GABRIELLA (POV)
"Walang hiya kaa!! Wala kang karapatan para kunin sa akin ang kompanyang iniwan sa akin ng kapatid ko."!!
Tinaasan ko ng kilay si Marvin Montalban ng bigla itong pumasok dito sa meeting place ng Montalban corporation. Katatapos lang akong e halal ng mga board of directors bilang bagong CEO sa kompanyang pag-aari ko naman talaga.
"Nabibingi ba Ako? O talagang narinig ko ang sinabi mong iniwan ng kapatid mo sayo ang kompanyang ito. Are you dreaming Montalban oh I mean Tito Marvin.! Baka gusto mong isa-isahin ko ang ginawa nyo sa akin para lang makuha ang lahat ng mga ipinundar ni daddy at mommy.! And what did you say? Kapatid? May kapatid bang katulad mo na kayang ipahamak ang sariling kadugo dahil lang sa pera huh."!!?
Bigla itong namutla sa sinabi ko. Nagsisimula palang ako Tito Marvin! Dahil pagkatapos nito pupulutin kayo ng anak mo sa rihas na bakal. Saad ng isip ko.
"Lumayas kana dito! Tito Marvin bago pa kita ipakaladkad sa mga guard. Hindi mo na pag-aari ang building na'to. O I mean hindi mo naman talaga pag-aari ito dahil ni singkong duling Wala ka namang naiambag dito." Malamig na saad ko.
"Magbabayad ka Gabriella! Tandaan mo iyan.! Hindi pa tayo tapos."!!! Sigaw nito bago padabog na umalis.
Napabuntong hininga ako at napailing. Sisimulan ko muna ang pagpapalit ng pangalan ng building na'to bago ko sisimulang palaguin ulit. Dahil Isang pitik nalang mawawala na Ang mga business na ipinundar ni daddy sa larangan ng business industry. Dahil sa kagagawan ng mga Montalban.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng makita ko ang pangalan ng tumatawag.
"Yes Kaye."?
"Wag ka munang lumabas ng building Ella! Dahil napaka raming reporters sa labas ng Montalban corporation. Dahil kalat na kalat na sa lahat ng tabloid at social media ang nangyari sa inyo ni Clarisse sa ZMS building."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kaye. Binaba na nito ang tawag kaya pabagsak akong umupo sa swivel chair dito sa meeting place dahil pinapaayos ko pa ang magiging opesina ko.
Binuksan ko ang aking Instagram gamit ang cellphone ko. Napailing ako at napangisi dahil puro pang babush lang sa akin ang nakikita ko at mga negative comments. Siguro kong ako parin ang dating Gabriella malamang kanina pa ako umiyak.
Nag pop up ang message ni Kaye kaya agad ko itong binuksan.
"Look at the news Ella."
Kumunot ang noo ko sa messages ni Kaye. Pero tumayo parin ako at binuksan ang TV.
"Totoo bang ang Isang sikat na business woman sa ibang bansa na si Gabriella Wilson ay kabit ng Isang sikat na billionaryo na si Kion McDavid. Kitang-kita sa kumakalat na video ngayon sa social media ang pagsabunot ni Clarisse kay Gabriella Wilson sa loob mismo ng ZMS studio building. Binatikos at pinagsalitaan ng masama si Gabriella Wilson ng mga netizen dahil sa pagiging kabit nito at pagiging mang-aagaw."
Pinatay ko ang TV at bumuntong hininga. Ako pa ngayon ang mang aagaw Clarisse huh! Subrang kapal talaga ng pagmumukha mo. Sing kapal ng kalandian mo.!
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng makita ko ang caller.
"Hmm." Tipid na sagot ko.
"Are you okay moonlight."?
"Ayaw kong umabot ang balita sa anak natin Kion. Natatakot ako na baka anong isip,'-
"Don't worry moonlight! Burado na Ang video. Pumunta ka nalang sa rooftop ng Montalban building dahil may naghihintay na helicopter doon para sunduin ka." Seryusong wika ng nasa kabilang linya kaya agad akong tumayo para pumunta sa rooftop.
"Hintayin mo nalang ako sa penthouse ko moonlight. Dahil aayusin ko muna ang lahat lalong lalo na ang divorce namin ni Clarisse. Don't worry about me hmm, I love you so much moonlight." Huling wika nito at pinatay ang tawag.
Pagdating ko sa rooftop ay agad akong inalalayan ng Isang taohan ni Kion para makapasok sa helicopter. At ilang minuto lang ang byahe ay agad naming narating ang rooftop ng building kung saan ang penthouse ni Kion.
Nang makababa ako sa helicopter ay inalalayan ako ng apat sa mga taohan ni Kion papunta sa penthouse nya. At nang makapasok ako pabagsak akong umupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko para tawagan ang anak ko.
At pagkatapos kong makausap ang anak ko. Lakad paroon at parito ang ginawa ko. Ngayon ko pa kase nararamdaman ang kaba para sa kahihinatnan ng lahat ng ito.
Napabuntong hininga ako at humiga sa sofa. At dahil sa dami ng iniisip, bigla akong nilamon ng antok.
Nagising lang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Kaya agad kong minulat ang aking mga mata. Nasalubong ko ang malamlam na mga mata ni Kion kaya agad akong bumangon at umupo.
"Ayos ka lang ba? Kumain kana ba."? Malambing na tanong ko. Ngumiti ito ng tipid sa akin at biglang yuamakap sa beywang ko at sumubsob sa aking tiyan.
"Kunti nalang moonlight at matatapos na lahat ng kasamaan ng mag amang Montalban." Pagod na saad nito habang nasa tiyan ko.
"Napirmahan na ni Clarisse ang divorce paper namin. Dahil sa pang bablackmail ko sa kanya, na ipapakita ko sa buong mundo ang sex video nya. Laking pagkakamali lang nya at naniwala syang hindi ko ipapakita sa lahat ang video nya pagkatapos nyang pumirma. Hindi ako titigil moonlight hanggat hindi pupulutin sa kangkongan ang gumawa nito sa pamilya ko. Sana matagal na tayong kasal at bumubuo ng malaking pamilya. Ngunit dahil sa ginawa nilang kahayopan sayo naging complikado lahat.! Kaya Oras na para maningil gamit ang dahas."
Napabuntong hininga ako at sinuklay ang buhok nito. Kion is a man with a one word. Kaya wala na akong magagawa sa disisyon nito o kung ano man ang Plano nito sa mag amang Montalban.
_____&&&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomanceGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...