part 21

1.6K 54 11
                                    

GABRIELLA (POV)

Paglabas namin ng company ng mga Montalban, dahil sa kanila na nakapangalan ang kompanyang ito ay papasok na sana ako sa aking sports car ngunit bigla nalang may pumigil sa braso ko at kinabig paharap sa kanya.

Tinaasan ko ito ng kilay at kinalas ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"May kailangan kaba Mr McDavid."? Casual na tanong ko. Hindi ko pinahalata na subrang miss ko na ito, at pigil na pigil ko rin ang sarili ko na yakapin ito. "Isa ka sa mga bagay na dapat kong bawiin Kion. Pero hindi pa ito ang tamang panahon dahil makikipag laro muna ako sa asawa mo at sa ama nito." Bulong ko at siniguradong ako lang ang nakakarinig.

"Where have you been moonlight.? And where is my daughter."?

Gusto kong humalakhak dahil sa tawag nito sa akin. Paano nalang kaya kapag narinig ng asawa nito ang tawag nito sa akin. Edi nagkaroon ng world war non. At ano daw anak nya.?

"Sa pagkakaalam ko McDavid, hindi ako ang asawa mo para hanapan mo ng anak." Natatawang saad ko at hinila ang kwelyo nya para bumulong sa tenga nya.

"And pwede bang tigilan mo muna ako sa pagtawag ng moonlight. Tyaka mo na ako tawagin sa endearment na Yan kapag nabawi na kita." Malanding wika ko sabay dila sa tenga nya. At dali-daling pumasok sa aking kotse at pinaharurot paalis.

Natawa nalang ako at naiiling sa pinaggagawa ko. Hindi pa ngayon Kion dahil makikipag laro pa ako. Hindi ko sasayangin ang pagsasanay ng tatlong taon sa paggamit ng ibat-ibang klase ng baril at mga katana para lang matakot sa mag amang Montalban. Napahigpit ang kapit ko sa manobela ng maalala ko ang informationg nakuha ni Kaye noon. Hindi aksedente ang car accident na kinasangkutan ni daddy at mommy, dahil sinadyang tanggalan ng brake ang kotse nila at walang ibang may pakana nito kundi ang mismong kapatid lang ni mommy na si Tito Marvin. Kaya hindi ako papayag na hindi ito mag dusa sa mga kasalanang nagawa nya sa pamilya ko.

Kakauwi ko lang noong Isang araw dito sa pilipinas at ang tanging naiwan lang sa company ko sa ibang bansa ay ang secretary kong mala anghel ang mukha ngunit Isa palang nakakatakot na agent kung hindi nakasuot ng salamin.

Pag dating ko sa ANB building kung saan ang condo unit ko ay agad kong pinark ang aking kotse at agad lumabas.

Sumakay agad ako ng elevator at pinindot ang palapag kong saan ang condo ko. Nakalimutan ko kaseng tumawag kanina sa anak ko, kaya alam kong hindi na madrawing ang Mukha nito ngayon. Hindi ko kase sila sinama ni Tintin pauwi dito sa pilipinas dahil ayaw kong pati sila madamay sa pagbawi ko sa mga bagay na dapat ay sa akin.

Nang bumukas ang elevator ay muntik pa kaming magkabanggan ng Isang babae. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ito sa akin.

Oh got it, ito pala ang asawa ni kwatro. Ngumiti ako sa kanya ng tumango ito sa akin. So dito din pala sya nakatira.

"Hi, ako nga pala si Gabriella." Nakangiting pakilala ko.

"Ah-m hello, ako pala si Lora. Kinagagalang kitang makilala Gabriella." Nakangiting sagot nito.

"Nice to meet you too Lora, Mauna na ako ha. See you." Saad ko at agad umalis at binuksan ang unit ko.

Nang makapasok ako sa condo ko ay pabagsak akong umupo sa sofa at binuksan ang laptop ko. Kumunot ang noo ko dahil sa email na galing sa Montalban corporation. Agad ko itong binuksan at napangisi ako dahil nag papa appointment ito sa akin.

Will madali naman akong kausap
Kaya pagbibigyan ko sya sa gusto nya. Balita ko kase nalulung ito sa sugal at kunti nalang ay babagsak na ang kompanyang pinaghirapan ni daddy na itayo. Nagpadala din ako ng email kung kailan at Anong Oras kaming magkikita. At alam kong sa mga Oras na'to ay may pinaplano na naman itong masama sa akin. Laking pagkakamali lang nila dahil hindi na ako ang babaeng kilala nila na tatangatanga noon.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko at nilabas ang Isang maleta na nakatago sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang ibat-ibang klase ng baril at mga katana. Apat na beses palang akong sumabak sa mission ng nasa Amerika pa ako, at sa apat na mission na iyon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nakapatay ng mga kalaban ng batas. Kaya ngayon hindi na ako ang babaeng manginginig sa takot noon at mag mamakaawang wag nilang saktan. Dahil ako na ngayon ang babaeng makikipaghabulan kay kamatayan para sa mga mahal ko sa buhay lalong lalo na sa batas.


______&&&&_

"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon