GABRIELLA (POV)
Nagising ako dahil sa marahang pagyugyug sa balikat ko. Agad kong minulat ang aking mga mata kaya sumalubong sa akin ang naiiyak na Mukha ni Kianna kaya napabalikwas ako ng bangon.
"What happened love hmm."? Malambing na tanong ko sa kanya. At kinandong sya.
"I'm so hungry mommy."
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa lumang relo ko. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil malapit na palang mag ala-una.
"Jusmiyo." Bulalas ko at agad tumayo habang karga si Kianna.
Agad kong nakita si Tintin sa lamesa na nilalabas ang mga lutong ulam na nakabalot.
"Gising kana pala atee, pasensya na Hindi na kita ginising at kumuha nalang ng pera sa bag mo para bumili ng ulam. Kanina pa kase nag rereklamo si Kia na gutom na sya eh." Tintin said. Kaya mas lalo akong na guilty, dahil napasarap ang tulog ko. Hindi kase ako agad nakatulog kagabie eh, Dahil sa nangyari.
"Maraming maraming salamat talaga tin. Dahil kung hindi dahil sayo hindi ko na alam ang gagawin ko." Mababang saad ko at ginulo ang buhok nya.
"Hayst! Si atee mag dadrama na naman. Halina na nga kayo para makakain na tayo." Tintin said.
Pinaupo ko si Kianna sa plastic na upoan na pinahiram lang ni ate norma sa amin. At agad sinalinan ng pagkain ang Plato nya.
At habang kumakain kami naaalala ko na naman ang nangyari kagabi, kaya uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.
"Ahm babies, kailangan na ulit nating humanap ng ibang matitirhan na malayo dito sa syudad. Ahm! Maybe sa probensya." Saad ko sa dalawa na pareho ng nakatingin sa akin. Alam kong nakuha agad ni Tintin ang ibig kong sabihin kaya walang pag alinlangan itong tumango. Hindi katulad kay Kianna na kailangan mo pang magpaliwanag.
"Why mommy? Is there a bad guys hunting you again."? Ngumunguyang tanong ni Kianna, kaya nginitian ko ito bago tumango.
"Hmm,! Finish your food na hmm." Tipid kong saad kay Kianna. Para Wala na itong maraming tanong.
Nang matapos kaming kumain, ay agad kong niligpit ang pinagkainan Namin at hinugasan. At nang matapos ako ako kinuha ko ang sling bag na dala ko kagabi para bilangin ang perang itinapon ni Kion sa Mukha ko.
Yeah! Nagmumukha akong pera dahil sa pag tanggap ko sa Pera nya. Dahil kailangan ko ito para protektahan ang dalawang bata.
Umupo ako sa kama at nagsimulang bilangin ang lilibuhing nasa bag ko. Umabot ito ng 42 thousand kaya napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Bakit ang pait pait ng buhay ko! Simula ng mawala sina mommy at daddy ay naging kalbaryo na ang Buhay ko.! dumating pa sa point na kailangan kong pabayaran ang katawan ko. Ang dumi-dumi ko! Isa akong maduming babae.! Bulong ko kasabay ng pagsabunot ko sa aking buhok, habang impit na umiiyak dahil baka marinig Ako ng dalawang bata na nag lalaro lang sa Sala.
Pinunasan ko ang mga luha ko at binalik sa bag ang Pera. Magtatanong ako kay ate norma dahil baka may alam syang probinsya na pwede naming puntahan.
"Dito lang kayo babies hmm, pupuntahan ko lang si ate Norma." Saad ko sa dalawa, pareho itong tumango ngunit Hindi nakatingin sa akin. Dahil busy ang mga ito sa pagbibihis sa mga barbieng binili ko sa bangketa. Kaya napailing nalang ako at lumabas.
Nakita ko agad si ate Norma na nagdidilig ng halaman kaya agad ko itong nilapitan.
"Magandang hapon ate nor." Pagbati ko sa kanya at para narin agawin ang atensyon nya.
"Oh anong atin Ella."?
"Ate nor, ahm! May alam ka bang probensya na malayo dito sa maynila. Gusto kase naming sa probensya nalang ipagpapatuloy ang pamumuhay eh." Saad ko at pinaglaruan ang Koko ko. Ganito talaga kase ako kapag kinakabahan.
"Hmm, ganun ba Ella. Hmm, sandali lang iisipin ko muna." Ate norma said, at humawak sa baba nya para mag-isip.
"Ay oo! Sa negros Ella. May teyahin Ako doon na byoda at walang anak. Siguradong magugustohan kayo non lalo na si Kia na subrang Ganda. Siguradong mawiwili yun sa inyo."
Napangiti ako sa sinabi ni ate Norma. Salamat naman at may mapupuntahan na kami.
"Maraming salamat po ate.! Ahm paano po pumunta doon ate nor."? Tanong ko dahil kung maari makaalis agad kami dito.
"Ah, kailangan mo munang kumuha ng ticket para makasakay kayo ng lantsa. Nasa gilid lang naman ng Sm mall ang lukatan ng ticket. Kaya hindi kana mahihirapang hanapin yun. Hindi kase kayo makakasakay ng lantsa papunta sa negros kung Wala kayong ticket dahil sa dami ng pasahero araw-araw papunta doon eh."
Tumango ako kay ate norma at nagpasalamat bago bumalik sa kwarto na inaakupa Namin. Sinabi narin naman ni ate na tatawagan nya ang tiyahin nya na dadating kami.
"Tin! Ikaw na muna ulit ang bahala Kay Kianna haa.! Kukuha lang ako ng ticket sa lansta para makaalis na agad Tayo bukas." Saad ko kay Tintin at kinuha ang sling bag ko.
Hindi na ako nag abalang magpalit pa ng damit dahil naligo naman ako pagdating ko kaninang madaling araw eh.
Paglabas ko ng apartment ay nakasakay agad ako ng tricycle at nagpahatid sa SM. At habang nasa byahe bigla nalang inatake ng kaba ang dibdib ko sa Hindi ko malamang dahilan.
Ilang minuto lang ay narating na Namin ang pakay ko kaya agad akong bumaba at nag bayad.
Wala akong sinayang na sandali at agad kumuha ng ticket. Dahil hindi talaga nawawala ang kaba na lumulukob sa buong sistema ko. Ilang sandali lang ay agad akong nakakuha ng tatlong ticket. Lakad takbo ang ginawa ko para makahanap ng sasakyan kaya hindi ko nakita ang babaeng bigla nalang lumitaw sa harap ko na may dalang milkshake at may kausap sa cellphone. At sa lakas ng pagbungguan namin natapon lahat sa damit ng babae ang dala nitong inumin kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Oh my god! I'm really sorry ma'am." Magalang na sagot ko at sinimulang punasan ang damit nito gamit ang laylayan ng scarf ko. Ngunit tinulak lang Ako nito ng malakas, at Hindi ko napansin ang pagluwag ng scarf sa Mukha ko dahil sa takot na baka saktan ako nito.
"Sorry huh!!! Mababayaran ba ng sorry mo ang mamahaling dam,'- Hindi nito natapos ang sasabihin ng mapatingin ito sa akin. Hindi ko kase Makita ang kabuoan ng mukha nito dahil nakasuot ito ng sunglass at beach hat. Kaya hindi ko alam kong sa akin ba talaga ito nakatingin.
"G-gabriella."! Bulalas nito.
Kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo na ng tinanggal nito ang suot na sunglass.
Halos himatayin ako ng makilala ito, at ramdam ko rin ang panginginig ng buong kalamnan ko.
"Ah-m huh? H-hindi po Gabriella ang p-pangalan ko ma'am. At ahm I'm really really sorry ma'am, M-mauna na po a-ako." Saad ko at gustohin ko mang hindi mautal, pero hindi ko nagawa dahil sa takot na kumakain sa akin.
Walang pasabi at agad akong tumakbo para tumawid. Narinig ko pa ang matinis na sigaw nito pero hindi ko na ito nilingon pa.
Kailangan na talaga naming makaalis dito sa lalong madaling panahon.
_____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomanceGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...