"You'll let her stay?" asar na tanong ni Sivan. "You've got to be kidding me, Lieutenant. Why would you keep a monster inside your own den?"
Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay, nakaupo rito sa sala upang pakinggan ang desisyon ng officer namin. Matapos ang engkwentro kanina ay nagawa pa kaming abutan nila Lieutenant na nasa labas. Kaya minabuti ni Vail na ipaliwanag sa kanila ang nangyaring engkwentro. Itatago pa sana niya ang tungkol sa kaklase namin pero sa huli ay sinabi niya pa rin.
At dahil nga sa pagbabagong nangyari sa kaibigan namin, hindi pabor si Sivan na dumito siya. Kanina niya pa sinusubukang kontrahin ang naging desisyon ni Lieutenant, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil.
"At bakit hindi?" tugon ni Ma'am Leonor. "Kargo ko si Asther dito, Sivan. I just can't dump her just because of this."
Marahan siyang napatiim-bagang bago niya kami tinignan isa-isa.
"Don't you really understand what I'm trying to point out here? Halimaw na si Asther. Nakita niyo naman siguro iyong ginawa niya kanina 'di ba?" pangangatwiran niya. "She's capable of doing the things that only a monster can do. How can you be so sure that she won't do the same thing to us? Hindi na siya nalalayo sa mga hayop na iyon, Lieutenant. She's actually much more worst than them!"
"Watch what you're saying, Sivan," sita ni Sir Diaz. "You're speaking in front of your officer."
Pero dahil nga sa ayaw niyang magpaawat, hindi talaga siya nakinig.
"So what?" pabalang niyang tugon. "Am I not allowed to spit facts here?"
"Fine, then let's consider your claim. Halimaw siya? Sige, ipagpalagay na nating tama ka. But, if she's indeed a monster, she should have opt to kill us all at this exact moment," untag ni Maize. "Pero tignan niyo, gumawa ba siya ng ikasasama natin? Hindi 'di ba? So why are you being persistent about kicking her out?"
Nilingon ko siya at doon ko nga nakitang mariin niyang tinititigan ang kaharap namin.
"Don't ever forget that Asther was the one who saved us earlier, not you."
Nang dahil sa sinabi ng katabi ko, napikon siya. Sinubukan niyang lumapit sa pwesto namin pero mabuti na lang at nahawakan siya kaagad ni Sir Diaz kaya hindi niya natuloy ang plano niyang abutin si Maize.
Talagang gagawa pa ng eksena e. Siya na iyong may issue, siya pa iyong may ganang magalit.
"Tama na, Sivan," pigil ni Sir. "Tumigil ka na."
"Tumigil?" mapakla siyang natawa. "How am I supposed to step back when you all agreed that she would stay here with us? Sir, delikado kung tutuusin ang kalagayan niya ngayon. Asther is a threat to all of us. Can't you really see it?"
Nang hindi siya sinagortni Private ay mas lalo lamang siyang napikon. Marahan niyang inalis ang kamay ni Sir na nakakapit sa balikat niya saka kami pinanlilisikang tinignan. Lalo na si Asther na pinagigitnaan ngayon ni Vail at Maize.
"Huwag niyong gamitin sa'kin 'yang bulok niyong rason na kaibigan niya kayo kaya hindi niyo siya magagawang paalisin dito," banggit niya. "No matter how she try to disguise herself as a human, she is still a monster. Gaya lang siya ng dyablo, bihisan mo man ng puti, turuan mo man ng maganda, pero sa huli, dyablo pa rin. Naiin—"
"Enough," dagliang putol ni Lieutenant dahilan kung bakit natahimik siya.
Sa lamig ng boses ni Ma'am Leonor ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Dinumog ako ng takot dahil muli ko na namang nakita ang maawtoridad niyang awra. Alam ko namang hindi siya sa'kin nakaharap pero tangina, parang ako iyong mas natatakot kaysa kay Sivan.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...