part 5

1.6K 58 6
                                    



GABRIELLA (POV)




Alas 4 na ng hapon pero nandito parin ako sa Moonlight bar. At alam kong nag aalala na ang dalawang bata sa akin ngayon. Hindi kase ako pinuwi ni ma'am Julie ang baklang nagpapasok sa akin dito. Dahil tambak talaga ang hugasin at bibigyan nalang daw nya ako ng bunos mamaya.

4pm to 12am ang pasok ko. Kaya kahit mahirap para sa akin ang pasok ng trabaho ko ay kakayanin ko. Dahil Malaki naman ang sahod dito. 6,000 a week at may bunus pa. Maghahanap nalang ako ng murang apartment para mailipat ko ng mas maayos na tahanan ang dalawang bata.

Laking pasasalamat ko nalang ng pinakita ko kay madam Julia ang istsura ko, at hindi nito pinintasan ang mukha ko, bagkus ay naawa pa ito sa kalagayan ko. Kaya sinabi nitong ibibigay nya daw sa akin bukas ang mga magagandang scarf nya na hindi na nya ginagamit.

Nakasuot ako ngayon ng uniform pang dishwasher. Isang puting polo shirts at itim na ladies slack at itim na Efron. Lahat kase ng trabahante sa bar na ito ay may kanya-kanyang uniform depende sa trabaho mo.

Kanina pa ngangalay ang mga paa ko dahil kanina pa ako nakatayo dahil subrang dami talaga ng hugasin. Tatlo Naman daw ang dishwasher dito kaso hindi pumasok ang Isa kaya dalawa lang kami ng babaeng nasa mid 40's na ang edad. Hindi ito umiimik at parang palaging may malalim na iniisip.

"Oh Ella! Pagkatapos mo dyan pwede ka ng umuwi.! At bago ka lumabas ng bar puntahan mo muna ako sa opesina ko." Ma'am Julie said, na bigla nalang pumasok dito sa kusina.

"Opo ma'am." Malumanay na sagot ko. Thanks God makakauwi narin ako. Mas binilisan ko ang kilos at halos mag Isang Oras din bago ako natapos.

"Mauna na po ako ate."! Paalam ko sa ginang na kasama ko. Agad naman itong tumingin sa akin at ngumiti ng tipid bago tumango.

Patakbo kong tinungo ang opesina ni ma'am Julie. Medyo maingay narin ang paligid dahil nagsimula ng tumugtog ang disco music.

Nang marating ko ang labas ng office ni ma'am Julie ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Agad naman itong sumagot kaya pinihit ko agad ang pinto at pumasok.

"Uuwi na po ako ma'am Julie." Mahinhin na wika ko.

"Here! Bunos mo yan para sa araw na'to." Saad nito at inabot sa akin ang Isang subre.

"Maraming salamat po ma'am Julie." Nakangiting saad ko at kinuha ang inabot nito. "Uuwi na po ako ma'am." Dugtong ko.

"Okay Brielle! Bukas ulit." Saad nito at tinanguan ako. Yumuko muna ako kay ma'am Julie bago dali-daling lumabas sa opesina nya. I need to go home immediately. Alam ko kaseng subrang nag aalala na ang dalawang bata sa akin.

Dahil sa subrang pagmamadali hindi ko nakita ang lalaking kasalubong ko. Kaya nagtama ang mga braso namin, napapikit pa ako dahil pumasok sa ilong ko ang mamahaling pabango.

"I'm sorry." Mahinhin na saad ko ng hindi lumingon sa nakabanggaan ko.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng magsalita ito.

"It's that a proper way to say sorry woman." Malamig at walang buhay na saad nito.

Napabuntong hininga nalang ako, bago hinarap ito ng nakayuko.

"I'm really sorry sir." Ulit ko at agad itong tinalikuran ng hindi tumitingin sa mukha nito. Kailangan ko na talagang makauwi eh.

Pagkalabas ko ng bar, kumuha muna ako ng pera sa subreng binigay ni ma'am Julie. Bibili muna ako ng lechon manok para sa dalawang bata. Pagkatapos ay mag tataxi nalang ako para mas madali.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang laman ng subreng binigay ni ma'am Julie sa akin. Dyos ko! Ba't ang laki. Five thousand para sa Isang araw na trabaho lang. Eh samantalang mag hapon na kaming nangangalakal nasa three hundred lang ang kikitain Namin. Dyos ko! Maraming salamat po dito. Malaking tulong na ito para makahanap ako ng maliit na apartment. Bukas na bukas din ay maghahanap agad ako. Para mailipat ko na ng maayos na tirahan ang dalawang bata.

Nilakad ko lang papunta sa bilihan ng nagtitinda ng lechon manok. Malapit lang kase ito. At nang makabili ako ay agad akong pumara ng taxi. Mabuti nalang ay may huminto agad.

"Sa may lumang tulay po kuya sa Roxas." Saad ko sa matandang driver ng makapasok ako sa loob.

"Gabi na ining! Bakit naka scarf ka pa Rin? Hindi kaba naiinitan."?

"Ah-m! Giniginaw po kase ako manong eh." Sagot at pilit ngumiti sa kanya.

Hindi na ito sumagot kaya laking pasasalamat ko. Alam kong umiiyak na ngayon si Kianna, dahil gabi na at Wala pa ako.

Ilang minuto lang at tanaw ko na ang tulay. "Dito na lang po manong." Saad ko. Agad naman itong huminto kaya inabot ko ang pamasahe ko. "Maraming salamat po." Wika ko at agad bumaba.

Lakad takbo ang ginawa ko ng makita ko ang dalawang bata sa taas ng tulay. Agad nangilid ang luha ko ng makita kong inaalo ni Tintin si Kianna.

"Atee."! Malakas na saad ni Tintin ng makita ako nito. Sabay pa silang tumakbo papunta sa akin kaya sinalubong ko agad sila.

"M-mommy."!

"Shh! Don't cry na please, Sige ka mahihirapan kana namang huminga nyan." Malambing na saad ko at pigil na pigil ding pumiyok. Hindi ko kase kayang nakikitang umiiyak si Kia dahil nasasaktan ako.

"I'm so s-scared m-mommy! I'm s-scared dahil baka s-sinaktan kana ng mga s-salbahing tao." Humihikbing saad ng anak ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Bakit ang tagal mo atee, kanina pa kami hindi mapalagay ni Kia dahil baka ano ng ginawa ng mga salbahing tao sayo." Tintin said. Ngumiti ako ng matamis kay Tintin at pinakita ang dala ko.

"I have a good news babies,! natanggap ako sa trabaho tin. At kaya hindi ako naka-uwi agad dahil pina-umpisa agad ako kanina. At ang good news ko ay makaka-alis na tayo sa lugar na'to! Dahil bukas na bukas din ay hahanap ako ng matitirhan natin sa syudad." Masayang saad ko sa dalawa. Nakita ko ang pagningning ng mga mata nila dahil sa saya kaya mas lalo akong napangiti.

"Talaga atee! Makakaalis narin tayo dito." Tintin said at niyakap ako ng mahigpit.

"Yes tin! Kaya halina kayo! Ng matikman nyo na ang dala kong lechon manok." Nakangiting saad ko.

____&

Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon