part 6

1.5K 59 3
                                    

GABRIELLA (POV)



Madaling araw pa lang ay gising na ako. Tapos na akong mag igib ng tubig at nakapagluto narin ako ng almusal at para narin sa tanghalian ng dalawang bata. Baka kase matagalan ako sa paghahanap ng apartment eh.

"Tin! Ikaw na muna ulit ang bahala kay Kianna huh. Baka kase matagalan ako sa paghahanap ng apartment na lilipatan natin eh." Mahinhin na saad ko kay Tintin na nakatingin sa akin habang inaayos ko ang scarf sa Mukha ko. Tulog pa kase si Kianna eh, at hindi ko nalang ito gigisingin.

"Opo ate, mag iingat ka po lagi haa." Tintin said. Kaya nginitian ko ito ng matamis.

"Palagi naman akong nag-iingat tin eh,! Kase hindi ako pwedeng malagay sa kapahamakan dahil may dalawang anghel pang naghihintay sa akin." Nakangiting saad ko kay Tintin at ginulo ang buhok nya.

"Subrang napakabait mo ate.! Pero hindi ko alam kong bakit ginawa nila 'to sayo." Nanggigil na saad ng bata kaya natawa ako at mas ginulo ang buhok nito.

"Maiintindihan mo rin pag laki mo tin hmm. Kaya mauna na ako sayo para Maka-uwi agad ako." Saad ko at sinuot ang lumang sling bag ko na napulot pa namin sa pamamasura.

"Una na ako tin hmm.! Kumain nalang kayo ni Kianna pag nagising sya. Pero kung nagugutom kana mauna ka nalang hmm." Saad ko bago naglakad paakyat sa taas ng tulay.

"Ingat ka ateee haa." Pahabol na sigaw ni Tintin. Kaya kumaway ako sa kanya.

Kailangang makalapit na kaagad kami ngayong araw para matahimik na ang kalooban ko tuwing papasok ako sa trabaho dahil may maayos na natirahan ang anak ko at si Tintin.

Habang naglalakad nadaanan ko na naman ang mga aling palaging namimintas sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin dahil baka matubuan ako ng sungay at masupalpal ko pa sila sa pagiging pantasira nila. Akala mo naman kase kung gaano sila ka perfect eh.

"Sa metro ba ang punta mo Ella! Halikana! Sumabay kana lang." Sigaw ni mang Pachito sa akin.

Hindi na ako nag alinlangan pa at agad sumakay sa bandang likod ng tricycle nya dahil may naka-upo nang lalaki sa unahan.

Habang nasa byahe, ramdam kong may nakatingin sa akin. Babaliwalain ko na sana ito kase baka guni-guni ko lang. Kaso napadaan ang mga mata ko sa review mirror ng tricycle ni mang Pachito at nasalubong ko ang mga mata ng lalaki na mariing nakatitig sa akin. Hindi ko makita ang buong mukha nito dahil nakasuot ito ng itim na sumbrero at mask, tanging mata lang ang makikita nito.

Agad akong umiwas ng tingin ng biglang dinagsa ng kaba ang dibdib ko. Naikiyom ko rin ang mga kamay ko ng maramdaman ko ang panginginig nito sa hindi ko malamang dahilan.

"Nakita mo ba ang inahanap mong tao sa baranggay namin iho."? Tanong ni mang Pachito sa lalaki kaya kinain ng takot ang buong sestima ko.

"Yes, I found her." The man coldly said at ramdam ko parin ang nanunusok na titig nito sa review mirror.

Hindi kaya taohan ito ng tyohin ko at ng pinsan ko.

Umabot ng kalahating Oras ng marating namin ang metro, kaya laking pasasalamat ko.

"D-dito nalang po ako M-mang Pachito."! Nauutal na Saad ko, at agad namang huminto si Mang Pachito kaya agad akong bumaba. Inabot ko ang pamasahe ko at walang salitang tumalikod. Muntik pa akong matapilok dahil sa pagmamadali, kaya napamura ako sa isip.

Kailangan na talaga naming makalipat agad dahil dilikado na ang kalagayan namin ng anak ko kung sakaling alam na nila Tito Marvin at Clarisse na buhay ako.

Pumasok ako sa isang eskinita, dahil dito ako magsisimulang maghanap.
Magtatanong-tanong nalang ako para mabilis akong makahanap.

"Ahm! Magandang araw po ate, ahm may alam po ba kayong parintahan na apartment dito o di kaya boarding house."? Magalang na tanong ko sa aling nagdidilig ng halaman.

"Ilan ba kayong titira sa isang kwarto."? Medyo may pagkamataray na sagot nito sa akin.

"Ah! Tatlo po kami, dalawang bata at Ako." Magalang na sagot ko.

"Mag hanap ka nalang Dyan! Sa unahan dahil hindi pwede sa inyo ang boarding house na pinaparintahan ng anak ko." Saad nito ng hindi nakatingin sa akin, kaya nagpasalamat nalang ako.

Nagpatuloy ako sa paghahanap at inabot ng dalawang Oras bago ko Nakita ang Isang karatula na naka paskil sa gate. “Room for Rent” kaya napangiti ako. Nakita ko din sa loob ng gate ang apat na kwartong magkakatabi.

"Tao po! Tao po."! May kalakasang wika ko para marinig ng tao sa loob.

"Anong atin iha." Saad ng babaeng nasa med 40's na kalalabas lang sa isang bahay na katabi ng apat na kwartong nakita ko.

"Available pa po ba ang room for rent na nakapaskil dito madam."? Magalang na tanong ko.

"Ay oo iha! Pero Isang kwarto nalang ang bakante." She said.

"Ahm! Magkano po ang renta."? Tanong ko.

"1500 ang Isang buwan iha,! At kung mag rerenta ka 1500 advance and 1500 deposit para sa susunod na buwan."

"Pwede ko po bang makita ang kwarto madam." Saad ko, pinagbuksan ako nito ng gate kaya agad akong pumasok.

"Yung sa panghuling kwarto nalang ang bakante iha at tyaka tawagin mo nalang akong ate norma haa."

Tumango ako kay ate norma at sumunod sa kanya. Nang binuksan nito ang kwarto ay napangiti ako. May kalakihan ito at malinis din. May Isang family size na kama at maliit na kusina. Okay na'to para sa aming tatlo ng mga bata, at Isa pa medyo malapit lang ito sa pinagtatrabahuan ko.

"Kukunin ko po ito ate norma.! At tyaka ngayong araw din po kami lilipat." Saad ko kay ate norma at kinuha ang Pera sa bag ko. "Ito po ang renta ko ate, babalik nalang po ako mamaya. Kukunin ko po muna ang mga gamit namin at ang mga anak ko." Saad ko sa ali na agad namang tinanggap ang bayad ko.

"Oh sige iha, at tyaka may bakante akong burner at gasol Doon sa likod gamitin nyo nalang muna. Kase hindi ko na naman ginagamit yun." Ate norma said.

"Maraming salamat po ate." Mangiyak-ngiyak na saad ko.




_____&&






Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰



"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon