part 17

1.7K 66 17
                                    

GABRIELLA (POV)

Ngayong araw ang discharge ko, at sinabi ni Kion na hindi ako aalis dito hagga't hindi s'ya nakakabalik.

Lakad dito, lakad doon ang ginagawa ko. Dahil hindi ako mapalagay sa isiping ilang Araw na at hindi ko parin nakikita ang mga bata.

Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babae, na Hindi ko inaasahang mapupunta dito.

"A-atee." Saad ni Karen at malalaking hakbang na lumapit sa akin at agad yumakap ng mahigpit.

"Oh m-my god! Atee, n-namiss kita subra."

Gumanti ako ng yakap sa kanya, habang nangingilid Ang luha.

"H-hindi kaba Galit sa akin." Basag ang boses na tanong ko sa kapatid ni Kion. Subrang malapit kami ni Karen noong magkasintahan pa kami ng kuya nya. At hindi ko alam ang naging reaction nito ng mawala ako.

Kumalas ito sa yakapan namin at marahas na umiling.

"Bakit naman ako magagalit ate, eh alam ko namang hindi mo iyon kayang gawin kay kuya."

Ngumiti ako kay Karen, at hinaplos ang pisngi nya.

"Longtime no see iha."

Tumingin ako sa babaeng kung unang titingnan mo ay nakakatakot dahil sa dalang utoridad. Ngunit subrang bait, kapag nakilala mo.

"T-tita."kinakabahang bulalas ko.

"Oh, don't be nervous iha, sinabi na lahat ni Kion sa amin ang mga nangyari. At mananagot ay may pakana ng pagkawala ng apo ko." Malamig na saad nito.

"Let's go ate, sinabi ni kuya sa amin na kami nalang ang susundo sayo. Dahil baka gabihin sila sa paghahanap sa p-pamangkin ko." Saad ni Karen at naging malungkot ang tono ng banggitin ang salitang pamangkin.

"P-pero w-wala akong u-uuwian." Nahihiyang saad ko, dahil totoo Naman.

Lumapit sa akin ang mommy ni Kion at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I-i'm very sorry Ella, I'm sorry sa lahat ng mga p-pinagdaanan mong hirap. P-para lang m-maitaguyod ang apo ko." Humihikbing saad ni tita Karina. Ngumiti ako sa kanya ng malungkot

"k-kahit sinong Ina tita gagawin ang ginawa ko para sa kaligtasan at itaguyod ang anak." Basag ang boses na saad ko.

"Isa kang tunay na Ina, iha. Isang tunay na Ina na dapat hangaan." Saad nito at kinabig ako para yakapin.

"Sali ako." Saad ni Karen at sumali sa yakapan namin kaya natawa ako ng mahina.

"Let's go, binilin ni Kion na ka sa Bahay nya."

Tumango nalang ako dahil wala din naman akong ibang pupuntahan.

_____

Pagdating namin sa bahay ni Kion, sumalubong agad sa amin ang napakaraming taohan nya. Inalalayan nila kaming makababa sa kotse, hanggang makapasok kami sa bahay ni Kion.

"Samahan mo muna ang ate mo sa kwarto ng kuya mo Karen, magpapahanda lang ako ng meryenda." Tita said.

"Tara ate."

Tumango ako kay Karen at sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa kwarto ni Kion agad akong pinapasok ni Karen at iniwan para daw makapag pahinga ako. Pero paano ako magmamahinga kung alam kong nasa panganib ang anak ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ni Kion, nangilid ang luha ko, ng makita ko ang malaking picture frame na Mukha ko mismo ang nasa loob. Kahit pala galit sya sa akin ay hindi nya binasura ang larawan ko.

Umupo ako sa kama paharap sa terrace. Agad kong pinakawalan ang aking mga luha ng pumasok sa isip ko ang mukha ng dalawang bata. Kumain na kaya sila, maayos lang kaya ang kalagayan nila, sana walang masamang nangyari sa kanila. Mga katanongan ko na walang makaksagot.

Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad ko itong nilingon. Napatayo ako ng pumasok ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

"Kion, m-may balita na ba? N-nakita ba ng mga t-taohan mo ang d-dalawang bata."? Agad kong tanong ng makalapit ako sa kanya.

Bumagsak ang balikat ko, ng kinabig ako nito sa beywang at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Hinalughog na namin ang buong pier moonlight, pero hindi namin nakita ang anak natin." Malungkot na saad nito.

"But, don't worry moonlight. Hindi ako titigil hagga't hindi ko sya nakikita." Dugtong nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Tumingin ito sa mukha ko, lalong lalo na sa pilat ko. Kaya agad akong umiwas ng tingin. Ngunit agad nitong hinawakan ang pisngi ko para ibalik sa kanya ang tingin ko.

"Your still very beautiful in my eyes moonlight. Hindi natabunan ang kagandahan mo dahil lang sa pilat na'to."saad nito at hinaplos ang pisngi ko.

"K-kion." Bulalas ko.

"K-kung hindi lang sana ako nagpadala sa emotion ko sana hindi nangyari ang lahat ng ito sa atin m-moonlight. Sana hindi n-nawawala ang anak natin n-ngayon kung hindi ko lang s-sana pinairal ang Galit ko. I'm s-sorry love, I'm very sorry, m-magalit ka sa akin! Parusahan mo ako. Basta wag mo lang akong k-kamuhian gaya ng g-ginawa ko sayo. Gawin mo sa akin lahat! Gumanti ka sa akin Basta wag mo lang akong iiwan please, dahil hindi ko na k-kakayanin pa moonlight." Mahabang saad nito, habang pumapatak ang ilang botil ng luha. Kaya agad ko itong pinunasan at umiling sa kanya.

"H-hindi na mahalaga ang nakaraan Kion, ang importante ngayon ay mahanap natin ang anak natin at magsimulang muli." Saad ko habang nangingilid ang mga luha.

"Kahit maubos pa ang kayaman ko love, hahanapin ko sya kahit anong mangyari." Seryusong saad nito, "and one more thing, Hindi mo pa ako sinasagot kung sino ang may kagagawan ng lahat nang ito."?

Nanigas ako sa sinabi nito, alam kong gagantihan nito ang gumawa nito sa akin. Or mas worse pa ay papatayin nito. Pero kailangan kong patigasin ang puso ko dahil sa mga taong gumawa nito sa akin.

"Si C-clarisse at T-tito M-marv,'- Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla nalang nag ring ang cellphone ni Kion. Hindi pa sana nito sasagotin, ngunit walang tigil ito sa pagtunog kaya padabog itong sinagot ni Kion.

"What."! Singhal nito sa kabilang linya.

"Oh, relax babe! Alam kong sinabi na ng babaeng kasama mo ngayon ang lahat-lahat. And I know na sinabi na nya ang tungkol sa nawawalang anak nyo."

Nanigas ako ng marinig ang sinabi ng babaeng nasa kabilang linya. Dahil naka loud speaker ang phone ni Kion.

"So, inunahan ko na kayong mahanap ang anak n'yo."

Napatakip ako sa bibig dahil sa sinabi ni Clarisse.

"What the fuck did you do to our daughter huh,!? Magdasal kana sa lahat ng santo Clarisse dahil kapag nakita kita! Matitikman mo ang dahas ko."

Narinig ko ang paghalakhak sa kabilang linya. At naitulos ako ng marinig ang malakas na sigaw ni Kianna.

"Ahhh!! Let me go! Let me go."!!

"K-kion." Umiiyak na saad ko

"Oh, I'm afraid naman. Wala naman akong gagawin sa anak nyo na masama basta sumunod ka lang sa gusto ko singko."

Nakita ko ang pamumuti ng mga kamao ni Kion, dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. Subrang dilim din ng awrang nakapalibot sa kanya, kaya kung hindi ko lang sana ito kilala Malamang kanina pa ako nanginig.

"Siguraduhin mo lang Clarisse Motalban, dahil kapag may nangyaring masama sa anak ko. Kahit nasa hukay kana paulit-ulit parin kitang papatayin." Parang kulog na saad ni Kion.

"Oh my god, kaya mas lalo akong na iinlove sayo babe eh. Simple lang Naman ang gagawin mo, Magpa public conference ka lang naman at sabihing ikakasal kana sa akin. At pagkatapos non, gaganapin agad ang kasal natin sa susunod na Araw. And then booom! Ibibigay ko agad ang anak n'yo pagkatapos nating ikasal."

Napahagolhol ako sa sinabi ni Clarisse at napaluhod dahil sa bigat at sakit na kumakain sa aking kaluoban.



_____&&

Andyan paba kayo reader!?😊😊

"THE MASTER IS HUNTING ME" (TVDM #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon