Chapter 7

324 14 10
                                    

Hindi nagtagal iyong naging celebration namin at pinauwi na kami kaagad ni Lieutenant sa camp. May curfew kasi kaming sinusunod kaya dapat nasa camp na kami bago pa lumalim iyong gabi.

Wala namang tumutol sa naging desisyon niya dahil pare-pareho naman din kaming pagod lahat.

We spent our time there for almost six hours. At sa anim na oras na iyon, purong asaran lang iyong nangyari at ang mas nakakatuwa pa ay nakisali sila Ms. Lee sa amin. Para nga lang kaming magtropang nagbobonding sa loob ng room kaya sobrang worth it talaga.

Iyon nga lang ay hindi kami kompleto, hindi nakisali si Harlem sa amin. Sinubukan naman siyang puntahan ni Vail para ayain ayon na rin sa utos ni Ms. Lee, but she refused. Pero kahit kulang man ay nakakaenjoy naman kahit papaano.

Bago kami umuwi ay hinakot din namin iyong mga pagkain pauwi sa camp. Pero siyempre hindi namin inubos dahil nagbigay pa si Ma'am sa mga co teachers niya. Gano'n din si Lieutenant, nagdala siya ng ilang tira para sa mga kasamahan niya.

"Aray! Ang sakit ng tiyan ko!" rinig kong reklamo ni Jaden saka bumaluktot sa kama ni Eeve. Ibinaon niya iyong mukha niya sa unan at iyong dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Patay gutom ka kasi." Sa halip na tulungan ay pinili pa ni Eeve na tawanan siya.

"Deserve," gatong pa ni Maize. "Lakas mo kasing mang-asar sa'kin kanina dahil lang sa nasusuka ako. Tignan mo ngayon, nakarma ka kaagad."

Sinabihan na siya ni Vail kanina na huwag dumiretso sa camp at sa clinic na muna magpalipas ng gabi. Pero umayaw siya kasi ang sabi niya ay kaya niya raw naman.

Nang magpatuloy pa rin sila Eeve na asarin si Jaden ay doon na lang ako tipid na napailing. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to.

Lumapit ako sa deck namin ni Maize upang kunin iyong katinko sa ilalim ng unan. Isa talaga 'to sa sinigurado kong madala rito sa camp. Mas ito pa nga iyong inuna kong isecure kaysa sa suklay e.

"Gamitin mo 'to, Jaden," wika ko at inabot ko iyon sa kaniya. "Effective 'yan."

Dahan-dahan niya namang iniangat iyong ulo niya mula sa pagkakabaon saka niya pinanliitan ng tingin ang hawak ko. Mas nilapit ko pa iyon sa kaniya hanggang sa kinuha niya na nga iyon mula sa akin.

Unti-unti siyang tumayo at inalalayan naman siya ni Yobi. Ito na nga mismo ang nagrepresenta na maglagay no'n sa kaniya.

"Gosh, Yobi. Make it quick naman. Ang baho kaya!" angal ni Asther saka dagliang nagtakip ng ilong. Mabilis niya ring kinuha iyong perfume niya sa mesa at doon mabilisang nagspray sa ere.

"Arte mo, ibuhos ko 'yan lahat sa'yo e," asik ni Jaden. Kinuha niya iyong katinko kay Yobi saka binalak pa na ilapit iyon kay Asther. At dahil nga sa ayaw niya sa amoy no'n ay agaran siyang napatili.

"Hoy, huwag kayong magtagal dito sa loob ha. Mamaya may magroaming na naman na sundalo sa labas at baka makita pa kayong nandito sa camp namin," sambit ni Eeve saka tinuro-turo silang dalawa.

"Takot ka lang magpush up e," asar ni Jaden kaya muli na namang nagbatuhan ng salita ang dalawa.

"Can I borrow your extra pillow for awhile, Cerise?" Lumapit si Asther sa'kin saka tinuro iyong isang unan sa kama ko.

Kusa ko lang ding binigay iyon dahil hindi ko rin naman masyadong ginagamit.

"Dito ka matutulog?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango at abot-tainga akong nginitian.

"Of course!" Nangunot naman kaagd ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya nagcacamp kasama namin kaya gano'n na lang ang pagtataka ko kung bakit dito siya matutulog ngayong gabi.

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon