part 18

1.6K 53 9
                                    


GABRIELLA (POV)


Ngumiti ako ng mapait kay Kion at hinaplos ang pisngi nya habang nangingilid ang mga luha ko. Ngayon gagawin ang press conference nya. gustohin man naming maging makasarili ngunit kaligtasan naman ng anak namin ang nakataya, kaya pipiliin namin ang tama kahit pa ang kaligayahan namin ang kapalit.

"Trust me moonlight, malalagpasan din natin ito. Hindi ko hahayaang paikotin tayo ng mag amang iyon sa mga palad nila." Mautoridad na saad ni Kion at kinabig ang beywang ko at dinikit sa katawan nya.

"I still love you moonlight so much, At kahit anong mangyari Ikaw at Ikaw lang ang mag mamay-ari ng puso ko hanggang sa huling hininga ko."

Napahagolhol ako sa sinabi nito, gaano pa ba karami ang mga pagsubok ang darating sa amin.

"I love you so much Kion." Sagot ko at yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Kung ano man ang mangyari moonlight, magpakatatag ka hmm."

Wala sa Oras na tumango ako habang may botil ng luhang pumapatak.

"Wag mo na akong alalahanin Kion, kakayanin ko kung ano paman ang pagsubok na darating sa atin. Ang mahalaga ay makasama ko ang anak natin at nasa maayos na kalagayan lang sila."

Kumalas kami sa yakapan at tumitig sa isat-isa. Tumingin ito sa mga labi ko, kaya napakagat labi ako. Ngunit wrong move ang ginawa ko dahil, Hindi ito nakatiis at siniil ako ng halik. Kaya walang pag alinlangan akong gumanti, at mas hinapit nito ang katawan ko at dinikit sa kanya.

"K-kion ohm.."! Impit na ungol ko ng pinasok nito ang kanyang kamay sa suot kong blouse at pinisil ng marahan ang malusog kong dibdib.

"M-malilate k-kana K-kion ohmm.."

Tumigil ito kaya napahinga ako ng malalim dahil sa tagal ng halikan namin.

"I should go, bago pa ako hindi makatiis." Saad nito at halata sa boses nito ang pagpipigil.

Tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid. Hinalikan muna ako nito sa noo bago lumabas ng kwarto. At nang makaalis si Kion, umupo ako sa kama at humagulhol. Alam kong ito na ang wakas namin, dahil kapag kinasal na sila ni Clarisse ay magtatapos na ang ugnayan namin. Kaya kailangan na naming lumayo ng tuluyan para narin sa kaligtasan namin.

_____

"Excited na ba kayong lahat! Sa malaking announcement na sasabihin nang ating napaka sikat at napakagwapong bilyonaryo.! Kaya wag na nating patagalin pa at tawagin na natin ang ating special guest. Kion McDavid and Clarisse Montalban."

Kinuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamao, habang nakatingin sa babaeng kasama ngayon ni Kion sa TV. At halos dumugo na ang aking mga labi, dahil sa mariin kong pagkaka-kagat para pigilan ang mga luha. Dahil sa sakit na kumakain sa aking buong sistema.

Nakahawak sa braso ni Kion si Clarisse at masayang kumakaway sa camera. Habang wala namang mababakas na emosyon sa mga mata ni Kion at nakatiim ang bagang.

"Wow! Kahit saang anggulo tingnan bagay na bagay kayong dalawa. Sikat na Modelo at sikat na bilyonaryo! What a perfect couple." Saad ng news casters.

Kaya hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha sa pagtulo.

"So! Ano po ba ang malaking announcement nyo master singko.? Maari na po bang malaman ng buong madla."

Kahit nasa tv ay kitang-kita ko parin ang pagkuyom ng kamao ni Kion. Hindi ito umimik kaya sumingit si Clarisse at ngumiti ng matamis sa camera.

"Since, nababalitaan nyo na may ugnayan kami ng napaka gwapong lalaki na nasa tabi ko. Gusto po naming ipaalam sa inyo na ikakasal na po kami sa susunod na Araw. And gusto po naming sabihin sa inyo na invited po kayong lahat."

Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Clarisse, dahil biglang pinatay ni tita ang tv at tumabi sa akin at agad akong niyakap.

"A-ang s-sakit-sakit po p-palang m-malaman na i-ikakasal na ang m-mahal mo sa iba tita. Akala ko madaling tanggapin tita, pero n-nakakadurog pala ang subrang sakit." Humahagulhol na sumbong ko sa mommy ni Kion.

"K-inaya ko pong malayo sa k-kanya tita ng ilang taon para sa k-kaligtasan ng anak namin. Pero kahit malayo k-kami sa isat-isa sya at sya lang po ang l-laman ng p-puso at i-isip ko tita. H-hindi po ako n-nawawalan ng pag-asa na m-mapapatawad nya ako kapag sinabi ko sa kanya ang d-dahilan ng Hindi ko pagsipot sa kanya sa harap ng Altar. Hindi ako nawalan ng pag-asa tita dahil alam kong pwede kaming magsimula muli, kapag nalaman nya ang totoo. Pero ngayong ikakasal na sila ng pinsan ko! Wala na akong hawak na baraha tita." Mahabang saad ko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha.

"E-ella." Bulalas ng mommy ni Kion. Habang may luha ding tumutulo sa mga mata. Kitang-kita ko ang awa sa mga mata nito kaya mas napahagolhol ako. Ganito nalang kase palagi eh, ang kaawaan ako na hindi ko naman deserve.


____&&&

Oppss! Malayo pa po tayo sa exciting part😊 dahil babangon pong muli si Ella, I mean ang bagong Ella.😊😊



"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon