"The woman you're referring to, is my mother, Sir Diaz."
Nilukob ng gulat iyong mukha niya. Ni kahit nga ang tugunan ako ay hindi na niya rin nagawa.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang inaantay nang mabuti ang kaniyang magiging sagot.Gulong-gulo iyong utak ko habang pinagmamasdan siyang hindi makapaniwala sa narinig mula sa'kin.
Tinapik ako ni Maize rason kung bakit pansamantala kong nailayo ang tingin ko kay Sir. Nagpaalam siyang papasok sa loob na siyang walang tugunan kong tinanguan.
Naiwan kaming dalawa rito sa balcony at ngayong kami na lang ang taong nandito, umaasa akong bibigyan na niya ako ng sagot.
"I didn't know that she had a child," sambit niya saka napahilamos ng mukha. "P-Paano nangyaring nagkaroon siya ng anak nang hindi namin namamalayan?"
Mas lalo akong dinumog ng mga tanong. Parang sa mga naririnig ko sa kaniya at nagmistulang misteryo para sa'kin ang mismong ina ko. And the fact that he is not aware about her having a child.
Tinago niya iyong tungkol sa'kin? But why?
Ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung bakit at kung paano niya kilala si Mama. Kilala ko ang mga naging katrabaho niya pero wala akong maalalang may naging kakilala siyang sundalo.
Naguguluhan man, pero sinubukan ko siyang tanungin ulit.
"How come that you knew her?" dagdag kong tanong. "Sa call center nagtatrabaho si Mama. I can't recall that she's affiliated with any military men. Kaya imposibleng makikilala mo siya, she's not a soldier to begin with."
Kunot-noo niya akong tinignan. "Hindi mo ba alam na isa siyang sundalo?"
Nang hindi ako nakasagot ay doon na niya marahang naipikit ang kaniyang mata sabay bitiw ng malalim na buntong-hininga.
"RC became a soldier without having to undergo such rigorous training. Tinanggap siya ng base bilang military researcher nang dahil na rin sa background niya sa field ng sciencw. She was a skilled researcher, a brillant one," paliwanag niya. "Lagi siyang nasa loob ng opisina, nakaharap sa mga computers o 'di kaya ay binabasa ang patung-patong na mga papel sa mesa. Marami na akong nakilalang researcher sa base but most of them didn't last for 6 months. Dahil na rin sa sobrang bigat ng trabaho at responsibilidad na dapat gampanan, hindi sila nakakatagal. But Reisce, she was in service for almost a decade."
Tahimik akong nakikinig sa mga kinukwento niya sa'kin. Gustuhin ko mang magsalita, pero nagpigil lang ako para makakuha pa ng impormasyon.
"Siya lang ang nagawang makatagal sa trabahong iyon. Her dedication is indeed commendable to the point that she keeps on getting promoted year by year. And after five years in service, her hard work successfully paid off as she became the head of our research team, the highest position of that department," muli niyang dagdag. "Hindi man siya iyong tipo ng sundalong baril ang hawak. But she just proved everyone that she doesn't need to hold a gun just to be called a soldier. Nakafocus man siya mostly sa paperworks, but her findings and knowledge guided our team for several years."
Nilingon niya ako dahilan kung bakit nagawa kong salubungin ang tingin niya.
"At dahil nga sa isa siyang sundalo katulad ko, tungkulin naming unahin ang serbisyo kaysa sa mga sarili namin. The moment we wore this uniform, we are not allowed to have a family anymore, Cerise."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa huli niyang sinabi. Para bang kinukwestiyon niya kung paano ako nabigyan ng pagkakataong mabuhay.
"So how come that she gave birth to you without us even knowing?"
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science-Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...