GABRIELLA (POV)Pagkatapos kong pimirma ng kontrata ay agad akong lumabas sa building ni Morgan Saveedra. Nakatanggap ako ng message galing kay Kaye, kaya hindi ako tumuloy papunta ng parking lot.
Nagsisimula na kase ang mga Montalban na tuluyan akong burahin sa mundong ito. Dahil nakita ni Kaye sa CCTV na nasa parking lot ng ZMS studio ang pagputol ng brake sa kotse ko ng Isang tao na alam kong taohan ng mga Montalban.
May humintong kotse sa harap ko kaya agad kong binuksan ang pinto sa may passenger seat nito.
"Thanks Kaye." Nakangiting bati ko sa babae.
"Don't mention it Ella, may bayad ang lahat ng to noh." Nakasimangot na sagot nito kaya napailing nalang ako.
"Iniisip mo parin ba ang lalaking sinabi mo na taga ibang Mundo Kaye hmm."? Malungkot na tanong ko ng marinig ko ang malalalim na buntong hininga nito.
"Linteeeek naman kaseng puso 'to ohh! Natuto ngang umibig taga ibang daigdig naman." Naiiling na saad nito at alam kong may mabigat itong pinagdadaanan ngayon.
"Dritso na tayo sa restaurant kung saan kami magkikita ni Montalban Kaye." Pag-iiba ko ng usapan.
"Oo nga pala! Subrang nakakatawa Naman ng ex mo girl. Iniwan ba naman ang asawa nya sa labas ng ZMS studio building. Kaya ayon walang nagawa ang bruha kung hindi mag taxi." Natatawang chismis ni Kaye sa akin.
"Dapat lang sa mang-aagaw iyon." Tipid na sagot ko.
"Hinihintay nalang ng ibang investor Ella na e full out ninyo ni McDavid ang mga shares nyo. So anong plano mo ngayon."?
"Kailangan kong makausap si Mr McDavid para bilhin ang shares nya Nang sa ganun magiging akin ulit ang kompanya at mapalayas ko na si Montalban." Seryusong wika ko, dahil iyon lang ang naiisip kong paraan.
"Kung maka McDavid 'to akala mo hindi sila nag chukchakan noon."
Napailing ako sa sinabi ni Kaye. Pumasok ang Mukha ni Kion sa isip ko ng magtama ang mga mata namin kanina. Kung noon ay nakikitaan ko pa ito ng kapayapaan sa mga mata, ibang-iba na ngayon dahil puro lamig at kagaspangan nalang ang nakikita ko sa emosyon nito.
"Okay susubukan ko mamayang kumuha ng appointment sa kompanya ni McDavid." Kaye said kaya tumango nalang ako.
Pagdating namin sa restaurant na pagmemetingan namin ni Montalban ay agad akong lumabas ng kotse at naiwan naman si Kaye sa loob at sinimulang kulikutin ang kanyang laptop.
"Mag sisignal ako sayo kapag may nakita akong kakaiba sa loob ng restaurant." Tinanguan ko si Kaye at tuluyang pumasok sa loob ng restaurant.
1:30 ang usapan namin ni Montalban at 1:03 palang bakit subrang aga naman yata nito. Lumapit ako sa lamesa kung saan ang matanda, at mukhang nagulat ko pa ito dahil napakislot ito ng makita ako.
"Masyado ka naman yatang maaga Mr Montalban."? Casual na tanong ko.
"Ah-m, kumain na muna tayo." Saad nito at tinuro ang mga pagkain na nasa harap ko.
"Hindi ako nagpunta dito para makasama ka sa hapagkainan Mr Montalban. Kaya dritsohin mo na ako kung anong kailangan mo, dahil milliones ang bawat minuto ko." Seryusong wika ko, dahil hindi ko masikmura ang mukha nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ella, tulungan mo akong ibangon ulit ang kompanyang tinayo ng daddy mo."
Tumawa ako ng malakas sa sinabi nito. Kaya kinunutan ako nito ng noo.
"Lasing kaba Mr Montalban? Mukhang hindi mo kase alam ang sinasabi mo.! At baka nakakalimutan mo na ang ginawa nyo sa akin o I mean sa buong pamilya ko. Kaya itatak mo sa maliit mong utak na kukunin ko ang lahat-lahat ng ninakaw nyo sa akin."!! Singhal ko sa kanya at agad tumayo.
"Bakit subrang tapang mo na ngayon Ella huh.!? May ipinagmamalaki ka na ba! Baka iniisip mong hindi ko alam ang tungkol sa anak mo huh. Kaya ko syang tirisin sa isang igl,'-
Hindi ito natapos sa pagsasalita ng hinampas ko ng malakas ang mesa kaya nag talsikan ang mga pagkain na nasa plato.
"Anong akala mo sa akin ngayon? Madaling matakot sa mga banta mo.!! Tandaan mo Marvin Montalban na kahit dulo ng buhok ng anak ko ay hindi mo mahahawakan.! Itaga mo sa isip mo yan." Seryusong wika ko at tinalikuran ito.
Ngunit napatigil ako dahil may nakalimutan akong sabihin.
"Will, total pinagbabantaan mo ang anak ko. Ano kaya kung ang anak mo ang unang tirisin ko at ipagpag na parang alikabok sa Mundo ng showbiz.! Hmm nice idea." Nakangising dugtong ko at tuluyan itong tinalikuran.
Pagpasok ko sa kotse ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ko sa Amerika.
"Yes ma'am Gabriella."? Malamig na tanong nito.
"Doblihin mo ang bantay sa Bahay ko Rai please! Dahil alam ni Montalban ang tungkol kay Kianna Rai." Nangangambang wika ko.
"Don't worry Ella, dadaan muna sya malamig kong bangkay bago nila magalaw ang prensisa natin." Napangiti ako kahit hindi nito nakikita.
"Thanks Rai." I said at tinapos ang tawag.
"Here."
Kumunot ang noo ko dahil sa binigay na papel ni Kaye.
"Ano 'to."? Tanong ko at tiningnan ang papel.
"Ano naman ang gagawin ko sa address na'to."? Nagugulohang tanong ko.
Inikutan ako ng mata ni Kaye, kaya mas lalo akong nagugulohan.
"Wais ang McDavid na iyon Ella. Imbis na appointment ang ibigay nya sayo ay ang mismong address ng penthouse nya ang pinadala nya ng sinabi ko sa secretary nya ang pangalan mo."
Napatikwas ang kilay ko habang nakatitig sa papel. Naghahanap ba talaga ng gulo ang tukmol na'to.
_____&&&&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomanceGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...