GABRIELLA (POV)
Hapon na kami nakauwi galing sa pangangalakal dahil bininta pa namin ang mga nakalakal namin. At dahil medyo malaki ang kita namin ngayong araw kaya bumili ako ng Isang kilong manok sa palengke kanina ng pauwi na kami dahil ipagluluto ko ang dalawang bata sa paborito nilang fried chicken.
"Ang bango mommy."! Saad ni Kianna kaya nginitian ko ito.
"Wait lang baby hmm.! Tatapusin ko lang ito para mabigyan din natin sina Lolo June at Lola tirya." Malambing na sagot ko sa anak ko at ngumiti dito ng tipid.
"Okay po mommy." Sagot nito.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko na naman ang nangyari kanina. alam kung hindi titigil si Lucas habang hindi nya nalalaman ang totoo. Hindi nalang muna siguro kami babalik Doon sa DM restaurant. Dahil baka mag krus ulit ang landas naming dalawa.
Nang matapos na ako sa pagluluto ay agad akong naghain sa mesa, isti sa higaan pala namin. Para makakain na Ang mga bata. At pagkatapos ay kinuha ko ang apat na pirasong fried chicken at nilagay sa plato para ihatid kina Lolo June at Lola tirya.
"Mauna na kayo tin! Ihahatid ko lang to sa dalawang matanda." Saad ko kay Tintin. Agad naman itong tumango dahil halatang halata talagang gutom na gutom na ito.
"Magandang gabi Po! Lolo June at Lola tirya. Heto ho may kunting ulam po kase kami, kaya pagsaluhan po natin." Malumanay na wika ko sa dalawang matanda na kauuwi lang din yata galing sa panglilimos.
"Ayy! Nag abala kapa apo."! Lola said.
Ngumiti nalang ako sa kanya at inabot ang dala ko. "Kumain na po kayo Lola at Lolo. Nang sa ganun makapag pahinga na po kayong dalawa." Malungkot na wika ko. Subrang nakaawa lang talaga kase ang kalagayan ng dalawang matanda na'to. Hirap na hirap na silang maglakad dahil sa may edad na. Pero patuloy parin silang lumalaban para mabuhay.
"Ayy! Ining may nadaanan kaming club kanina. Naghahanap sila ng dishwasher, at mukhang malaki ang sahod doon dahil mukhang sikat Naman ang club na yun." Lola tirya said.
Napaisip ako sa sinabi ni Lola tirya. Tama nga susubukan ko ulit mag apply ng trabaho. Para maiwasan kong mag krus ulit ang landas namin ni Lucas.
"Saang club po Lola."? Tanong ko sa matanda. Magbabakasakali lang Naman ako, dahil baka matanggap ako. Dishwasher lang naman.
"Ah! Ano nga bang pangalan non June.? Munsky!? Ay hindi! Ano nga bang tawag sa liwanag ng bwuan apo."? Nagugulohang tanong ng matanda kaya natawa ako.
"Moonlight po Lola." Natatawang sagot ko, ngunit agad nawala ang ngiti ko ng maalala ang salitang binigkas. "Moonlight"! Bulalas ko at tiningnan ang tattoo ko sa gilid ng pulso. Isang crescent moon ito na may maliliit na tuldok na ang ibig sabihin ay liwanag ng bwuan. At ang pinakamamahal kong lalaki ang nag tattoo nito mismo. Natawa ako ng mapait kasabay ng pangingilid ng mga luha ko. "I really miss Kion."! Bulalas ko habang nakatitig sa tattoo ko.
"Nakikinig kaba apo."?
Napatingin ako kay Lola tirya, at ilang beses napakurap.
"P-po!? Ano nga po yon L-lola."? Nakangiwing tanong ko. Bakit ba kase ang layo agad ng nilipad ng utak ko.
"Sabi ko! Oo tama moonlight ang pangalan ng bar na yun."! Saad ni Lola. Imposible namang pag-aari yun ni Ki'- ay iwan. Ang alam ko kase mahilig ito sa eroplano kaya may sarili itong airport at marami din itong mga kompanyang pinapa takbo.
"Opo Lola susubukan ko po bukas. Baka po matanggap ako." Sagot ko nalang sa matanda. "Sige po Lola Mauna na po ako naghihintay po kase ang dalawang bata." Dagdag ko.
"Oh Sige apo maraming salamat sa binigay mong ulam."! Lola said kaya tinanguan ko nalang ito.
Sana matanggap ako bukas. Nang sa ganun hindi na mahihirapan ang dalawang bata sa pangangalakal. Ilang beses na kase akong nag apply ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin dahil isa daw akong mangkukulam.
___&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomansaGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...