GABRIELLA (POV)
Pagdating ko sa apartment namin ay feeling ko kakapusin na ako ng hininga. Nagulat ko pa ang dalawang bata sa paglalaro dahil sa biglaang pagpasok ko.
"Okay ka lang ba atee."?
Hindi ko sinagot si Tintin at patakbong lumapit sa kama namin para kunin ang malaking bag. at agad pinasok ang mga damit namin na nakalagay sa karton.
"Atee anong nangyayari."? Tintin asked.
"Mommy what happened."?
"W-we need to leave here i-immediately b-babies. Kase nakita ko si C-clarisse k-kanina tin, a-at at n-nakilala nya ako."! Naluluhang saad ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga ni Tintin, ngunit agad ding tumalima at tinulungan ako.
"Wag na nating dalhin lahat tin." Saad ko at sinarado ang bag namin.
"Ito! Magpalit na muna kayo dahil magpapaalam lang ako sandali kay ate norma." Saad ko sa dalawa at inabot ang pamalit na damit nila.
Paglabas ko nagbahay nakita ko agad si ate norma. Kaya agad ko itong nilapit.
"Atee."!
"Oh! Ikaw pala Ella! Ano? Nakakuha Kaba ng ticket."?
"Opo ate, at ngayong hapon po kami aalis. Kaya nandito ako para magpaalam, at para hingin na rin ang number ng tiyahin nyo." Malumanay na saad ko. Pero kinunutan lang ako ng noo ni ate norma.
"Bakit aalis agad kayo ngayon Ella, sana bukas nalang ng umaga dahil kung ngayon kayo aalis madaling araw na kayo makakarating doon. At Hindi kayo masusundo ng tiyahin ko kung ganun." Mahabang saad ni ate norma.
"Okay lang ate, maghihintay nalang kami sa pier hanggang umaga." I said.
"Oh sya! Bakit naman kase atat na atat kayong umalis dito eh."
Hindi na ako sumagot kay ate norma.Pumasok ito sa loob ng bahay nila kaya wala akong ibang ginawa kundi patingin-tingin lang sa gate kung may ibang tao bang nakamasid.
Dahil hanggang ngayon hindi parin nawawala ang takot at kabang nararamdaman ko. Alam kong hindi nakumbinsi si Clarisse kanina ng sinabi kong hindi ako si Gabriella.
Mautak silang mag tiyohin kaya alam kong aalamin nila ang hinila nila."Oh ito Ella,! Natawagan ko na din si tiyang na dadating kayo. Kaya nag-iingat kayo sa byahe hmm. Kahit na iintriga ako sa pagkatao mo Ella, pero hindi na ako manghihimasok kase alam ko namang mabuting tao ka. Dahil sa nakikita ko sa pag-aalaga mo sa anak mo at kay Tintin. Kahit sandali ko lang kayo nakasama mamimis ko parin kayo." Malungkot na saad ni atee, kaya walang pag alinlangang niyakap ko ito.
"Gustong-gusto kong sabihin lahat sayo ate, pero ayaw kong pati ikaw madamay sa pait ng buhay ko." Mababang saad ko at humiwalay sa akin.
"Basta mag-iingat kayo doon huh."
Tumango ako kay ate norma bago ngumiti ng matamis.
"Oh sya baka maiwan pa kayo ng last trip ng lantsa."
Oo nga pala Isang Oras nalang at aalis na ang pang huling lantsa na babyahe ngayong araw.
"Sige po ate."
Bumalik ako sa kwarto namin at naabutan ko ang dalawang nakaayos na, kaya kinuha ko ang aming bag. "Let's go babies." Saad ko sa dalawa.
Hinawakan ko sa kabilang kamay si Kianna, at lumabas ng bahay.
"Aalis na kami atee! Mag iingat ka rin dito haa." Malungkot na saad ko ng makita kong nangingilid Ang mga luha ni ate norma habang nakatingin sa dalawang bata. Alam kong kahit kunting panahon lang nito nakasama Ang dalawa alam kong napamahal na ito, sa kanya kase tumatambay Ang dalawa at nanonood ng TV kapag pumapasok Ako. Hindi kase ito biniyayaan ng anak kaya madaling nakuha ng dalawa ang pagmamahal nito.
"Bye bye! Mama norma." Matinis na saad ni Kianna at tumakbo kay ate norma para yumakap.
"M-mamimiss t-talaga kita barbie." Pumiyok na saad ni ate norma.
"Babye mama, mag iingat ka po dito haa." Tintin said at yumakap din Kay ate.
"Oh sya umalis na kaya dahil baka mag lumpasay ako ng iyak dito ngayon." Ate norma said, kaya tumango ang dalawang bata at bumalik sa akin.
Paglabas namin ng gate ay pumara agad ako ng tricycle. At habang lulan kami nito, bigla na namang dinagsa ng kaba ang dibdib ko. Kaya napayakap ako kay Kianna ng mahigpit na naka kandung sa akin.
"Mommy are you okay."
Hindi ako nakasagot kay Kianna ng makita ko ang dalawang itim na kotse na nakabuntot sa amin.
Mas lalo akong kinain ng takot, at ramdam ko narin ang panginginig ng buong katawan ko.
Ilang minuto lang ay narating namin ang pier papunta negros, kaya dali-dali akong lumabas at inalalayan ang dalawang bata. Inabot ko ang pamasahe namin sa driver at walang pasabing tumalikod at Hindi na kinuha ang sukli. Dahil nakita kong huminto din ang dalawang kotse na sumunod sa amin at bumaba ang mga kalalakihang sakay nito.
"F-faster b-babies." Saad ko sa dalawang bata.
"Atee! M-may mga m-mamang n-nakasunod po sa atin."
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Tintin, dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay makalayo dito agad.
Lalapit na sana kami sa konduktor para e abot ang ticket namin ngunit bigla nalang may marahas na humawak sa aking braso. Kinagat ko ng mariin ang aking labi ng maramdaman ko ang malamig na bagay sa aking tagiliran.
"Kunting galaw mo lang at papasok ang walong bala ng baril ko sa loob ng katawan mo."
Agad na ngilid ang mga luha ko lalo na ng mapatingin sa dalawang bata na naiiyak na rin.
"Kailangan kang makita ng boss Namin para kumpirmahin kung tama ba ang hinala nya."
"Hindi ako ang taong hinahanap nyo kaya bitawan mo ako." Matapang na saad ko ngunit mas diniin lang nito ang baril sa tagiliran ko.
"Sumama ka ng mapayapa babae kung gusto mo pang mabuhay at ang dalawang pulubing iyan." Saad nito, at nanlaki nalang ang mga mata ko ng tutukan ng dalawang lalaki ng baril ang ulo ng dalawang bata. Hindi kami kita ng ibang paseharo dahil napapalibutan kami ng nasa sampong kalalakihan na puro malalaki ang katawan.
"A-atee."! Bulalas ni Tintin habang yakap ang umiiyak kong anak.
Tumulo ang Isang butil ng luha ko, kaya agad ko itong pinunasan at ngumiti ng matamis kay Tintin. Na kinailing nito. Sininyas ko ang tatlong daliri ng kamay ko sa kanya. Na mas lalong kinailing nito.
"Run"
Saad ko sa walang boses. At sinimulang ibilang ang mga daliri.
"Isa, dalawa.
"A-ateee."!
"Tatlo.! Run.!!! Saad ko at sinipa ang ibabang bahagi ng lalaking nanutok sa akin. Kaya namilipit ito, at dahil sa ginawa ko nakuha namin ang atensyon ng iba pa nitong kasamahan kaya agad itong nagsilapitan sa amin kaya nagkaroon ng pagkakataon na makatakbo ang dalawang bata.
"Hayop kaaa."!
Napaubo ako ng malakas akong sinuntok sa sikmura ng lalaking sinipa ko. Hindi ako makagalaw dahil may dalawang kapreng nakahawak sa akin.
Inulit nito ng pagsuntok sa akin ng ilang beses kaya bigla nalang nandilim ang paningin ko. At Bago ako nawalan ng malay nakita ko pa ang dalawang bata na nagtatago sa mga bagahi. Naramdaman ko pa ang pagpatak ng mga luha ko. Nang pilit pinipigilan ni Tintin si Kianna na lumapit sa akin.
Bago ako nilamon ng dilim ay narinig ko pa ang malakas na sigaw ng Isang lalaki.
"Hanapin nyo ang mga bata!! Kailangang madala rin natin sila kay ma'am Clarisse."!!!
_____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
![](https://img.wattpad.com/cover/336527458-288-k852.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)
RomansaGalit na Galit si singko, sa lahat ng babae dahil sa ginawa ng babaeng pinaka mamahal n'ya sa kanya." iniwan s'ya nito sa harap ng altar sa mismong kasal nila. kaya pinapangako n'ya na maghihiganti sya dito pag nag krus ulit ang landas nila. Gabriel...