Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Inaantok man ay pinili ko pa ring imulat ang mga mata ko para matignan kung ano iyon.
I could still feel how light headed I was after getting out of the bed. But still, I tried all my might to peek outside.
Pinatong ko ang kamay ko sa bintana bago tamad na tamad na hinawi ang kurtina. Nanliliit pa ang mata ko noong una habang tintignan kung ano iyong pumapatak sa labas. Nakita ko ang mga pino nitong mga butil at dire-diretsa iyong binabagsak ng langit papunta sa lupa.
Hindi ko pa iyon magawang matukoy noong una pero kalaunan ay napagtanto ko rin kung ano nga iyon.
Umuulan.
The small droplets of the rain welcomed my eyes. Hindi ko maiwasang mapatitig sa labas dahil sa senaryong nagdala ng ibayong klaseng pakiramdam sa kalooban ko.
Ang mga pino nitong patak. Ang nakakagaan sa pakiramdam nitong tunog. At ang tila diyamante nitong tubig na umiilaw kapag natatamaan ng sinag ng buwan.
Ang ganda.
Hindi ko na matandaan pa kung kailan ba huling nagkaroon ng ulan sa panahon namin. At miski ako, ay aminado na ito pa lang iyong unang beses na nakakita ako ng ulan. I only heard about this in history, kaya masyadong nakakapanibago na makita kung gaano ito kagandang pagmasdan.
Gustuhin ko mang lumabas para sana damhin ang tubig no'n, pero nagpigil na lang ako dahil nga sa pinagbawalan kami.
Sa halip na tumunganga sa gawing bintana, nagpasya na lang akong iwan sandali ang camp para magcr. Tahimik kong inikot ang seradora para buksan ang pinto. Daglian iyong gumawa ng tipid na ingay kaya naman ay kusa ko na lang ding nabalik ang tingin sa mga kasama ko. Inobserbahan ko sila sandali para tignan kung may nagising ba. At nang makasiguro akong wala nga ay doon pa ako nagpasyang umalis.
Sinalubong ako ng malamig na hangin sa labas. Ang malamyos nitong simoy ay kusa na lang na yumapos sa balat ko. Wala sa wisyo kong nayakap ang sarili ko dahil sa lamig na dala no'n. Hindi naging sapat ang suot kong makapal na pantulog para proteksyunan ang sarili ko sa nanunuot na lamig. Pero sa halip na magpadala ay pinili ko pa ring magpatuloy.
Maliwanag naman ang corridors namin kaya hindi rin nakakatakot maglakad nang mag-isa. Halos lahat kasi ng madadaanan mo ay may ilaw kaya hindi nakakakaba.
Sa ganitong oras ay wala nang nagrorondang mga sundalo. Kung mayroon mang militar na nandito, sigurado akong nasa gawing sulok lang at binabantayan ang bawat palapag.
Agaran kong tinungo ang daan papuntang comfort room. Mabuti na lang at hindi rin gano'n kalayo iyon lalo na at hindi ako pwedeng magtagal dito sa labas, baka kasi hanapin na ako ni Vail pagsapit ng alas sinco.
We are supposed to stay inside our camp and wait for the morning roll call before leaving the room. Pero hindi ko naman matiis na magpigil ng ihi hanggang mamaya lalo na ngayon na alas tres pa lang ng madaling araw.
Saktong pagdating ko sa CR ay tinulak ko kaagad ang salaman nitong pinto. Awtomatiko namang nagsiilawan ang fluorescent sa itaas at ang air refresher ay kusa na lang ding umandar.
Hindi na ako nagtagal at dagliang pumasok sa pinakamalapit na cubicle para umihi. Binilisan ko na lang din ang pagkilos ko para makaalis kaagad.
Akmang pipindutin ko na sana iyong flush pero agad akong napahinto nang may bigla akong narinig na kaluskos.
Kaagad akong napaangat ng para tignan kung ano ang nasa itaas. Hinanap ng mata ko kung saan iyon nanggaling pero nakakapagtakang hindi ko man lang iyon magawang mahagilap. Sa lapit ng pinanggagalingan ng tunog, imposibleng wala iyon dito sa loob.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Sciencefiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...