GABRIELLA (POV)
Malapit ng mag ala-una ng madaling araw akong nakalabas sa bar. Kaya lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa apartment Namin. Mga 30 minutes din kase akong maglalakad para marating ang apartment. Pwede naman akong mag taxi kaso kailangan kong mag tipid.
Habang naglalakad gusto ko nang sabayan ang mga aso sa pag tahol.! andami ba naman kase nila samantalang nag iisa lang ako.
Paliko na ako sa isang eskinita na medyo madilim dahil sira yata ang streetlight at tanging ang sinag lang ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa Daan. At kanina pa nananayo ang balahibo ko sa batok dahil feeling ko may nakasunod sa akin kaya gusto ko ng kumanta ng church songs.
Malay mo Isang aswang o manananggal ang nakasunod sa akin, kase imposebling namang pag interisan ako ng mga adik. Eh sa hitsura ko pa lang mangkukulam na Ang tingin nila sa akin dahil sa suot kong scarf at sa malaking t-shirt at Mahabang palda.
Dahil sa iniisip hindi ko napansin ang itim na pusa na bigla nalang tumawid sa harap ko. Kaya napatili ako sa gulat.
"Lintik kang pusa kaa! Papatayin mo pa yata ako."! Bulalas ko at sinamaan ng tingin ang pusa.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla nalang may tumakip sa bibig ko at naramdaman ko rin ang matulis na bagay na bumaon sa tagiliran ko kaya impit akong napaigik kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
"Ibigay mo ang bag mo kung ayaw mong tuluyan kong ibaon 'to sa bituka mo."
Kahit nanginginig sa takot ay walang pag alinlangang binigay ko ang sling bag na dala ko. Hindi importante sa akin ang pera dahil madali lang naman itong hanapin kaysa sa buhay na hindi na mapapalitan pa.
Agad naman ako nitong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig. Kinapa ko ang tagiliran ko kung saan bumaon ang patalim dahil subrang kirot ito. At napahagolhol nalang ako ng makapa ko ang malapot na likido sa damit ko.
"Heshhh! Ito lang ba ang pera mo limang libo lang.! Walang kwenta."!! Malakas na singhal nito sa akin at iniwan ako.
Oo maliit lang na halaga yun pero subrang laki na non sa akin dahil pang matrikula yon ng dalawang bata.
Pinunasan ko ang mga luha ko at Dahandahang tumayo. Ngunit bigla nalang akong nagulat ng tumilapon ang lalaking ng hold up sa akin at tumambad sa harap ko na namimilipit sa sakit.
At mas lalong nadagdagan ang takot ko ng biglang lumitaw ang Isang pigura ng taong nakasuot ng puro itim. Hindi kita ang mukha nito dahil sa suot nitong sumbrero.
Sumiksik ako sa gilid ng pader ng makita kong naglakad ito papalapit sa akin. Pansin ko ring nakatitig ito sa kamay ko na nakahawak sa tagiliran ko.
"Here."! Galit na saad nito at marahas na inabot sa akin ang sling bag ko bago padabog na tumalikod.
Napatitig nalang ako sa likod nito. Ngunit bigla akong napaatras ng tumigil ito sa paglalakad.
"Clumsy bitch."! Bulalas nito habang nakatalikod kaya natulala ako.
Pero sa likod ng panlalait nito ay kailangan ko paring magpasalamat.
"M-maraming s-salamat sa p-pagligtas sa a-akin." Nauutal na saad ko.
"Fucking go home." Singhal nito kaya napapiksi ako. May galit ba ang mamang ito sa akin.?
Nagsimula ulit itong maglakad kaya tumalikod nalang din ako at nagpatuloy sa paglalakad habang iniinda ang sakit.
Gaano ba ako kasama kaya nangyayari ito sa akin. Naging mabuting anak naman ako ah. Pero bakit nakabuntot sa akin ang panganib.
At sino ang estrangherong yun? Hindi rin pamilyar sa akin ang boses n'ya. Pero bakit ramdam ko ang galit sa bawat bigkas nito ng salita.
Ilang sandali lang ay narating ko na Ang apartment namin kaya kinuha ko ang susing binigay ni ate norma at agad pumasok.
Pagpasok ko sa kwartong nirintahan ko ay sa Cr agad ako dumiritso at hinubad ang t-shirt ko. Bumungad sa akin ang may kalakihang sugat na dumudugo parin kaya hinugasan ko ito para malagyan ko ng bandage. Hindi naman ito masyadong malalim kaya hindi nalang ako pupunta sa hospital dahil magastos lang, at Isa pa kaya ko namang tiisin ang sakit.
GABRIELLA WILSON.
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomanceGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...