Life is an inconstant concept that is too hard to understand, so as the world. It would always left us in shocked when things suddenly turned out differently from what we're expecting.
Maraming mga bagay ang kusa na lang gugulat sa'tin. May mga pangyayari na bigla-bigla na lang tayong sasalubungin nang hindi natin nalalaman.
All of that things are occuring for a reason that we are being careless. We tend to think that this whole word is completely static. Masyado tayong nagiging kumpiyansa at palaging iniisip na kung ano man ang nangyayari ngayon, gano'n pa rin ang mangyayari kinabukasan.
I admit that I tend to view the world in that way, pinapaniwalaan ko rin na walang mangyayaring pagbabago sa ginagalawan kong mundo.
But sometimes, there are some points of my life in which I end up doubting my belief. Dahil may mga pagkakataon lang talaga na tinatanong ko na ang sarili ko kung tama pa ba ang mga bagay na pinapaniwalaan ko.
"Times up!"
Matapos kong marinig ang sinambit ng teacher namin ay doon ko na minadaling inilayo ang kamay ko mula sa engine.
Tagaktak na ang pawis ko ngunit hindi ko na inabala pang punasan iyon. My fingers are shaking, at ayaw ko namang ipahalata na tensyonado ako kaya pinili ko na lang din na ibaba iyon para itago.
Kasabay ng pagsandal ko sa armchair ay ang sunod-sunod ko namang paghugot ng malalalim na paghinga. Darn, hindi ko naman alam na bibigat ang tensyon sa loob dahil lang sa trial na iyon. We are just about to try to surpassed our limit, but why does it looks like we are being pressured here? Partida, hindi pa ito ang final demonstration pero ganito na kainit ang naramdaman kong laban.
Kung matindi na ang atmospera na namamayagpag ngayon sa loob, ano pa kaya kapag umabot na kami sa punto na haharapin na namin ang totoong laban?
Ngunit sa halip na lukubin ang sarili ko sa malalim na pag-iisip. Pinili ko na lang din na iwaglit ang lahat ng iyon para hayaan ang sarili kong kumalma. Hindi pa rin tuluyang nawawala ang panginginig ng mga daliri ko kaya naman ay wala sa wisyo ko itong tinignan. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang kaunti lalo na nang makita ko kung paano halos balutin ng pawis ang magkabila kong kamay. Bwisit, pasmadong-pasmado ako ah.
"Wala na bang palugit sa oras Miss Ma'am?" rinig ko pang reklamo ni Jaden na nakaupo sa pinakalikurang bahagi.
Sinulyapan ko muna ang proctor namin para tignan kung ano ang magiging reaksyon niya. Ngunit gaya nga ng inaasahan ko ay umiling lamang siya bilang tugon.
"Awit, ang daya. Ni 'di ko pa nga nagalaw kahit iyong engine."
"If you're really hoping to have a perfect A in your card, then take this subject seriously." Wala sa wisyo akong napatingin kay Jaden matapos bitawan ng proctor namin ang mga katagang iyon. Nakita ko naman na agarang dumantay ang lungkot sa mukha niya dahilan kung bakit hindi ko maiwasang mapakagat ng labi.
This is a bad sign for Jaden. Kung hindi niya magagawan ng paraan na habulin ang oras, delikado siya sa finals. Magkakaatsa siya panigurado.
Pero, hindi ko rin naman siya masisi, pati na rin ang iba pa naming mga kaklase na hindi rin nakatapos. Mahirap naman talagang seryosohin ang isang subject lalo na kapag hindi mo naman talaga gusto. Ni kahit ako nga ay aminado rin na hindi ko gano'n kagusto ang napasukan kong electives. Pero wala akong choice kundi ang makiride on sa mga kaklase ko dahil ito naman iyong special class na pinili ng majority sa'min. Ayaw ko naman kasing maging kj kahit papaano. That's why I'm stucked with this subject.
Nakakaenjoy pa rin naman siya kahit papaano, but still, hindi talaga ito iyong main choice ko.
"Sorry po, Miss Ma'am," mahina niyang sagot. "Babawi ako sa final demonstration natin, promise. Nagkataon lang kasi talaga na medyo sabog ako ngayon."
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...