part 4

1.7K 60 11
                                    

GABRIELLA (POV)


"Wag makulit baby okay.! Dito ka lang at makinig ka palagi kay ate Tintin okay." Malambing na saad ko sa anak ko.

"Ay ay captain."

Natawa ako sa sagot nito, at may pa saludo pa itong nalalaman. Ngayon kase ako pupunta sa sinabing Bar ni Lola para mag apply.

"Sige na. Bigay mo na sa akin ang good luck kiss ko love ng makaalis na si mommy." Malambing na saad ko. Kaya agad itong lumapit sa akin at pinugpog ako ng halik. Kaya napahagikhik ako.

"Take care always mommy okay."! Malambing na wika nito sa akin, kaya pinugpog ko rin ito ng halik.

"Opo love." Sagot ko sa kanya.

"Sige na bye bye nah.! Tin! Ikaw na Muna ang bahala sa makulit na'to ha."

"Opo ate.! Mag iingat ka po palagi ha." May pangambang saad nito sa akin. Kaya nginitian ko ito ng matamis bago tumango at umalis.

Kailangan ko ng makaipon dahil pasukan na sa susunod na ika lawang buwan. Mag gigrade 1 na si Kia at grade six naman si Tintin. Kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho.

Naglakad lang ako papunta sa sakayan ng mga tricycle pwede ko namang lakarin papunta sa metro, kaso nga lang aabutin ako ng ilang oras bago makarating.

At habang naglalakad dinig na dinig ko ang mga chismisan ng mga aling nadaanan ko.

"Ayan na ang mangkukulam! Salot talaga yan dito sa baranggay natin at Yan din ang nagdala ng kamalasan dito."!

Umikot ang eyeballs ko sa sinabi ng Isang Ali.! Anong kinalaman ko sa kamalasan nila. Paano ba naman kaseng hindi sila mamalasin dahil wala silang binta eh nasa pinakadulo kami ng baranggay na'to at kunti lang din ang nakatira dito dahil nga malapit ito sa malaking tulay na katatapos lang. At Isa pa, magkakaibigan yata silang Lima na nag shishismisan at nagkasundo silang sari-sari store ang gawin nilang business dahil tabi-tabi talaga ang mga tindahan nilang Lima.

Binilisan ko nalang ang lakad para makarating agad sa sakayan ng tricycle.

At ilang minuto lang nakarating din ako, at ng makita ko si kuya baldo ay agad akong lumapit sa kanya. Ito lang kase ang tricycle driver na mabait sa akin dahil anak ito ni Lola tirya at Lolo June. Kaso subrang sama ng ugali ng asawa nito, kaya napilitang umalis Sina Lolo at Lola sa bahay nila at sa tulay nalang nanirahan.

"Kuya baldo."! Tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Ikaw pala Ella! Saan ang punta natin? At ah-m kumusta si nanay at tatay.? Maayos lang ba ang kalagayan nila."? Nahihiyang tanong nito sa akin. Alam kong may malasakit parin ito kina Lolo at Lola dahil kung minsan dinadalhan nito ng pagkain Ang dalawang matanda, at binibigyan din ng pera. Ang kaso nga lang kay kuya baldo ay subrang under nito sa kanyang asawang parang wrestler sa laki ng katawan.

"Ayos lang po sila kuya. At Magpapahatid po sana ako sa metro kuya. Susubukan ko po kase ulit mag apply ng trabaho. Dahil malapit na ang pasukan." Malumanay na sagot ko.

"Oh sya! Sumakay kana para mahatid na kita." Saad nito at sinimulang paandarin ang tricycle nya, kaya sumakay agad ako.

At habang nasa byahe, lumipad na naman ang isip ko sa nangyari noon. Akala ng mga taong gumawa nito sa akin ay patay na ako. Kaya alam kong tinatamasa na nila ang marangyang Buhay na dapat sa akin. Lalo na ang companya at mga ari-arian ko na minana ko pa sa mga magulang kong nasa kabilang Mundo na dahil sa aksedente.

"Tito Marvin at Clarisse! Tamasin nyo ang hindi sa inyo. Dahil alam ko namang dadating din ang karma ninyo." Bulalas ko sa isip.

"Nandito na tayo Ella."

Nabalik ako sa sarili, at agad tumingin sa paligid. Nandito na nga ako.

"Ito po ang pamasahe ko kuya baldo." Saad ko at inabot sa kanya ang bayad. Pero agad itong umiling at kinaway pa ng ilang beses ang kanyang palad.

"Naku! Wag na Ella. Malaki na ang naitulong mo kina itay at inay. Kaya pasasalamat ko nalang to sayo."

Ako naman ang umiling sa kanya at nilagay sa kamay nya ang Pera.

"Ano kaba kuya okay lang yun. Mas kailangan mo yan dahil marami kang anak na binubuhay. Kaya mauna na Ako sayo." Saad ko at agad bumaba.

Maglalakad pa kase ako mula dito papunta sa moonlight Bar. Alam ko kung saan ito dahil palagi namin itong nadadaanan kapag nangangalakal kami dito sa metro.

At ilang minuto lang ay narating ko na Ang pakay ko. Nakita ko ang Isang bakla sa labas at mukhang malaki yata ang problima nito dahil naka busangot ang mukha nito.

Lalampasan ko na sana ito. Kaso bigla nalang nitong hinawakan ang braso ko.

"Hoy! Saan ka pupunta ha.! Bawal pumasok dyan. At Isa pa sarado pa ang Bar." Maarteng saad nito sa akin.

"Ah-m! Hindi po ako magBabar madam. Mag aaply po akong dishwasher." Casual na sagot ko. Nag taka pa ako ng biglang nanlaki ang mga mata.

"O my god! Hulog ka ng langit gurl!! O Sige na tanggap kana.! My god isa akong supervisor sa Bar na'to kaso dahil wala akong mahanap na dishwasher ay ako ang ginawang taga hugas ng amo kong wala yatang pakiramdam at puso."

Gusto kong matawa sa reklamo nito. Dahil kulang nalang maglumpasay na ito ng iyak.

"Ito po ang Bio-data ko madam. At kailan po ako magsisimula."? Tanong ko at inabot sa kanya ang Bio-data ko.

"Ay naku.! Ngayon kana mag Simula.! Let's go.! At sasabihin ko sayo mamaya ang Oras ng pasok mo at Ang sahod mo." Wika nito at hinila ako papasok sa loob ng Bar.




___& don't forget to vote readers 😊❤️




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon