part 29

1.9K 84 46
                                    

GABRIELLA (POV)

Kinusot ko ang aking mga mata at dahandahang bumangon sa kama. Wala na si Kion sa tabi ko kaya tumayo ako at pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko. At ng matapos ako agad akong lumabas ng kwarto para mag tungo sa kusina.

Napasarap yata ang tulog ko dahil mag aalas dyes na pala ng umaga. Sino ba kaseng hindi mapupuyat kung halos madaling Araw kana makatulog, hindi ako tinigilan ni Kion kung halos hindi ako mahimatay.

Kumunot ang noo ko ng wala akong maabutang tao sa kusina. May nakita akong note sa lamesa katabi ang mga pagkain.

"Hindi na kita hinintay na magising moonlight. Eat your breakfast and wait for me until I come home. Don't go out and stay inside, I love you so much."

Napangiti ako sa nabasa, unti-unti ng bumalik ang dating Kion na kilala ko.

Binuksan ko ang mga pagkaing hinanda nya at mas lalo akong napangiti.

Kumuha ako ng plato at sinimulang Kumain. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi ng malasahan ang pagkain na hinanda ni Kion para sa akin. He's the most sweetest man I know. Kahit noong magkasintahan pa lang kami ay para ko na itong mama sa subrang pag-aalaga sa akin. Halos ako nalang ang inaalala nito at wala ng pakialam sa ibang bagay.

Narinig kong nag ring ang cellphone ko na nasa kwarto kaya tumayo ako para kunin ito. Hindi ko kase nasarado ang kwarto ni Kion kaya rinig ko ang ring ng cellphone ko.

"Yes Kaye."? Tanong ko sa taong nasa kabilang linya.

"Asan ka Ella."? Seryusong tanong nito.

"Nasa condo ni Kion." Sagot ko.

"Kion is on the news Ella." Sa sinabi ni Kaye ay napatakbo ako sa sala at binuksan ang TV.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa lalaking kanina lang ay iniisip ko. Napakaseryo ng mukha nito at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mga mata. Nakakatakot din ang awrang dala nito dahil pati ang news anchor ay parang takot mag tanong sa kanya.

"Ah-m ahm! Pati yata ako kinakabahan sa awrang dala ng ating bisita ngayon. Oh will! Everyone our visitor for today is no other than. Kion Mcdavid, ang sikat na billyonaryo at tambolista sa bandang the masterios." Unang wika ng news anchor.

"Nandito sya para linisin ang pangalan ni miss Gabriella Wilson at ipahayag ang totoo sa likod ng mga kumakalat na video ukol sa pagiging kabit ng nasabing babae."

"So Mr Mcdavid! Ano po ang masasabi n'yo."

"First of all, Gabriella Wilson is not a mistress. Second, me and Clarisse Montalban is just married for agreement. She kidnapped my daughter exchange to marrying her. And yeah! I have a daughter, at kung magtatanong kayo kung sino ang Ina. Walang iba kundi si Gabriella Wilson, ang babaeng unang minahal ko hanggang ngayon at magpakailan man.

Umagos na parang gripo ang aking mga luha sa mga narinig mula sa lalaking nasa TV.

"Lahat ng naririnig nyong rumor noon na may namamagitan sa amin ni Clarisse ay nagkakamali kayo. Kahit kailan hindi ko kayang ipagpalit ang babaeng akala ko ay ng iwan sa akin sa Araw ng kasal namin, walang iba kundi si Gabriella Wilson again. Kinain ako ng Galit ng araw na hindi nya ako sinipot sa simbahan, lalo na ng mabasa ko ang sulat na sumama sya sa ibang lalaki. Wala akong ibang inisip noon kundi maghigante kapag nagkita kami. At dahil sa Galit ko, nabulag ako sa katotihanan. Na maski ang pagbubuntis ng sarili kong anak hindi ko nalaman."

Napahagol ako ng makita ko ang pagtubig ng gilid ng mga mata ni Kion.

"Huli ko na nalaman, subrang huli na. Na ang mag-ina ko ay nakatira sa ilalim ng abandonadong tulay at nangangalakal para makakain ng tatlong beses sa Isang Araw. Huli ko na nalaman na ang prensisa ko na dapat ay nakasakay sa mamahaling sasakyan ay nakasakay lang sa sira-sirang k-kariton. At Dahil iyon sa kagagawan ng mag amang Montalban."

Dugtong nito at kitang-kita ko ang pagpatak ng Isang luha sa mga mata nya, na agad din nyang pinunasan.

"Hindi ko sinasabi ang lahat ng ito para kaawan nyo o anumang negative na iniisip n'yo. Sinabi ko ang lahat ng 'to para malinawan kayo, na ang iniidulo nyong si Clarisse Montalban na inakala ng lahat namabait at Hindi makabasag  pinggan ang gunawa ng lahat ng iyon sa mag-ina ko."

Ang kaninag malamya na pananalita ni Kion ay bumalik sa malamig at walang buhay ng banggitin nya ang pangalan ni Clarisse.

"Wala akong dapat patunayan sa mga sinabi ko. Pero ilalabas ko ito para linisin ang pangalan ng babaeng mahal ko."

Pagkatapos ni Kion ang huling salita ay bigla nalang nag play ang malaking telon sa likod nya.

"What the! Saan nya nakuha 'yan." Bulalas ko ng makita ang nasa screen.

"Tama na! Parang awa n'yo na! Ibibigay ko sa inyo lahat-lahat basta wag nyo lang po akong saktan."!

"Nasa sayo na ang lahat-lahat bitch, kayamanan, ganda, attention ng mga tao. Pati ba naman ang taong mahal ko. Kaya bago pa kayo ikasal, mawawalan ka na ng ganang mabuhay dahil sa gagawin ko." Sigaw ni Clarisse sa babae na ako at sinabuyan ng acido.

Pagkatapos ng video na lumabas sa telon ay ang mga picture naman Namin na nasa tulay. Ngunit ang mukha ng anak namin ay naka blurd at naka fucos sa mukha kong sunog dahil sa ginawa ni Clarisse. At ang pang huling lumabas sa screen ay kinalaglag ng panga ko. Picture ni Clarisse kasama ang ibat-ibang lalaki.

"Bago ko tapusin ang huling speech ko. Gusto ko lang malaman ng lahat, na kung sino man ang manakit sa pamilya ko at sa mag-ina ko. Hindi ko kayo titigilan hanggat hindi kayo magmamakaawa para sa buhay n'yo."

Napaupo ako sa couch, dahil hindi ko lubos maisip na gagawin ni Kion ang lahat ng ito.




___&&&&&_____

Please vote and comment para sa next chapter 😊❤️🥰







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon