Chapter 53

136 14 6
                                    

"How could I not know someone who used to be my best friend?"

Kung kanina ay matalim ko pa siyang tinitignan, ngayon ay namimilog na ang mata kong nakaharap sa kaniya.

No matter how much I try to convince myself that this must be some sort of a lie. Hindi magawang itanggi ng mata ko ang ebidensyang nakaharap sa'kin ngayon.

I saw her dekstop's wallpaper. It was my mother, Sardika, and the person which I never thought that had a direct connection with my own Mother.

"L-Lieutenant de Leon?"

Sa pagbanggit ko pa lang ng pangalang iyon ay tuluyan kong nakita ang officer namin na nasa pinakasulok ng opisina. Bumukas ang ilaw 'di kalayuan sa kaniya kaya malaya ko siyang nasilayan. Nakaupo si Lieutenant sa isang upuan. Nakatali ang kaniyang paa at kamay sa kahoy para hindi makawala.

Nangilid muli ang luha ko. So all this time she was here? Narinig niya lahat ng mga pinag-usapan namin?

"Oh, I thought you already know. But, I guess you're still clueless," banggit niya. "Leonor naman, hindi mo pala sinabi sa kaniya iyong totoo?"

Sa halip na sumagot ay nanatili lang ang tingin ni Lieutenant sa'kin habang umiiyak.

Naguguluhan akong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Kusang nanumbalik sa ala-ala ko ang lahat ng mga sinabi sa'kin ni Sir Diaz tungkol kay Mama. Sa sobrang dami ng nangyari sa buhay ko, nakaligtaan ko na ring isipin ang tungkol dito.   Who would have thought that the person whom I consider as my officer turns out to be my mother's best friend?

I've been thinking if where should I start looking for clues that might lead me to this. Hindi man lang sumagi sa isip ko na sa ganitong tagpo ko pa mahahanap ang mga sagot sa tanong ko.

"I wonder how your mother managed to keep everything hidden from you, Cerise. Magaling iyon magtago ng sekreto e, ni kahit nga iyong pagbubuntis niya sa'yo nagawa niyang itago mula sa'min. Can you imagine how brave your mother was by keeping up the whole truth while she's inside this base? Swerte lang siya at nagawa ka pa niyang maisilang dito sa mundo."

Naglakad siya sa harapan ko saka lumapit sa switch para buksan ang lahat ng ilaw.

Sa pagbalot ng liwang sa loob ay doon ko pa nagawang ilibot ang tingin ko sa buong opisina. The room is quite huge. Nasa bandang harap lang kami pero napalaki pa pala ng pwesto sa may likod.

"This was the research lab your Mother and I used to occupy when she's still working here inside. Pretty huge, right?" tanong niya sa'kin. "I was the first one who got to work in this place, Cerise. Ahead lang ako rito ng dalawang taon kay Riesce. That is why she used to call me her senior researcher. Nauna man ako rito, pero magkaedad lang kaming dalawa."

Nanatili pa rin akong tahimik pero nakikinig ako sa mga sinasabi niya. It's just that, I couldn't stop myself from roaming my eyes around. Hindi ko magawang magpapigil lalo na at may parte sakin na gustong tignan ang lugar kung saan minsan na ring nagtrabaho si Mama.

"I don't know if she was just born with so much luck or what but she effortlessly gained recognition due to her outstanding performances as a researcher. Kapapasok niya pa lang at halos hindi pa umaabot iyong dalawang buwan pero nakita na nilang kakaiba si RC. I was the one who mentored her, at aminado akong nakikitaan ko siya ng potential para magtagal dito sa loob," puri niya. "At first I admired her dedications and overwhelming efforts inside our laboratory. Hindi lang din siya magaling, napakabait niya pang tao. Everyone adored her existence to the point na kahit saang department at branch ay kilala siya."

Saktong paglipat ng tingin ko ay sumakto namang napahinto iyon sa mata niya. Bahagya akong nagulat noong una nang mahalata kong may kakaiba sa pamamaraan ng pagtingin niya sa'kin.

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon