Chapter 20

177 14 6
                                    

Pasado alas tres ng hapon at nasa loob kami ng bakanteng camp. Saglit kaming pinagpahinga ni Sir Diaz dahil sa ilang oras naming pakikipagsapalaran sa labas. Sa mga nakalipas na oras na nagsusuot kami sa kahit saang building ay wala man lang kaming natiyempuhang buhay.

Ni kahit nga senyales ng mga kaklase ko ay wala man lang akong mahanap. Miski si Max ay hindi ko na rin natiyempuhan pa.
Sa tagal naming paghahanap sa kanila, mas lalo lang akong hindi nakakampante kaiisip para sa kanilang lagay.

"Cripes, Yobi, bakit cold water iyong nilagay mo sa noddles ko?" reklamo ni Asther dahilan kung bakit ko sila nilingon dalawa sa gawing gilid.  "Hindi ka ba marunong?"

"Sabi mo timplahin ko, hindi mo naman sinabi kung anong tubig ilalagay," inosenteng rason ni Jaden. "Bakit ka ba nagrereklamo?  Buti nga pinagtimpla pa kita e."

Tipid na lang akong napailing dahil sa sagutan nilang dalawa. Kung bakit ba kasi si Yobi pa iyong nakuha niyang utusan? Alam naman niyang lutang 'yan pagdating sa kahit anong gawain.

Kumuha na lang ako ng bagong cup noodles sa mesa saka lumapit sa dispenser para lagyan ng mainit na tubig. Agaran kong hinalo ang seasoning at doon ko iyon binigay kay Asther.

Tuwang-tuwa niya naman iyong tinanggap at nagpasalamat sa'kin.

"Ayaw mo bang kumain, Cerise? Marami pang noddles do'n sa basket ah, bakit hindi ka kumuha nang sa'yo?" tanong niya sa'kin sabay ihip at higop sa sabaw.

Umiling muna ako sandali bago sumagot. "Hindi na, hindi pa rin naman ako nagugutom."

Ang totoo ay nalipasan na ako ng gutom, pero hindi ko man lang mapilit ang sarili kong kumain. Tubig nga lang iyong hawak-hawak ko e, kahit kung anong pagkain na iyong pinaghatian nilang dalawa kanina ay hindi man lang ako nakisalo.

Wala talaga akong ganang kumain.

Sandali kong naiatras ang ulo ko matapos ilapit ni Yobi ang tinidor sa'kin. Puno iyon ng noddles at umuusok pa dahil sa sobrang init.

"Kumain ka kahit kaunti lang," pamimiliy niya sa'kin. "Hindi ka nga mamamatay sa alien, pero kaya ka namang patayin ng gutom."

Kumontra pa ako no'ng una dahil nga sa wala akong gana pero hindi talaga niya ako tinigilan. Maging si Asther ay namilit na rin kaya wala na akong choice kundi kumain at sabayan sila. Nakailang kuha pa sila ng noddles sa mesa na siyang pinagsaluhan naming tatlo.

Hindi pa man kami natatapos sa pagkain ay ang siya namang pagpasok ni Sir Diaz sa room. Lumabas siya kanina para maghanap ng panibagong radyo at mahigpit niyang binilin sa amin na antayin siya rito sa loob. Hindi naman ako kumontra dahil kahit papaano ay pagkakataon din namin 'to para magnakaw ng kaunting pahinga.

Napatayo kami mula sa pagkakaupo at inantay si Sir na makalapit sa pwesto namin.

"Masamang balita," pangbungad niya matapos niyang ialis ang suot niyang cap.

Nagkatinginan naman kaming tatlo at parehong kababakasan ng kaba ang mga ekspresyon namin.

"Iyong military trucks na nakita natin kanina sa field, iyon na iyong huling truck na maghahakot ng mga estudyante papuntang evacuation center."

Agad akong nagulat sa sinabi niya. Ibig sabihin wala ng trucks na darating para sunduin kami at ang iba?

"W-What?" utal na sambit ni Asther. "But w-we are still here. We are still a-alive, Sir. Bukod sa'ting apat, for sure may iba pang naiwang buhay sa ibang parte ng academy. Na baka g-gaya natin ay nag-aantay lang din silang marescue. Are they seriously going to abandon us here?"

"Paano kayo, Sir? Hindi ba nila kayo babalikan dito?" tanong ni Yobi na siyang sinuklian lang ni Sir Diaz ng pilit na ngiti.

"Halos lahat ng mga kasama kong sundalo na nag-escort ng mga estudyante ay nakaalis na," mahina niyang banggit. "Magagawa ko sana kayong maisabay kanina pero nagkaproblema ang radyo ko kaya hindi ko kayo naisama sa mga nakaalis."

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon