnatin din ako.
Halos magdadalawang Oras akong natapos sa paghuhugas, kaya umupo Muna ako dahil nangangalay narin ang mga paa ko. Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag alas 7 ng gabi, at mukhang hindi papasok ang dalawa dahil anong Oras na at wala pa sila.
Pumasok ulit ang tatlong waiter dito sa loob ng kusina na may dalang maraming hugasin kaya agad akong tumayo. Ngunit napahawak ako sa backrest ng upoan ng bigla nalang nandilim ang paningin ko.
"Okay ka lang ba."?
Pinilig ko ng ilang beses ang aking ulo at tumango sa waiter na nagtanong sa akin.
"Okay lang ako." Saad ko at nginitian ito ng tipid kahit hindi nito kita ang labi ko.
Lumapit ako sa lababo ng makaalis na ang mga server at nagsimula ulit maghugas. Ano kaya ang nangyari kina ate Locel at ate Betty,? Bakit kaya hindi sila pumasok.
Habang umiikot ang Oras ay mas lalong dumadami ang hugasin. Kaya mas binilisan ko ang kilos ko kahit kanina pa gustong bumagsak ang katawan ko. Inaantok narin ako kaya palagi kong pinipilig ang aking ulo.
"Miss! Sabi ng manager, pagkatapos mo daw dito ay linisin mo ang ladies room."
Natulala ako sa sinabi ng waiter na kalalagay lang ng mga dalang baso sa lababo.
"Ah-m teka! Hindi ko trabaho ang mag linis ng mga Cr, dishwasher po ako dito, baka nagkakamali lang po kayo." Mahinhin na reklamo ko dahil baka nagkamali lang ito.
Tinaasan ako nito ng kilay pagkatapos ay tiningnan ng head to toe. Kaya napaayos ako ng tayo.
"Diba ikaw si Ella the dishwasher and the scarf girl.! Wala namang ibang naka scarf dito at tagahugas kaya imposebling hindi ikaw ang tinutukoy ni ma'am Julie." Maangas na saad nito bago ako tinalikuran, kaya wala na akong nagawa at tumitig nalang sa pintong nilabasan nito.
Bakit kaya ako ang naatasan na mag linis sa ladies room.? Ang alam ko kase may naka tuka doon.
Napatingin ako sa orasan at 30 minutes nalang ay mag aalas 12 na. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Wala din Naman akong karapatang mag reklamo.
Pagkatapos kong hugasan lahat ng nasa lababo, ay agad kong tinutungo ang ladies room. Sa may hallway papuntang exit na ako dumaan para hindi ko na madaanan ang mga nagsasayawan sa dance floor. At Isa pa dito naman talaga dumadaan sa exit ang janitress na naglilinis doon sa ladies room.
Pagdating ko sa loob, napatakip ako sa aking mga tenga dahil sa malakas na ungol na naririnig ko sa loob ng cubicle. Hindi na ako enosente sa bagay na ginagawa ng mga taong nasa loob, kase may anak na ako. Pero iba pala talaga kapag naririnig mo ito sa iba.
Nakita ko ang apat na babae na nag reretouch kaya sa kabilang dako nalang ako nagsimula. At mukhang baliwala lang din naman sa kanila ang malakas na ungol na namumutawi sa buong ladies room kahit malakas ang sounds music sa labas.
At habang naglilinis dinig na dinig ko ang usapan ng mga ito kaya napatigil ako sa sinabi ng Isang babae.
"Hayst! Ang swerte talaga ni Clarisse kapag pinakasalan sya sa Isa sa pinakasikat at billionaryo dito sa pilipinas."
Hindi ko alam kong sinong tinutukoy nila, pero bigla nalang akong nanlamig sa narinig.
Bumukas ang kabilang cubicle at lumabas ang Isang babae't lalaki na inaayos ang kanilang damit. Agad akong umiwas ng tumingin sa akin ang lalaki.
Sana hindi iisa ang Clarisse na sinasabi ng apat na babae at ang Kilala kong Clarisse.
____&&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomanceGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...